Chapter 21

6.8K 95 23
                                    

CHEN

"You're her friend and I am expecting na alam mo kung ano ang nangyari sa kaniya o kung nasaan ba siya." I blurted.

Muli kong sinipat ang lalaking kaharap ko ngayon. I don't even have an idea kung mapagkakatiwalaan ko ba siya o hindi.

"Yes, I exactly know where she is and that kidnapping drama is just her stunt." he said.

Hanggang ngayon pala ay niloloko pa rin niya si Yosef.

"Alam kong nagdududa ka kung bakit sinasabi ko ito sayo ngayon but one thing that I am sure is that you can trust me with this one dahil gusto ko nang matapos ang kabaliwang ginagawa ni Clara." paliwanag niya.

Huminga ako nang malalim bago muli nagsalita.

"Yes, I have doubts about you pero dahil nandito ka na, can you please tell me kung ano ba talaga ang rason ni Clara kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?" I asked seriously.

"Clara is my childhood friend. Mula pre-school hanggang college ay magkasama na kami." he started.

"So kilala mo na ako noon pa?" tanong ko.

"Not really. Aloof kasi ako sa mga kaklase ko noon. I was bullied before at si Clara lang ang nag-iisang kaibigan ko na nagtatanggol at umiintindi sa akin. Noong graduation lang kita nakilala dahil ikaw ang summa cum laude ng batch at dahil na rin sa video." pagpapatuloy niya.

I grip the cup tightly dahil bigla akong nakaramdam ng hiya noong malaman ko na isa siya sa mga nakakita ng video na 'yon.

"Don't feel bad about it dahil alam ko ang tunay na dahilan kung bakit nagleak ang video noong mismong araw ng graduation natin." seryosong sabi niya.

"W-What do you mean? S-Sino ang may kagagawan ng bagay na 'yon?" nanginginig na tanong ko.

My heart started to race furiously dahil ngayon ay may makakapagsabi na sa akin kung sino ang dahilan kung bakit lumabas ang video na 'yon noong mismong araw ng graduation.

"Chen listen to me. Clara is the one who is responsible for leaking your video. Siya rin ang may kagagawan kung bakit nagawa kang pagsamantalahan ni Yosef."

Natigilan ako sa kaniyang isiniwalat.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan! Paanong nagawang lahat 'yon ni Clara?" I blurted out of frustration.

Paano nagawang manipulahin ni Clara ang lahat?

"Clara's biological father is a member of the biggest Drug Triad in Asia. Bata pa lang kami ni Clara ay tinuruan na siya ng ama niya na magpuslit ng droga sa eskwelahan namin. May ilang faculty staff na bumibili sa kaniya at wala namang magawa ang management ng eskwelahan dahil makapangyarihan ang ama niya. Kahit ako. Wala rin akong magawa dahil utang ko sa ama niya kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon, nakapag-aral at naging doktor pa.

Pero kapalit ng lahat ng 'yon ay ang katahimikan ko at ang pagtulong sa mga drug transaction nila. Si Yosef, isa siya sa mga biktima ng drogang ipinupuslit namin noon sa university. Gustong-gusto ko nang tumigil pero natatakot ako dahil buhay ko ang kapalit kapag nagsalita ako laban sa kanila."

"Kung ganon ay bakit sinasabi mo ang lahat ng ito sa akin, Harold?"

"Dahil sawa na ako sa buhay na meron ako. Napakatagal na panahon na nila akong hawak sa leeg ngunit di ko magawang lumaban dahil natatakot ako. Pero ngayon wala na akong makitang dahilan para matakot pa. Nasusuklam ako sa sarili ko dahil isa akong doktor. Dapat tinutulungan ko ang aking kapwa pero heto ako at involved pa rin sa droga. Nagawa kong maabot ang pangarap ko sa maduming paraan at ngayon ay nagsisisi na ako. Gusto ko nang tapusin ito dahil marami na ang mga inosenteng nadamay. Hindi ko na rin kayang makita si Clara na unti-unting sinisira ang sarili niya dahil sa labis na obsession niya kay Yosef." paliwanag niyang muli.

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon