M is for Mahal

1.5K 106 15
                                    

May sikreto akong hanggang ngayon di ko pa nasasabi sayo. Siguro wala akong lakas ng loob sabihin sayo noon kasi baka hindi mo maintindihan.

Noong highschool ako papunta sa bahay nila Sam, may napansin akong binatang nakadungaw at tila ba nakatingin sakin. Sandali ko syang tinignan at napangiti nang hindi inaasahan.

Ang weird mo Raine...nginitian mo talaga?

Pasalamat ko na lang dahil lumabas sa may kabilang bintana si Sam para maligtas ako sa siguradong kahihiyan.

Hindi ko rin nasabi sayo pero Simula nun tuwing dadaan ako sa kalsadang iyon hindi ko alam pero hinahanap ko sya. Palihim akong dumudungaw at napapangiti sa tuwing mahuhuli ko syang hindi mapakali para hindi mahuli. Wirdo pero marahil dahil may napansin ako sa mga mata nya...

malungkot pero nagningning...






At hanggang ngayon habang nakatitig ako sayo habang abala ka sa pag aayos ng gamit natin, ganun pa rin. Tumingin ka sakin at nagniningning pa rin ang mga mata mo. Siguro ang pinagkaiba lang ngayon hindi na sila malungkot...

Chard, RJ, Richard...

Sa kahit anong pangalan, tawag o anyo, nag-iisa ka lang. Gusto kong malaman mong ikaw lang. Oo ikaw lang, ang mamahalin ko nang ganito. Wala nang iba. Ikaw lang...Ikaw lang palagi. Sa ulan at tag-araw. Sa malungkot at sa masaya.

At dito, sa lugar kung nasaan ka ang nag-iisang lugar na nais kong manatili. Dito, sa piling mo, na para bang gusto kong patigilin ang oras, o kaya ibalik at balikan lahat nang kasama ka.

Pasensya ka na ah, Hindi kita kagaad napansin. Kung kaya ko lang sabihin sa Raine noon na ikaw yung taong mamahalin nya nang sobra-sobra, na ikaw yung lalaking Hindi sya mapapagod na pagsilbihan, paghainan, punasan ng pawis, yakapin, halikan, mahalin. Na ikaw. Ikaw lang.

Rj, mahal na mahal na mahal kita. At ngayong Gabi, buong-buo kong iaalay sayo ang making sarili. Sayo pa lang. Sayo lang.

Lumapit ako sayo at doon nagsimula ang mainit na tinginan, di maawat na paglalakbay ng mga kamay, pag ragasa ng emosyon, sabay nang mapupusok na halik. Mula sa labi, pababa sa leeg, at papunta sa bawat sulok nang katawan ko. Sinaliksik mo ako at wala kang pinalampas na dako.

Ang kwarto ay napuno nang mga singhap at maiingay na pagtama ng mga balat. Ang labi mo sa aking katawan, ang katawan mo na tinuturo sakin kung paano ang pagsayaw.

RJ, para kang panimula sa bawat masasayang bagay, para kang katapusan sa bawat malulungkot na nakaraan.

Sa bawat halik mo sa labi ko at pakikipagtalastasan ng ating mga dila, nalaman ko kung anong ibig sabihin nang pagiging isa. Ayoko sa iba Rj, sayo lang ako, iyong iyo lang...

Napasinghap ako nang malakas Sabay tulo nang nga luhang di ko malaman kung saan nagmula. Habang sinusuklian ko ang mapupusok mong ragasa sa aking labi, ang mga salitang, mahal na mahal kita, para bang biglang nagkulang. Wala pang salitang nagagawa upang maipinta ang matiding pangungulila ko sa iyo kahit na kasama naman kita ngayon.

Rj, bakit ngayon ka lang...

Bigla akong nanghinayang sa bawat taon, sa bawat buwan, araw,  sa bawat oras, minuto, at segundo na hindi pa kita kilala, na hindi pa kita kasama, na hindi ko pa alam na ikaw ang mahal ko...

Sayang...

Kaya ngayon humanda ka, kumapit ka, dahil bawat sandali simula ngayon mararamdaman mo ang naipong lungkot nang mga panahong wala ka.

Hindi ko namalayang kapwa na pala tayong hubad ngunit hindi nahihiya. Tinitigan mo ako at para akong magandang panaginip na natatakot kang biglang magising.

"Mahal, love, Raine...hahayaan mo ba ako?"

Lumuluha akong tumango. Mahal, wag ka nang matakot, Hindi na ko mawawala. Dito lang ako. Sayo lang ako.

Hinawakan ko ang iyong mukha at inilapit ang iyong mukha sa akin. Para bang sa pasimula nang bawat kanta, marahan kitang hinalikan. Unti-unti habang papunta sa koro ay nagiging mapusok, pataas nang pataas hanggang tuluyan ka nang kumilos. Pareho tayong napabuntong hininga nang nagdutong at naging isa tayo nang tuluyan. Masakit pero masaya. Eto na ata ang pagkasira na nagbuo sakin. Ngayong sandali winakasan mo ang matagal na paghihintay, at masaya ako na naghintay ako. Dahil ngayon inangkin mo nang buong-buo, walang kahati, walang nauna, dahil ikaw lang ang hinayaan kong makapasok at manatili. Ikaw lang. Ikaw lang palagi.

Nagsimula na ang masarap na pag indayog natin. Sa isang kanta na tayo lamang ang may alam. Ngayong Gabi, tayo lang ang mahalaga. Ikaw at ako, mahal ko.

****

Pagod na pagod tayo pero masaya. Sa gitna nang kadiliman tayo'y nagtitigan.

"Ang sarap mo mahal ko..."

"Mahal? Di ba love tawagan natin RJ ko?

"Oh tignan mo nga RJ na tawag mo sakin.."

"May nag-iba kasi eh...Ewan...pero oo nga mahal, parang mahal na gusto Kong itawag sayo."

Kiniliti mo ako. Pinalo kita.

"Gaya-gaya ka."

"Ikaw kaya..."

"Ha?"

"Ha?"

"Isa pa?"

Napatingin ako sa katawan natin na nakalingkis sa ilalim ng kumot.

"Makakalakad pa ba ako bukas?" Sabi ko at napuno ang kwarto ng malakas nating tawanan.

Dito. Sa lugar kung saan malapit sayo at tanging ang mumunting ilaw lamang ang paraan upang mamasdan kita, nakita ko ulit yung binatang may nagniningning na mga mata.

"Mahal, masaya ka?" Tanong ko.

Sinuklian mo ako ng ngiti at binalot ako sa init ng mga bisig mo.

"Sobra."

*****

A/N guys. Lapit nang matapos. Salamat sa pagsama. :)

Somebody WaitingWhere stories live. Discover now