Isang taon na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ako nag-aral sa Ace Academy dahil unang una hindi ko naman alam kung saang lupalop yun makikita.Tuwing nagtatanong ako parati nalang nila akong binibigyan ng babala na wag na daw.Edi wag! Nakaka-stress eh! Ano bang meron diyan sa School na yan at hindi ko makita? Yong Totoo?! Pag titignan ko sa Internet naka-Blocked.Kala mo naman ini-invade ko na Privacy nila! Masama na bang mag-enroll ngayon? Gaya nga ng sinabi sa akin ni Kuya Nick, I hid my surname. Rouzzienne ang ginagamit ko ngayon at hindi Raven.
Ako si Aphrodite Diamond Raven. Magso- Sophomore sa Calix High.Simple lang ang naging buhay ko simula ng nangyari yun.At ngayon, binisita ko na sa sementeryo sila Kuya Nick. Sana di sila galit sa akin kasi di ako nag-enroll sa Ace Academy.
》Sa sementeryo....
"Mommy,Daddy.Kuya.Sorry ah. Ang hirap hirap naman kasi hanapin nung Ace Academy na yan eh! Ano ba naman kasing meron diyan at kailangan ko pang mag-enroll dun? Sagutin niyo naman ako oh!" sabi ko.Kahit na patay na sila kinakausap ko padin sila ng normal para di ako masyadong malungkot. Biglang may kumalabit sa likod ko.Napapikit ako ng di-oras.
"Huy.Binabawi ko na.WAG NA KAYO MAGPARAMDAM JUSKO ALAM NIYO NAMANG SCAREDY-CAT AKO EH! Sige na Sorry na guise!" Hindi pa din ako lumilingon.Kase nap-praning na ako baka MOOMOOH yun!
"Hija." sabe ng boses na narinig ko sa likod ko. Dahan dahan akong lumingon para makita kung sino ito.
"AHHHH!! Mumu!!" I covered my eyes kase natatakot na talaga ako, Nagf-freak out na ako dito!
"Hui! Jusmeyyo kang bata ka! Hindi ako multo. Tao ako!" Sabi niya.Mejj nairita tuloy siya. Eh kasi naman yung suot niya eh! Nakasuot siya ng mahabang itim na damit tapos mahaba pa buhok niya. Magulo tas kulay puti lahat ng buhok niya. Matanda na siya.AS IN. Kaya ako natakot.
"Ay Lola,Sorry po." I bowed. Nakakahiya kay lola.
"Hija. Narinig kitang binanggit ang Ace Academy.Anong kailangan mo roon?" Tanong ni Lola.
"Umm Kase po Lola... Yung mga magulang ko po.. bago po sila pumanaw eh sabi po nila sa akin ay dun ko daw ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Eh hindi ko naman po alam yun kaya di na lang ako dun nag-aral. Isang taon na rin po ang nakakalipas simula ng iwan nila ako. Pero di ko naman po gustong hindi sundin ang gusto nila lalo na't yung ang huling kahilingan nila sa akin pero hindi ko po kasi alam na may ganun palang pangalan ng School dito sa Pilipinas. Feeling ko nga ang sama sama kong anak kasi hindi ko sinunod yung huling utos nila sa akin. Bilin pa man din yun sa akin,Lola." tumulo na naman ang luha ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"Nako Sorry Lola,ha.Nag-drama pa ako sa harap niyo."
"Ayos lang yan,Hija. Pag nalulungkot ka, wag mong kimkimin. Kasi sasabog yan. Pag sumabog yan, hindi maganda kakalabasan.Baka makagawa ka pa ng desisyong pagisisihan mo sa huli.Kaya hanggat maaga pa ilabas mo lang yan.Wag ka mag-alala.Alam ko ang paaralang iyon. Naging estudyante din ako doon nung mga kapanahunan ko pa. Kaso bibigyan kita ng babala,hija.Hindi magiging madali ang buhay mo roon.Pag nakapasok ka na sa school grounds, bawal ka nang tumakas. Bawal ka nang lumabas. Kaya pag-isipan mong mabuti kung gusto mo ba talaga roon," payo sa akin ni Lola.Hugot naman itong si Lola pero sabi nila ganyan talaga kapag marami ng napagdaanan sa buhay - humuhugot.
BINABASA MO ANG
Ace Academy: School Of The Elites
Teen FictionArquieyya is a peaceful, royal paradise. War, in any form, is strictly forbidden. Charesquea is the complete opposite of this. It is where triumphant warriors reside. War is normal for them.Enshantria, on the other hand is full of overconfident geni...