Poem 81: Baga ng kahapon

133 0 0
                                    

Namatay na ang apoy nang
kahapong nagbabaga
Ang ningas nito ay nawala
at sa karimlan ay naglaho
Ang uling nito ay mananatiling
nakaguhit sa aking puso
Kagaya ng tuyong kahoy at patpat
noong ito ay hindi pa nagliliyab.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon