Poem 99: Nakakalungkot

172 2 0
                                    

Ang mga letra ngayo'y
animo isang basag na bagay
Mahirap buohin,
makakasakit kung pipilitin
Nakakalungkot isipin,
tinta ko'y tuluyang natuyo
Kasama ng mga salitang
sa himpapawid naglaho

Nagkukubli sa mga ulap,
sumasama sa bawat patak
Sa lupa ay bumabagsak,
sa aking kamay ay nakakaalpas
Hindi masalo ng panulat na hawak,
sapagkat ito mismo ang umiiwas
Masayang alaala ay nabubura,
sa mainit na hangin ito ay sumasama

Aking panulat ako'y dinggin,
tinta mo'y ipamalas muli sa akin
Hindi mo na ba nakikita
ang kasiyahang dulot nito sa ating dalawa
Hindi mo na ba nararamdaman
kalayaang ating napagkasunduan
Kalayaan mula sa kalungkutan,
kalayaan sa mapait na kapalaran

Pananakal ng mga letra
sa leeg nati'y tila kadena
Pagsuko ng tinta
na hindi na natin mabasa
Hangos na paghinga,
hikbing hindi na mapigilang ipakita
Minsan ay nakakapagod na,
hindi; kadalasan ay nakakapagal na.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon