Ako ang bituing sa tabi ng buwan
ay nahihiyang kuminangSa tabi ng buwang sa gabi'y nakakahalinang pagmasdan
Ako ang bituing maliit kumpara sa buwang sakop ang buong
daigdigMaliit man ako at isa lamang sa libo-libong bituing kayakap mo
Asahan mong kailanman tabi mo ay hindi ko iiwan
Hindi kita iiwan sa maputlang kalangitan
Hindi kita iiwan kahit liwanag mo'y magparam
Hindi kita bibitawan kahit hindi ako ang bituing kislap
ay kagaya moHindi kita iiwan mahal kong buwan
bagyo man ay dumatingGabi man ay tuluyan tayong
lisaninUmaga man ay magtagal
handa pa rin akong maghintayTatanawin kita mula sa malayo
Tatanawin kita mula sa kinaroroonan koTatanawin kita hanggang muling sumapit ang umaga
Nandito lang ako buwang hinahangaan ko
Nandito lang ako nakatingin, nakangiti kahit pa luha ko'y bumababa ng paunti-unti
Nakangiti kahit pa puso ko'y unti-unting nahahati
Sa katotohanang hindi kita kayang abutin kailanman
Sa katotohanang tingin lang, tunghay at paghanga
ang kaya kong maisakatuparanSa katotohanang ang munting bituin na malayo ang distansya sa'yo,
Ang munting bituin na hindi mo napapansin
ay hindi ka magagawang haplusin at yakapinKuntento na ako na sakop ng
liwanag moKuntento na akong pareho tayong nasa pisngi ng langit
Kuntento na akong tanawin ka mula sa kinaroroonan ko
Kuntento na ako sa ganito
dahil alam kongAng buwan at ang bituin ay sadyang itinadhanang langit ay yakapin
Ang bituin at buwan ay mananatili sa kanilang kinaroroonan
Taon man ay lumipas
Dekada man ay dumaanAt kahit ilang siglo ang lumisan mananatili ito sa kanilang kinatatayuan
Kahit pa mundo ay tuluyang sa atin ay magpaalam
Kahit pa liwanag mo at ningning ko'y tuluyan tayong iwan
BINABASA MO ANG
Her Poetic Thoughts
PoetryHalo-halong mga tula, salitang aking binuo at nilikha Kalungkutang nakatago sa aking puso, emosyong patuloy na umuusbong Pangungulilang nadarama, nakabalot na ito sa aking sistema Hindi ako makata, ngunit sa mga salita ko ay masasaktan ka Hindi ako...