Chapter XI ~Out of the Comfort Zone

336 10 0
                                    

Nakita ko si Clauss Silvero... 

"Aphrodite.." Pagtawag niyang muli sa akin. Tumingin lang ako sa kanya pero wala pa rin akong nasasabing salita hanggang ngayon.I was still shaking terrribly. Napakunot naman ang kanyang noo at tiningnan ako ng deretso. 

"A...A-Anong kailangan mo sa akin?" Pagtatanong ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayokong may nakakakita sa akin na ganito ako. Weak. Fragile. Nilapitan naman niya ako at tinitigang muli with a blank expression on his face. Para bang he's trying to figure out kung ano ba ang nangyayari sa akin ngayon. 

"Come with me." Yun lang ang sinabi niya.There's something different about him. Weird. Sinundan ko na lang siya at nakarating kami sa boys' dormitory. Why do I get this weird feeling na pwede ko siyang pagkatiwalaan? I don't even know the guy! Don't get me wrong. I don't like him in a romantic way. More like a... Friend? Brother? Comrade? I dunno! 

Dinala niya lang pala ako sa dorm ni Chaos. "So tell me, inutusan ka ba niyang dalhin ako rito?" Deretsahan kong tanong sa kanya. Mukhang hindi naman siya nagulat sa tanong ko.His expression remained blank. 

"Yes." He replied while perfectly leaning against the wall. Ang gwapo niya rin pala. Red-haired Punk. Skinny Pants.Black Leather Jacket na may Goblin design sa may right sleeve. Diamond Pendant.  He really is mysterious. Gusto ko yung ugali niya. 

"Hey."

"Hmm?"

"Smile.Hindi mo pasan ang buong mundo." I told him. 

"F*ck.Totoo nga yung sinabi ni Franceso tungkol sa'yo. You really are naive. " What the?! Did he just--- 

"But I like you. " His lips slowly curved to form a small smile. "You amuse me, Raven. " 

"Alam mo,hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa'yo o maiinsulto. Paradox.Tsk." I pouted. Nakatitig na pala siya sa akin at nakangiti. 

"Ngiti pa,sige!" Sabi ko.

"Akala ko ba sinabi mo sa akin ngumiti ako?" Pang-aasar niya.

"Anu ba. Hindi ko sinabing pag-tripan mo ako.Ang sinabi ko lang ngumiti ka!" 

"Eto na nga ngumingiti na! Kayo talagang mga babae ang hirap intindihin eh noh?" 

"Hoy. Bakit, kayo din namang mga lalake ah? TIngnan mo yang si Chaos. Bipolar yun alam mo ba?"  Then bumalik sa pagiging blanko ang expression niya.

"Don't address our master like that, Ms. Raven..." Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.Anong meron? Ngumiti ulit siya at sinabing " That's bad. "

"Gusto mo ba malaman kung bakit nasabi kong bipolar yang si Chaos?" Hindi naman na siya sumagot pero nakatingin pa din siya sa akin ng nagtataka. Para bang curious siya.

"Uiie. Curious siya. Ehe!" Pinalo ko siya ng mahina sa balikat pero para sa kanya ata hindi yun mahina kasi natumba siya sa kinatatayuan niya eh!

"Urggh!Amazona ka ba?" Inis na tanong niya sa akin.

"Okay ka lang ba? Sorry na!" Pero natatawa ako kasi parang ang OA niya naman masyado. Masakit ba yun?

"Are you laughing at me?" He glared at me.

"Hindi nuh." Umiwas ako ng tingin sa kanya at napakagat labi ako para pigilan ang mga tawang nagbabadyang lumabas sa bibig ko. Tumalikod ako para umalis na pero dumating na pala yang si Chaos na siyang kinagulat ko naman.

"Ay kabayo!" I exclaimed in a high pitched voice. Nagulat ako eh! Bigla ba namang sumusulpot sa harap ko.Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. "Ano ba!" Tinulak ko siya at nagulat ako nang mapalabas ko siya sa pinto.Isang tulak lang iyon ah! Ano bang nangyayari sa akin? 

Ace Academy: School Of The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon