Poem 11: Wakas

605 10 0
                                    

Tandang-tanda ko pa
kung paano mo ako
tingnan sa aking mga mata
Mata mo'y kumikislap
kagaya sa ilaw ng isang alitaptap
Mababakas ang kasiyahan
sa inosente mong galawan
Pag-aalinlangan ko ay
napawi nang ikaw ay ngumiti

Kinuha mo ang aking kamay, sabay sabing;
Nais kitang makasama, habang buhay
Mamahalin kita ng walang humpay
Ngunit ngayon ay nasaan na?
Pangako mong habang buhay
na magsasama?
Araw-araw ay nagbabago ka
Mahal, hindi na kita makilala

Binabalikan ko ang bawat araw
kung paano tayong dalawa ay
unang nagkita,
Ang sabi mo ako ay iyong agad
nasilayan pero ang totoo,
pinsan ko pala ang iyong
tinitingnan

Bakit mo ako pinaniwala
sa mga salitang sa buhangin
ay gawa?
Sino ngayong nahihirapan
hindi ba't tayong dalawa rin
naman
Paano kita iiwan kung sa
mga alaala nati'y ako
ay nanghihinayang

Sabihin mo sa akin
ako ba'y kulang pa rin
Hindi pa ba sapat 'yong
gabi-gabi'y tayo ay magkausap
O baka naman ang puso mo
ay may iba nang nilalaman
Huwag mo akong gawing tanga
dahil simula palang noong una
pagdating sa'yo ako ay bobo na

Gabi-gabing iniiyakan pangako mong
binitawan
Alam kong kailanman ito ay
wala ng katuparan
Pareho lang nating sinayang
oras, panahon at emosyon na
naramdaman

Paalam na, ako ay lalakad na
sa daang hindi ka kasama,
sa laban na ako lang ang bida,
sa kwentong ako lang ang tauhan,
sa wakas na ako lang ang tanging
makakaalam.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon