Ilang beses kong tinitigan
ang pangalan mo
Plano kong lumapit sa'yo
at tanungin kung ano
ang masasabi mo sa mga tula ko
Ngunit palagi akong inuunahan
ng takot at kaba
At nang katotohanang
kahit iyong tingnan ang aking mensahe
ay hindi magawaNami-miss na kita sobra,
'yong usapan nating inaabot ng umaga
'Yong mga kabaliwan nating
tayo lang ang nakakabasa
'Yong presensiya mong nakakakaba
at mga pangungulit mong
siya ang aking naaalala
Pasensiya na aking kaibigan,
pangungulila ko sa'yo ay sa tula ko
nalang idadaan.
BINABASA MO ANG
Her Poetic Thoughts
PoesíaHalo-halong mga tula, salitang aking binuo at nilikha Kalungkutang nakatago sa aking puso, emosyong patuloy na umuusbong Pangungulilang nadarama, nakabalot na ito sa aking sistema Hindi ako makata, ngunit sa mga salita ko ay masasaktan ka Hindi ako...