Poem 40: Tula ng isang Tagahanga

341 5 3
                                    

Habang aking pinagmamasdan
mga huling litrato mo sa aking harapan
Hindi ko maiwasang mapansin
kalungkutan na bumabalot sa iyong paningin
Oppa, bakit ganun?
Paghihirap mo'y hindi namin nabatid
huli na nang amin itong masilip

'So goodbye don't cry and smile'
litanya mo sa isang kanta
Sinasabi mo ba sa amin ang paalam,
huwag umiyak at ngumiti lang?
Paano namin 'yon gagawin ngayon,
kung puso namin ay nalulunod pa rin
sa pangungulila at kalungkutan?

Ang iyong paalam ay hindi namin
napaghandaan
Ang iyong bilin na huwag umiyak
ay hindi namin kayang sundin
Ang paalala mong ngumiti kami
ay madalas na rin naming makalimutan
Sapagkat hanggang ngayon
sakit sa aming puso at kalamnan
ay hindi pa rin pumaparam

Isang araw nalang dalawang buwan ka ng sa amin ay bumitaw
Ang iyong mga kanta ay paulit-ulit
kong pinapakinggan
Karamihan pa dito ay aking iniiyakan
isa na ang 'So Goodbye'
Dahil alam kong kailanman
hindi na namin magagawang sabihin sa'yo ang katagang
'Welcome back Oppa,'

Habang aking ginagawa itong aking tula kanta mong so goodbye
sa buong paligid ay maririnig
Ang boses mong mala anghel
sa hangin ay walang sawang sumasama
Pumapailanlang ang iyong nilikhang musika
noong ikaw ay nabubuhay pa
Mga kantang habang panahon naming mamahalin, papakinggan at alalahanin
Bagama't maikli lang
ang iyong tinahak na daan
Oppa Jonghyun, ngayon ay alam kong
masaya ka na

Oppa ngayon ba ako ay iyo ng kilala
Ninay ang aking pangalan
Isa ako sa milyon-milyon niyong tagahanga,
isa ako sa nagmamahal sa'yo
Isa ako sa lubos na nawasak nang
dahil sa pagkawala mo
Nagmula ako sa bansang hindi kalayuan
kung saan maraming nagmamahal sa'yo; sa grupo niyo

Isa akong manunulat ng tula at kwento
Kung kaya't ngayon ay mga salita,
letra at pangungusap ang ginagamit ko upang pagmamahal ay ipabatid sa'yo
Sana ito ay makaabot sa'yo,
sana ito ay maintindihan mo,
sana kahit isang saglit pagmamahal ko sa'yo ng labis ay sumapit.

Ito ang tula ng iyong isang tagahanga
tula na alam kong kahit wala ka na,
may pag-asa pang iyong mabasa
Binabantayan mo kami hindi ba?
Niyayakap mo kami isa-isa
hindi lang namin 'yon madama
Sapagka't ngayon sa aming paningin
ay naglaho ka
Subalit kami ay patuloy mong
natatanaw
Ipinapamalas ang iyong ngiting
masaya, walang kapantay at
punong-puno ng pag-asa.

P.S -Jonghyun Oppa, miss na miss na kita.

11:52am
02/17/2018

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon