Ako ay masaya
sapagkat pasko at
bagong taon ay sasalubungin
kong sila ang kasama
Paa ko'y hindi na makapaghintay
na umapak sa bayang
minamahal
Nang ang dagat ay akin nang matanaw
Puso ko'y tila ba hinaplos ng hagod ng
labis na pagmamahalPananabik ko'y hindi mabura lalo pa at taon na ang binibilang
noong huli ako ditong magpunta,
Kasiyahan ko'y hindi maparam lalo
pa nang aking masilayan
ang aking dalawang kapatid na sa pagdating ko'y nag-aabangTakipsilim na nang aming sapitin
munting tahanan na
aming naging kanlungan sa loob ng ilang buwan, taon at maging dekada
Akin na rin itong kinalakhan
Itsura nito'y hindi nagbago,
ito pa rin ang mukha ng aming bahay
na noong aking kabataan ay aking natatandaanBubong nito'y yari sa yero
Dingding nito'y pinagtagpi-tagping kahoy at kawayan
Sahig nitong lupa'y nababalutan ng iba't-ibang kulay ng floormat,
Bakuran nito'y natataniman
ng iba't-ibang gulayin at halaman
Walang ipinagkaiba
kagaya pa rin ito noong huli kong bisitaKinabukasa'y bumuhos ang malakas na ulan
Tila ba sadyang ako ay pinadating muna ng aming tahanan
Bakuran nami'y nagputik
lalo pa noong ang ilang baboy na alaga ni Inay ay nagsayaw dito nang
pabalik-balik
Naglakad dito ng paulit-ulitTinatamad akong lumabas
paa ko'y sa putik ayaw itapak
Ngunit nang aking pagmasdan
harapan naming basang-basa ng ulan
Putik dito sa aki'y kumakaway
kasabay ng pagbabalik ng mga alaala ng aking musmos na kabataanAko dito ay mabagal na tumatakbo,
iisang saplot ang sa katawan ko'y nakabalot
Sumasayaw sa musikang gawa nang malakas na pagbagsak ng ulan
Sumasabay ako sa pag-awit ng hanging
katawan ko'y nagagawang pangatugin
Masayang pinagmamasdan mga dahong kagaya kong
sumasayaw,
nakikisaya sa saliw ng hangin at ulang pang-umagaWalang anu-ano'y ako'y tumayo,
hinubad ko ang suot na jacket at medyas
Paa'y aking itinapak sa putik na madumi at madulas
Sigaw ni Inay ay aking muling naulinigan
'Ninay saan ka pupunta?
Paniguradong ulan ay bibigyan ka na naman ng matinding
karamdaman'Sa madilim na langit ako'y tumingin
bawat patak ng ulan sa
mukha ko'y hindi ko magawang salagin
'Maliligo ako sa ulan Inay, kabataan ko'y muli kong sasariwain'
Narinig ko ang malakas nilang tawanan,
maging mga kapatid ko ako ay kinakantiyawan
'Si ate, parang batang lumaki'Hindi ko sila pinansin, pakay ko ay aking sinimulang gawin,
Pabalik-balik akong tumakbo
Paroo't-parito ang naging
lakad ko
Ilang beses akong bumagsak,
Ilang beses akong sa putik ay
nadulas
Ilang beses akong nadapa,
Ilang beses akong napahalik sa
basang lupaSa bawat pagbagsak ko tawanan nila ang aking naririnig
Ngunit nasasapawan ito agad ng aking malakas na
paghalakhak
Ako ay tuwang-tuwa pakiramdam ko
kahit ilang minuto ako ay naging malaya
Alam kong kabataan ko ay
muling aking nakuhaBisperas ng pasko'y sumapit at ang isang baboy na alaga ni Inay
ay kanila nang ipiniit
Pagpatay dito'y naiplano
kalungkutan ko ang naging kapalit nito
Nang sumapit ang hapon malakas na iyak nito at pagsusumamo
ang sa akin ay mabilis na
nagpatakbo
Hindi sa dugo ay takot ako,
kundi sa itsura nitong hininga ay binibilang naSiya ay nalagutan na ng hininga
kaya sa lungga ako ay
lumabas na
Pang-aalaska nila sa akin ay nakasentro
takot daw ako sa dugo ng hayop
Ang hindi nila alam
bawat hayop at halaman ay aking
pinahahalagahanTutol akong ito ay patayin ngunit sabi nila sila ay walang ipapakain
sa kapitbahay at kaibigan nilang naimbita
Kung maaga lang sana ang aking naging pagdating
baboy ay hindi nila kakarnehin
Sapagkat bibigyan ko nalang sila
ng perang pambili ng
patay nang karneAraw ng pasko ay sumapit
Aking labi sa ngiti ay halos mapunit
Nagdatingan ang mga bisita
kanya-kanya silang sa akin ay pangungumusta
Naging masaya ang lahat
Ngunit tama pala 'yong kasabihang
ang lahat ng kasiyahan ay may
kapalit na kalungkutanKalungkutang ngayon ay aking nararamdaman
Kalungkutang sa akin ay unti-unting sumasakal
Kalungkutang hindi ko alam ang lunas
Kalungkutang aking pilit na nilalabanan.
BINABASA MO ANG
Her Poetic Thoughts
PoesieHalo-halong mga tula, salitang aking binuo at nilikha Kalungkutang nakatago sa aking puso, emosyong patuloy na umuusbong Pangungulilang nadarama, nakabalot na ito sa aking sistema Hindi ako makata, ngunit sa mga salita ko ay masasaktan ka Hindi ako...