Chapter 13

6.7K 101 20
                                    

CHEN

Just when things are about to become hotter, my unconscious sense was suddenly awakend by my father's voice.

He's inside the house!

Kung bakit ba naman kasi nalimutan ko na ngayon nga pala siya uuwi mula sa kaniyang business trip sa South Korea.

"Y-Yosef... w-we need to stop... Dad is here..." I manage to say in between our kisses.

Natauhan naman siya agad at kahit nakikita ko na labag sa kaniyang kalooban ay napilitan siyang tumigil.

Inayos ko ang aking sarili at pagkatapos ay lumabas na ako sa guest room. Nagmamadali akong kumilos dahil baka maabutan pa ako ng aking ama at mahalata na may iba akong kasama dito sa bahay.

"Dad you're back. Welcome home! How was your business trip?" sabi ko at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

"I'm a little bit tired anak. I think I need to sleep. May jetlag pa si daddy. Ang hirap pala talaga kapag tumatanda na."

I chuckled with my dad's joke. "Daddy magpahinga ka na po. Ako na ang bahala sa mga gamit mo." I smiled. I need to stay calm kahit medyo nangangamba ako na baka mahuli ni Daddy si Yosef.

"Okay anak, I'll go upstairs." paalam niya. I just nodded at him at sinundan siya ng tingin.

Nang makapasok na siya sa kaniyang kwarto ay agad kong iniligpit ang maleta niya at iba pang gamit. I waited for 15 minutes bago bisitahin ang kwarto ni dad at siguraduhin na natutulog na siya.

I opened the door silently at naabutan ko si daddy na mahimbing na natutulog. Thank God! He must be really tired kaya nakatulog agad siya.

Wala akong sinayang na oras. Agad akong nagtungo sa guest room upang sabihin kay Yosef na pwede na siyang umuwi. Binuksan ko ang pinto at nilibot ng tingin ang buong kwarto ngunit nadismaya ako nang makitang wala siya sa loob.

Saan kaya nagpunta yun? Kailangan na niyang umalis ngayon din dahil baka atakihin sa puso si daddy kapag nakita siya nito rito.

Lalabas na sana ako nang biglang may mga brasong pumulupot sa aking bewang. Naramdaman kong humigpit lalo ang pagyakap niya sa akin.

"Y-Yosef, you need to go. Narito na si dad. Hindi ka niya pwedeng maabutan dito."

He didn't answer and nuzzled my neck instead.

Marahan akong napapikit sa sensasyong ibinibigay niya sa akin. No, hindi ito pwede. Kailangan na niyang umalis ngayon din.

I pulled myself out from his tight hug. Hinarap ko siya. Desire is very evident in his eyes. Ngunit hindi ako nagpadala.

Hinawakan ko ang kaniyang kanang kamay at iginiya siya palabas ng kwarto.

Tahimik kaming nakalabas ng bahay. Akala ko ay pipigilan pa niya ako. Mabuti na lang hindi niya ginawa.

Nasa tapat na kami ng gate ng bigla siyang humarap sa akin. Hindi ko mapigilang mamula nang maalala ko ang ginawa namin kanina.

Muntik na 'yon!

Kinapa ko ang aking nararamdaman ngunit wala akong nabanaag na pagsisisi. Hindi ko na rin alam sa sarili ko kung bakit ganito ang nangyayari sa akin.

"O-Okay ka na ba dito? Kaya mo naman sigurong mag-taxi na lang di ba?" nahihiyang tanong ko sa kaniya.

Matamang nakatitig pa rin siya sa akin kaya medyo nakaramdam na ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Chen?"

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon