Chapter X ~ Royal Blood Compact

359 10 0
                                    

Nagising na lang ako nang yumuyugyog ng balikat ko. Pagmulat ko ng aking mga mata, nasilayan ko agad ang isang lalaking nagpapagulo ng buhay ko. Ang taong walang iba kundi si Chaos! Nakatulog siguro siya sa kakabantay sa akin. Hay Nako Dia wag ASSUMING! Ang himbing ng tulog niya. Nag-guilty tuloy ako. Siguro masakit katawan niya ngayon kasi binuhat niya ako. Ang bigat ko pa naman. 

Pero kasalanan niya pa din kung bakit ako na-kidnap in the first place! Tama! Wala dapat akong ika-guilty. He deserves it. Nag-aaway na tuloy yung mga kunsensya ko sa isip ko. 

Tama lang yan sa'yo Chaos! Ikaw naman kasi eh! Ang bad bad mo sa akin kaya tuloy tignan mo bugbog sarado ako dito! 

Kung hindi siya dumating, malamang ang isang Aphrodite Diamond Rouzienne Raven ay isang history na lang ngayon. 

Kahit na! Siya naman nagpa-kidnap sa akin in the first place diba? 

But in the end, ikaw pa din ang nagwagi diba? 

Naguguluhan na ako! Nakatulala pa rin ako sa sleeping face ni Chaos. Ang cute niya pala matulog! Wait. WHAAT? Did I just say that? 

"Huy Chaos. Hindi ko na 'to uulitin ah. Mataas pride ko kahit ganto ako noh.Thank you ah. Simula ng mamatay yung taong mahal ko eh wala na akong superman sa buhay ko. Kahit na ganyan ka may side ka pa pala na mabait. Pero kasi kasalanan mo naman eh." Napatigil ako sa mga sinasabi ko. Napa-pout ako at nayamot na naman."Eto na itutuloy ko na kahit tulog ka.Hindi kasi ako marunong mag-thank you sa'yo pag gising ka eh." Hinaplos haplos ko ang mga buhok niya in a playful way. "Pero.. hindi pa tapos yung war natin ah! Get ready! Ayun lang. Thank you kasi akala ko mamamatay na ako kanina eh mejj fail kasi nga dumating ka..Kanina nga ready na akong mamatay para masundan ko na siya sa Heaven eh." Sinuklay ko naman ang mga buhok niya habang natutulog siya.Teka ano bang ginagawa ko sa kanya? Baka magalit siya sa akin! 

"Hay jusko ano bang ginagawa ko sa'yo baka mamaya patayin mo ako kasi nahawakan ko buhok mo.Sorry na po!" I bowed my head. "Sige tulog ka na Steff ha? Teka... Steff.. Ano nga ulit yun? Nakalimutan ko  eh. Eh basta Chaos na nga lang! Pero kasi.... Steff... Steff..." Sinubukan kong tandaan yun.

"Steffano." He smiled. Nakapikit pa siya habang sinasabi niya yun. Nagulat naman ako sa kanya.

"Kanina ka pa gising?!" I gasped. He chuckled. Idinilat naman niya ang mga mata niya at ngumiti sa akin. 

"Hmm.Steff? I like that. From now on, ikaw lang ang binibigyan ko ng karapatang tawagin ako sa ganyang pangalan." He grinned. Pinalo ko naman siya ng mahina. 

"Shut up. " Napatingin naman ako sa ibang direksyon dahil hindi ko kayang tumitig sa mga mga mata niya."So.. Ibig sabihin.. Narinig mo lahat ng sinabi ko kanina? " Napatingin ako sa sahig.Nahihiya ako sa sarili ko. "Umalis ka na nga Chaos." Utos ko sa kanya. He then lifted my chin dahilan para magkatitigan kaming muli sa isa't isa. 

"Uh-uh-Uh. Wrong name Babe. "

"S-shut up!" Naiirita na talaga ako kay Chaos ah! 

"I won't leave here hangga't hindi mo binabanggit ang binansag mong pangalan sa akin, Aphrodite." He playfully replied.Napayuko muna ako bago ko sambitin ang pangalan iyon. "Steff." 

"WIsh Granted Milady."

"Ay teka! Nasaan muna ako kasi? Wala ako sa bahay sure ako." Tumawa naman siya ulit. Nakakainis ah! 

"Nasa dorm ko. After all, may contract pa po tayo kung nakakalimutan mo." Pagpapaalala niya. Napakagat labi naman ako at napahawak sa aking noo.Nakalimutan ko nga talaga! 

"O-Oo naman hindi ko naman nakakalimutan y-yon noh.A-Ako pa!" Jusko nautal pa! Anu ba naman yan oh. He smiled. Ang gwapo naman niya. Bakit ba may kakaiba akong nararamdaman kapag kausap o katabi ko siya? Hay nako, eto talaga yun epekto ni Chaos sa akin eh. 

Ace Academy: School Of The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon