We then proceeded to the office.
"So.How's it going? Any updates?"
"None."Sabay naming sabi netong katabi ko.Well,actually meron naman kaso ayoko munang sabihin hanggat wala pa akong sapat na ebidensya.Kailangan kong masigurado na totoo ito.
The headmaster sighed.Disappointment was clearly written on his face.I wanted to tell him that eveything will be disclosed but right now, I need to clear off all superfluous stuffs in this room.And when I say 'stuffs', that could only mean him... Sasabihin ko yung mga hinala ko kapag wala na siya dito.Not sure if I could trust him.
Hinilamos niya ang mukha niya.He dangerously looked at us with narrowing eyes piercing like a dagger.Hindi ko alam kung nararamdaman ba ni Chaos yung nararamdaman ko ako lang talaga nakakaramdam ng tension dito.
"Kapag hindi niyo pa siya nahahanap in one week, maapektuhan ang posisyon ninyo dito.You." Tinuro niya ako.
"Your scholarship will be cancelled kapag hindi mo pa siya nahahanap.This is a task for the both of you.And you." Tinuro niya yung katabi ko. "Your job is to help each other.Wala akong pakielam kung paano niyo iyon magagawa since I know thay both of you are not really..." Tinitigan niya muna kaming dalawa saka siya nagsalita. "Close." Naningkit ang mga mata niya. "But I need you to accomplish this task,Chaos Steffano Francesco. Kapag nawala ang scholarship niya, mawawala din ang contract ninyo. Do you want that to happen? " Tinitigan niya nang mabuti si Chaos.
"Of course..NOT." Binigyan ko na lang siya ng masamang tingin.Tsk.Palibhasa batugan lang itong lalaking ito kaya ayaw niya mawalan ng katulong niya.Tamad na tamad kaya yan magluto tuwing umaga. Maayos naman sa kwarto niya eh.Maayos siya manamit, katunayan ang bango nga niya ever eh.Pero pagdating sa pagluluto mamamatay na lang siya hihintayin pa din niya ako magluto ng pagkain niya eh.Ka-urat siya ever! Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga taong nagpapa stress sa akin ngayon araw bukod kay Chaos.
"Teka.Anong kinalaman ng paghahanap ko sa Ace na yan sa scholarship ko ha?" Pagtataray ko.Tinaasan ko pa siya ng kilay sa sobrang pagka-urat.
"Ginagawa ito ng bawat scholar na napupunta dito.Hindi lang ikaw." Kalmado niyang saad.
Yung secretary naman niya nakasimangot na naman.Nakatingin na naman sa akin.Wala naman akong ginagawa.
"O sige." May binigay si Ashley na isang envelope.
"Open it." Sinunod ko naman ang utos niya. Pagkabukas ko, may nakita akong pictures ng isang babaeng nakasalamin.Lahat ng pictures niya naka talikod siya or side view kaya hindi ko ma-imagine yung mukha niya mismo.Grabe naman kasi ito.
"Ano camera shy lang ampeg neto? Ni wala man matinong kuha dito eh.Puro nakatalikod o naka side view.Seryoso ba ito?" Napakahawak tuloy ako sa hikaw lo sa sobrang pagka-urat.
Nakita ko naman sa peripheral view ko na napahilamos ng mukha si Chaos at si Ashley naman napa-facepalm ng di oras.
"Aphrodite, can you please...please.."
"Please?" Please ano? Please keep quiet siguro sasabihin nito o kaya please go out.Mga ganun siguro? Pa-suspense pa di na lang sabihin agad para namang ano to si Chaos eh!
"Please. Maging seryoso ka naman kahit ngayon lang.Pero inaamin ko.You have a point."Napahawak siya sa baba niya.Psh.Ayaw maniwala sa akin seryoso naman ako.Mukha lang nonsense pero kasi anong kalokohan yon diba? Puro side view.Kaasar.Paano malalaman kung sino yon?
"Makes me wonder.Bakit ba walang matinong kuha diyan? I mean, how would we know kung sino yan-" Di ko na pinatapos yung sasabihin ni Chaos kasi alam ko tapos naman na. Ata.
BINABASA MO ANG
Ace Academy: School Of The Elites
Teen FictionArquieyya is a peaceful, royal paradise. War, in any form, is strictly forbidden. Charesquea is the complete opposite of this. It is where triumphant warriors reside. War is normal for them.Enshantria, on the other hand is full of overconfident geni...