Poem 4: Kamukha

1.1K 26 1
                                    

Pilit kong pinigilan
ang mga luhang
muntik nang maglaglagan,
lalo na ng aking makita
ang isang lalaking
iyong kamukha,

Siya sa akin ay ngumiti
mga ngiting hindi
ikaw ang nagmamay-ari,
Ako ay napaisip saglit,
Bakit ang buhok niya'y
tulad ng iyong gupit?

Nang siya ay tumalikod
sa akin,
Doon ko muling naramdaman
na ikaw ay parang malapit lang
sa akin,
doon ako napatungo,
at patagong pinunasan
ang mga luha ko,

Bakit kaysakit pa rin?
Bakit hindi ko pa rin maamin,
na ikaw ay wala na sa mundong
ginagalawan namin?
Bakit hindi ko pa rin matanggap,
kahit na sa hinagap?

Sana ikaw ay nandirito
upang masagot ang mga
katanungan ko,
Sana ikaw ay nandito
nang hindi ako
nagkakaganito.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon