Poem 48: Huling araw

165 3 0
                                    

Maghabulan tayo sa itaas ng mga ulap
Iwanan natin ang ating bakas
Magpadala tayo sa ihip ng hanging
mainit, malamig sa balat
Isipin nating ito na ang ating huling araw
at ang bukas ay hindi na natin pa
masisilayan
Huwag ikalungkot ang desisyon
ng mapanlait nating kapalaran.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon