Poem 17: Ulan

455 6 4
                                    

Malakas na umiiyak at tumatangis
ang langit
mga ulap nito'y punong-puno
ng paghihinagpis
Haring araw ay tinakpan,
at malakas na ulan ang sa
kapaligiran ay ipinaramdam

Para saan ka nagdadalamhati
umiiyak ka ba para sa mga pusong
wasak, sugatan at sawi
Patak mo na kaylakas
tila ba ako'y ini-engganyo
mong tumakbo sa labas
Magtampisaw at sumigaw,
Damhin ang malakas mong
pagbagsak 

Sige lang umiyak ka, sabayan
mo akong lumuha
Hindi nila 'yon mapapansin
sapagka't bawat patak mo
ay nakayakap sa akin.
Tunog mo na maingay at
umaalingawngaw
sa puso ko ay may muli kang
pinukaw

Pangungulila, pighati, kalungkutan
at pagkakasawi
Mabigat na pakiramdam
habang bawat patak mo ay
aking pinagmamasdan
Namamasang mga mata,
pagpipigil ay hindi ko
na kaya

Tama na ulan, tumigil ka na
at tumahan
Pakiramdam ko'y pagaanin mo na
kasabay ng agos mo ang aking
mga luha,
Bawat patak mo na kaybigat
kagaya ito ng aking dalawang
balikat na bagsak.


Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon