Poem 2: Kahapon Lang

2.2K 34 0
                                    

Labis na pangungulila
aking nadarama
Mahaba nating usapa'y
muling aking ini isa-isa,
habang sa madilim na langit
ako ay nakatanga.

Pagpatak ng mapait na luha'y
hindi mapigilan,
parang kahapon lang
tayo ay magkaharutan.
Parang kahapon lang
tayo ay magka-kwentuhan,
binubully mo pa ako sa ating usapan.

Parang kahapon lang tayo ay
parang mga tanga,
umiiyak, tumatawa, at napapamura sa biro ng isa't-isa.
Kung magkakaroon
nang katuparan ang isa sa aking
kahilingan, pipiliin ko ang
manatili nalang sa kahapon,
ang ating panahon.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon