Chapter 20

6.5K 82 12
                                    

CHEN

It's been a week simula nang ma-discharged sa ospital si Yosef. His Uncle, Mr. Buenavides asked me to be his nephew's personal doctor habang nagpapagaling ito.

Yosef disagreed pero ang uncle pa rin niya ang nasunod. Ayon dito, kailangan niya ng taong magbabantay at mapagkakatiwalaan while his fractures are still healing.

Hindi naman ako nagdalawang isip sa nais ng uncle niya dahil magiging pabor ito sa pagtulong ko upang mahanap si Clara.

Yes, I'm helping him to find Clara. Labag ito sa kalooban ko pero ginagawa ko ito upang matapos na ang lahat.

Once we finally found Clara, hindi na ako mag-aatubili pang ilahad ang katotohanan sa harap mismo nito. I will end her fake drama kahit na hindi pa rin nakakaalala si Yosef.

It's up to him kung sino sa aming dalawa ang paniniwalaan niya.

Humingi na rin kami ng tulong sa pulisya upang mapabilis ang aming paghahanap. Clara Fabian was declared as a missing person under a kindnap for ransom case dahil walang nakitang ni isang bakas niya sa kaniyang condo o kahit sa mga kakilala niya dito sa Maynila.

Pinuntahan rin namin ang address na ibinigay ng mga kidnappers kay Yosef bago ito maaksidente ngunit isang abandonadong bahay lamang ang aming naabutan doon. No signs of Clara and her abductors.

The PNP continued their investigation. Babalitaan na lang daw kami ng mga ito kapag may nakuha silang lead sa kaso.

But Yosef is very persistent. He hired a private investigator para hanapin si Clara.

He is doing it by himself at wala akong magawa doon. He has been quiet and distant to me mula nang makalabas siya sa ospital.

He barely talks to me at kung may pagkakataon na kakausapin niya ako ay dahil lamang sa fractures niya at sa lead ng kaso ni Clara.

Pansin ko rin ang kaniyang pag-iwas sa tuwing tinititigan ko siya sa mata. He is cold and definitely not the Yosef na huli kong nakausap bago siya maaksidente.

Gusto kong magalit at sumbatan siya pero hindi ko magawa dahil alam kong may pagkakamali rin ako.

Isang malaking pagkakamali na hinayaan ko siyang patuloy na maniwala sa mga sinabi ni Clara.

Dahil doon ay lalong naging mas mahirap ang sitwasyon para sa akin. Hindi rin nakatulong ang pagkakakidnap dito dahil pakiramdam ko'y lalo lamang tumibay ang paniniwala ni Yosef sa kaniya.

I've been trying also to open up the topic about his amnesia ngunit ayaw na muna niyang pag-usapan.

He said he wants to focus on finding Clara. It hurted my ego bigtime ngunit inirespeto ko pa rin ang desisyon niya.

Yes, ganito ako katanga dahil ako na mismo ang nananakit sa sarili ko. But who am I to blame him? He is clueless about those things that happened from the past kaya ito ang ginagawa niya ngayon.

I'm a big liar kung hindi ko aaminin na nasasaktan ako dahil totoong napakasakit magparaya.

Kitang-kita ko kung gaano kadeterminado si Yosef na mahanap at mailigtas si Clara. At labis akong naiinggit sa atensyon na ibinibigay niya dito.

Now I finally realized that things would be better if I got the courage to spill out the truth before.

Pero wala na akong magagawa pa ngayon. Nangyari na ang lahat at hindi ko na mababago ang konsekwensya ng pagiging duwag ko.

Kasalukuyan akong nag-aalmusal mag-isa dahil bibisitahin ko ulit mamaya si Yosef. This is my everyday routine. Pumupunta ako sa mansyon ng uncle niya tuwing 8 ng umaga. Doon muna siya kasalukuyang nakatira habang hindi pa lubos na gumagaling ang mga fractures niya.

Patapos na akong kumain nang biglang tumunog ang aking cellphone na nakapatong sa dining table.

Tinignan ko ito at nakita ang isang mensahe mula sa isang unknown number.

From: +63998*******

Meet me at Vista Cafe this afternoon, I have something to tell you about Clara Fabian.

Bigla akong napaisip sa aking nabasa. Sino kaya ang taong ito? Mapagkakatiwalaan ko ba siya?

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip nang muling mabuhay ang screen at nakita ko ang pangalan ni Yosef doon. Agad ko namang sinagot ang tawag niya.

[ Don't go to my Uncle's mansion. May pupuntahan ako ngayon. I won't be there for the whole day. ] he said.

Magsasalita na sana ako ngunit ibinaba na niya agad ang tawag.

Hindi niya man lang ako hinayaang magtanong kung saan ba siya pupunta.

Nanlulumo kong ipinatong ang aking cellphone sa mesa at muling tinitigan ang mensahe mula sa unknown number.

Siguro naman ay hindi ako mapapahamak kung makikipagkita ako sa taong ito.

AROUND 1:15PM nang makarating ako sa Vista Cafe. Kakaunti ang mga tao na narito ngayon. Siguro ay dahil na rin sa pagbuhos ng malakas na ulan kanina.

Umupo ako sa may bandang likod na bahagi ng Cafe. Hindi rin ako sigurado sa ginagawa ko pero desperada na talaga akong mahanap si Clara.

Wala naman akong pangamba sa aking kaligtasan dahil disente at isang pampublikong lugar ang ibinagay sa akin ng nagpadala ng mensahe.

Tinawag ko ang waiter upang umorder ng kape dahil medyo nakakaramdam na ako ng lamig. Patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas at natitiyak ko na babaha na naman sa aking dinadaanan pauwi.

Tama ba itong ginagawa ko?

I sighed out of frustration nang biglang may lalaking lumapit sa aking table.

Sa aking tantya ay 6'3 ang tangkad nito. Maputi ang kulay ng balat at nakasuot rin ito ng salamin.

"Excuse me miss, ikaw ba si Dra. Chen Marie Ayala?" he asked.

Pinagmasdan ko siyang mabuti bago ako sumagot.

"Yes ako nga. Perhaps, are you the one who sent me a message this morning?" balik kong tanong.

Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

"Yes. It's nice to meet you Dra. Ayala. By the way, I'm Dr. Harold Santiago." inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin.

Dr. Harold Santiago. I've heard that name before.

Pilit kong inisip kung saan ko nga ba narinig ang pangalang ito noon at bahagya akong nagulat nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Yosef.

"Base on your reaction, I think you already knew something about me." ibinalik niya ang kaniyang kamay nang hindi ko agad 'yon tanggapin.

"D-Dr. Harold Santiago? You are--"

"Yes, I'm Clara's friend at ako rin ang doktor ni Yosef noon."

He grabbed my right hand and give me a tight grip.

----------------------

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon