F is for Fishing

1.2K 101 19
                                    

A/N Nakakatakot mag update. Haha. I hope that you would appreciate more the fact that the leading characters are faithful to each other in spite of the situations or people around them. 😁

************"

May mga salita na mahirap sabihin
Kaya eto baka sa kanta ko na lang aaminin.
Maari mo ba akong tignan kagaya ng dati?
Maari ko bang maibalik ang ngiti sa mga labi?
Nahihirapan ka ba? Kase ako oo. Mahirap makita na may kasama kang iba at hindi ako.
Wala nang ikaw at ako. Wala nang tayo. Pero susubukan Kong hawakan kang muli, umaasang muli kang mamulat at maalala na minsan naging ako.
Minsan naging ako ang laman ng puso't isip mo.
****************

Julie

Parang ang tagal nyo ata dun sa kabilang kwarto. Ganun ba nakatago masyado yung folding bed at inabot kayo ng siyam-siyam bago makalabas?

Aaminin ko, nagseselos na talaga ako. Selos na selos.

**************

"Ang bait pa rin ng Kuya mo eh no?" Sambit ko Kay Christine habang naglalapag kami ng gamit kanina sa guest room.

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ni Barbie.

"Napansin kong hindi sya masungit dun sa Babae. E di ba remember nung sa akin it took 3 years bago sya makipag interact?"

She was brought back to the days when Rj is the sole focus of her attention. They were batchmates but he is so aloof with people thus was deemed as "Mr. Gwapong masungit". He was the top of his class and the only interaction he had in school was only in class recitations and reports.

Kinaibigan nya ang kapatid nitong gradeschooler umaasang mapalapit sa Kuya nito. She would often go to the Reyes' house in Bulacan after class, hoping against hope to see him even for a few seconds.

He was and guess still is the man of her dreams. She would write songs about him and sing it in school, having a common knowledge that those lyrics is solely dedicated to the one Richard Reyes.

She was brought back from her reverie when christine said something.

"Di ba nga ate julie super kilig mo nung minsang kumanta sa intramurals tapos napadaan si Kuya at nginitian ka?"

Yes. I remember that. How can I forget?
You smiled at me for the first time and I could drown from the dimple we only behold once in a blue moon.

Hindi ka kasi palangiti eh. Sunget.

"Ang sunget ni Kuya mo eh no pero mukhang nagbago na." Komento ni barbie.

"Siguro nakabuti si Kuya Peter sa kanya."

Oo nga pala si Peter. Kinaibigan ko rin yun eh kaya medyo nakakasali ako minsan sa usap nila. Naaalala ko dati nung paalis ka papuntang America for your application sa university kasama akong naghatid. At doon. Doon kita unang nayakap. Grabe lang, ang bango.

"Tin, would you know kung sweet sila ni girl?"

"Naku di ko alam talaga. As in wala akong reference."

"Pero kanina ah..infair" sabat ni barbie. "Ano yung pag-alalay nya acting lang?" Dugtong nito.

"Oo halata naman. Nagkakailangan sila kaya." Dagdag ko.

Akting lang. Oo, akting lang.

"So Pano ba talaga ang balak natin?" Tanong ni Tin.

Nag-usap kami. Basta ang balak ay mapaamin ang dalawa na hindi nila gusto ang set-up nila. Nalaman din namin na may gusto si Raine na iba nung pinakasal sila ni Chard. And of course, if there's anyone na magpapamulat Kay Richard kung ano talaga ang pag-ibig at sino ang karapat-dapat, ako yun. Matagal kitang hinintay at pinagtyagaan, ngayon pa ba ako susuko?

"Girls it's time. Plan no. 1, hindi nila kailangang matulog na magkatabi.'

**********
Present hour...

"Katukin mo na nga tin." Utos ko.

After sumagot si Chard at lumabas sila nakita ko yung inis sa mukha nya.

Hay naku, etong si ate girl kase kailangan pang samahan sya sa loob eh rule no. 1 sa Rj's do's and dont's: keeping distance is highly important.

With that thought, kailangan ko talaga syang iligtas from this girlaloo.

************
We went inside sa room nila. Aba maayos ang props nila ah kase mukha talagang kwarto ng mag asawa.

Nilapag at inayos na nila yung higaan sa may lapag habang patuloy Kong tinitignan ang paligid ng kwarto. Napansin ko yung solong litrato ni girl sa may lampstand malapit sa bed.

Sabi na nga ba eh, sayo tong kwarto.

Chard clapped his hand once, signaling na tapos na silang maglatag.

Plan no. 2: Paano sila hindi magtatabi.

Napagmeetingan na namin kung ano ang gagawin. Christine will get her attention and will ask kung pwedeng magkakatabi kami sa lapag.

Of course, medyo tinutulungan na namin sila para di magpanggap kaya malamang papayag agad tong mga to, lalo na si Chard.

****************
So it starts.....

"Ate Raine tabi tayo dito sa may lapag. Sali ka sa girl bonding namin."

I see hesitation in her eyes as she look at Chard, whose face is now painted with what is that? Masked happiness.

Yes. Mukha syang natatae sa sobrang saya.

A/N I will update later if hindi kayo beastmode. Hahaha

Somebody WaitingWhere stories live. Discover now