Paa ko'y mabagal na humahakbang
kasabay ng mga paa ni Itay at Inay
Sa saliw ng isang musika
musika sa aming pagtatapos
Singhot ko'y di mapigilan
hikbi ni Inay aking naulinigan
Buntong hininga ni Itay
ay aking naramdamanBahagya akong napangiti
sapagkat alam kong paghihirap
nilang dalawa ay nabigyan ko
na ng sukli
Mata ko'y ikinurap-kurap
ayokong aking postura ay maagnas
Ayokong luha ko ng kagalakan
ay kanilang masilayan
Dahil alam kong ayaw nilang
ako ay nasasaktanTandang-tanda ko pa noong
unang araw ng pasukan
Sa elementarya at sekondarya
sa aming bayan
Ako ay ayaw magpa-iwan
sa kanila
Sa aking mga maestra ako ay
takot at may phobiaMabilis na lumipas ang panahon
ang batang umiiyak noon
ay malaki na ngayon
Kaya niya nang mag-isa
sa mga naging kaklase at kaibigan
ay kaya niya nang makipagsabayan
Ang kanyang huling hakbang
ay simula na ng panibago niyang tatahaking daan
Daan patungo sa totoong mundo
sana aral niyang natutunan ay gamitin niya ditoDiploma ay yakap habang
nakakagat-labi at pinipigilang humikbi
Ilang sandali pa luha ay
agad na pumarada
Sila ay sabay-sabay na nag marcha
pababa ng aking mukhaYakap ni Itay at Inay ang
sa akin ay nagpatahan
Init ng kanilang pagmamahal
ay patuloy kong naramdaman
Ako sa kanila ay humarap
impit na paghikbi ang aking ipinamalas
Diplomang hawak sa kanila
ay aking ibinigaySalamat Inay at Itay
sa pagmamahal na walang katapusan
Salamat sa suportang umaapaw
Salamat po sa aking buhay
salamat po sa lahat-lahat
Diplomang natanggap at
karangalan sa inyo ko ini-aalay.HAPPY GRADUATION DAY GRADUATES OF 2018! 😘😘
BINABASA MO ANG
Her Poetic Thoughts
PoetryHalo-halong mga tula, salitang aking binuo at nilikha Kalungkutang nakatago sa aking puso, emosyong patuloy na umuusbong Pangungulilang nadarama, nakabalot na ito sa aking sistema Hindi ako makata, ngunit sa mga salita ko ay masasaktan ka Hindi ako...