Sa paghalik ng butil ng ulan
sa patag na daan
Sa paglalakad ako ay natigilan
kapirasong alaala nating dalawa
sa aking isipan ay dumaan
Mata sa lupa ay nabaling at larawan
nating dalawa ang doon ay nahagip
ng aking paningin
Sumasayaw, nagtatampisaw at sa
ihip ng hanging malamig ay nanginginig.
BINABASA MO ANG
Her Poetic Thoughts
PoesiaHalo-halong mga tula, salitang aking binuo at nilikha Kalungkutang nakatago sa aking puso, emosyong patuloy na umuusbong Pangungulilang nadarama, nakabalot na ito sa aking sistema Hindi ako makata, ngunit sa mga salita ko ay masasaktan ka Hindi ako...