Chapter 22

6.3K 79 0
                                    

CHEN

Hindi mawala sa isip ko ang mga bagay na ibinunyag sa akin ni Harold. Totoo pala talaga na kayang gawin ng isang tao ang lahat para sa pag-ibig. Kahit pa umabot sa punto na makasakit na siya ng iba.

"Anong sinasabi mo, Harold? May anak si Clara?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Oo. She has a daughter. Limang taong gulang na ang bata ngunit wala ito sa puder niya. Pinapaalagaan niya ito sa nagretiro nilang kasambahay noon na si Manang Flor. Siya na halos ang nagpalaki sa bata." paliwanag niya.

"Sino ang ama ng bata?" Hindi mawala ang pangamba sa isip ko na baka si Yosef ang ama nito sapagkat sa loob ng napakatagal na panahon ay siya ang kasama nito.

"H-Hindi ko alam pero nakakasiguro ako na hindi si Yosef ang ama ng bata kung 'yon man ang iniisip mo."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Hindi naman sa hindi ko matatanggap kung si Yosef man ang ama ng bata subalit mas magiging malala ang sitwasyon kung mangyayari iyon.

"Harold ano ba ang plano mo?" Paano namin magagamit ang bata laban kay Clara?

"Hindi natin sasaktan ang bata. Tatakutin lamang natin si Clara. Ang anak niya ang kaniyang kahinaan. Walang nakakaalam sa naging pagbubuntis niya. Tanging ako at si Manang Flor lang. Matapos niyang manganak ay agad niya itong binigay sa matanda upang alagaan. Noong una ay wala siyang pakialam sa bata dahil hindi niya ginusto ang pagbubuntis. Ni hindi niya man lang ito binibisita ngunit nagbago ang lahat ng malaman niyang may sakit ang anak niya." salaysay niya.

"Ano ang sakit ng bata?" gulat kong tanong.

"Noong nakaraang taon nalaman niyang may stage two brain tumor ang bata. Ito ang komplikasyon ng kaniyang hindi maingat na pagbubuntis. Gumagamit siya ng droga habang nasa sinapupunan pa niya ang bata."

Labis ang awa na aking nadama para sa anak niya. Inosente ito at walang kinalaman pero nadamay pa rin siya sa naging kasalanan ng kaniyang ina.

"Harold may sakit ang bata. Hindi ko maaatim na madamay pa siya dito. Wala na bang ibang paraan?"

"Wala ng ibang paraan, Chen. Sa dami ng pinagdaanan ni Clara hindi mo siya basta-bastang matatakot. Tulad ng sinabi ko hindi naman natin sasaktan ang bata."

Tumayo na ito mula sa kaniyang kinauupuan.

"Gusto mong matapos na ang lahat ng ito hindi ba? Chen, tulungan mo ako. Gusto ko na ring magbagong buhay. Bukas kukunin ko ang bata kay Manang Flor. Kung desidido kang tulungan ako, hihintayin kita sa labas ng ospital niyo alas kwatro ng hapon."

Umalis na siya at naiwan akong magulo pa rin ang isip sa kung ano ba ang dapat gawin.

HINDI pa rin ako mapakali dahil wala pa rin akong naririnig na balita kay Yosef simula ng umalis siya. Nag-aalala ako na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya o kung ano man ang kahibangan na gawin ni Clara.

Tiningnan ko ang oras 3:55 na ng hapon. Hindi pa rin buo ang desisyon ko na sumama kay Harold. Ngunit sa kabilang banda ng aking isip ay may nagsasabing kailangan kong magtiwala sa kaniya dahil siya ang nakakaalam ng lahat.

Gusto ko ng lumabas ang katotohanan at gusto ko na ring matapos ang lahat ng ito. Wala na akong pakialam sa magiging reaksyon ni Yosef kapag nalaman na niya ang lahat. Pagod na akong mabuhay sa aking nakaraan. Hangga't hindi ito natatapos ay patuloy pa rin ang amga bangungot na gusto ko ng kalimutan.

Nagpaalam ako kay Zelle at ibinilin na sabihin kay Dad na may lakad ako at baka hindi agad makauwi ngayong gabi. Pagkalabas ko ay agad kong nakita ang naghihintay na si Harold.

"Salamat. Akala ko hindi mo na ako sisiputin." bungad niya.

"Alam kong wala ng ibang paraan kaya narito ako upang makipagtulungan sayo. Huwag mo sana akong biguin." Tumango lamang siya at kapagkuwa'y minuwestra na sumakay ako sa kotse.

MATAPOS ang isa't kalahating oras ay nakarating na rin kami sa isang simpleng white house. Nagdoor bell si Harold at agad naman siyang pinagbuksan ng isang babae.

"Doc Harold napasyal ka yata. Narito ka ba para I-check up si Yana?" tanong ng babae.

"Opo Manang Flor. Ito nga po pala si Doc Ayala. Isa po siyang neurosurgeon. Malaki ang maitutulong niya sa bata."

Pinapasok niya kami sa bahay at nagtungo sa isang kwarto kung saan naroon ang bata. Nakahiga ito sa kama.

Payat ang katawan nito at namumutla. Bumaling ang atensyon nito sa amin. She gave a weak smile. "T-Tito Harold..." mahinang sabi nito.

Nilapitan namin siya. "Yana, kamusta ang pakiramdam mo?" marahang hinaplos ni Harold ang ulo nito.

"Okay lang po. But I'm sad. Hindi pa rin po nabisita si Mama. B-Babalik pa po ba siya?"

Guilt is slowly eating me up ng makita ko ang mga luha niya. She longed for her mother and she is badly sick pero wala ito sa tabi niya.

"Yes Yana babalik si Mama. Sa ngayon kailan mo munang sumama sa amin ni Doc Chen. Gagamutin ka niya para kapag malakas ka na makikita mo na ulit si Mama." nakangiting sagot ni Harold.

"Opo I'll be a good girl para balikan na ako ng Mama ko. Para mag I love you too na rin siya sa akin."

Nakangiti man pero bakas pa rin sa mukha ng bata ang lungkot at pangungulila sa kaniyang ina. Paano nagagawa ito ni Clara? Na talikuran ang kaniyang anak para sa isang lalaki na hindi naman masuklian ang nararamdaman niya?

Madali naming naisama si Yana dahil may tiwala si Manang Flor kay Harold. Kalong ko ito habang nasa byahe. Maya-maya pa ay nakatulog na rin ito.

Agad namin siyang dinala sa ospital upang mamonitor ang kaniyang kalagayan. Gabi na but we still manage to conduct different set of tests to her. Bukas pa malalaman ang resulta.

Nakita ko si Harold sa bench. Tumabi ako sa kaniya at umupo rin. Malalim ang kaniyang paghinga at batid kong malalim rin ang kaniyang iniisip.

"Bakit ganon na lamang ang pagmamahal mo sa bata, Harold?"

"I was there when Clara gave birth to her. She's like an angel. Akala ko magagawa niyang baguhin ang kaniyang ina pero nagkamali ako. Pinalayo ako ni Clara sa bata. Ibinigay niya ito kay Manang Flor para alagaan. I tried to pursue her pero sinumbatan niya lang ako. Ayaw daw niyang malaman ng iba ang tungkol sa anak niya dahil makakasira ito sa plano niya. When she gave birth to Yana, iyon yung panahon na naaksidente si Yosef. Mas inuna niya pa rin ito kesa sa sarili niyang anak."

Bakas sa mukha ni Harold ang galit. Batid kong napamahal na sa kaniya ang bata.

"She's madly in love with him and that made her go crazy." dagdag niya.

Humarap siya sa akin.

"A love that turns to obsession. Masaya sa una but it will definitely destroy you in the end. Have you gone mad for love, Chen? Well you don't have to answer that. I once gone mad too but not like Clara....

I'm worse than her. I think."

I was stunned by his last words. He looks so serious pero biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"I'm just kidding." tinapik niya ang balikat ko bago tumayo.

"Let's end this, Chen. I will call her later upang sabihin na nasa atin ang anak niya. Ihanda mo na rin ang sarili mo and please take good care of Yana. Please save her."

Umalis na siya at naiwan pa rin akong nakaupo.

Harold sino ka ba talaga?

---------------------

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon