Tatlong buwan na
ang nakakaraan,
Ngunit pagkawala mo
ay hindi ko pa rin
mapaniwalaan,Siyamnapung araw
mula ng mawala ka,
Siyamnapung araw na pala
akong lumuluha,
Siyamnapung araw na
pangungulila,Kalungkutan ko'y hindi maitago
Kalungkutang sa aking mga mata
ay kanilang nakikita,
Kasiyahan ko ay naglaho
tila ba ito ay nagtatago.Matagal-tagal na rin,
Bakit hindi ko pa rin
kayang tanggapin?
Pagmamahal ko ba sa'yo
ay malalim?
O sadyang itinadhanang
mapalapit ka sa akin?Unfair nga ba ang mundo
O sadyang ganito ang sistema
sa mga tao?
Kapag minahal mo
agad na binabawi sa'yo,Dapat nga ba akong maging
maging masaya,
dahil ngayon ay wala ka nang
sakit na nadarama?
Bigyan mo ako ng kasagutan
kahit bisitahin mo ako
nang panandalian.
BINABASA MO ANG
Her Poetic Thoughts
PoesíaHalo-halong mga tula, salitang aking binuo at nilikha Kalungkutang nakatago sa aking puso, emosyong patuloy na umuusbong Pangungulilang nadarama, nakabalot na ito sa aking sistema Hindi ako makata, ngunit sa mga salita ko ay masasaktan ka Hindi ako...