CHAPTER 14 " unexpected visitors "

3K 49 0
                                    

RESHA POV

"Wait titingnan ko dito ka lang" habang dahan dahan ako tumayo sa kama buti na lang nakapatay ang ilaw sa kwarto ko ang ilaw lang yung lampshade sa side table ng kama ko. Tumango lang si Kei sakin pero bakas sa mukha nya na kinakabahan sya.

Dahan dahan ko binuksan ang pinto para sumilip sa paligid napansin ko naman na walang tao patay na ang mga ilaw samin sa sala lang meron at di pa ito ganun kaliwanag. Payuko ako at dahan dahan pumunta sa pinakabakod bago maghagdan. Nakita ko may mga nakaitim na mga lalaki at isa sa kanila ang nakaputi, ang nakakapagtaka dahil wala silang mga maskara at mga walo silang katao.

"Bakit napaka dami ata ng mga magnanakaw na to?" Napakagat na lang ako sa lower lip ko sa pagtataka, halos dalawa sakanila ang may hawak ng baril.

"Boss wala naman atang tao dito ?" Sabi nung lalaki na may hawak na baril.

"Umakyat kayo sa taas alam ko nandito lang sya" sabi naman ng lalaki na pinaka malaki sakanila nakamanipis na t shirt na white, puti lang ito kaya kita mo ang pagiging bato bato ng katawan nito.

*"RIIIINNGGG-RIIINGGG**

Nanggaling yung tunog ng cp sa kwarto,"f*ck bakit ngayon pa".mabilis na lang akong tumakbo sa kwarto at sinara ang pinto.

"Kei bilisan mo magtago ka sa ilalim ng kama bilis" tinutulak ko na si Kei at agad naman itong nagtago at narinig ko pa na tinawag nya ng mahina ang pangalan ko.

"Magtago ka lang dito kahit na anong mangyari, naiintindihan mo ako Kei?" Umiiling lang sya na parang ayaw nya habang umiiyak, hinawakan ko ang ulo nya patago sa ilalim ng kama habang naririnig namin na sapilitan ng binubuksan ang pinto ng kwarto ko.

***BOOOGSS***

"WHO ARE YOU?" Yun na lang ang lumabas sa bibig ko habang nakatayo sa gilid ng kama pagkatapos nilang mabuksan ang pinto ko

"Wow boss ingles pikeni pala itong bebot na to eh" sabi ng lalaki na may hawak ng baril kanina habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Oo nga boss, sya ba talaga yan iba yung nasa isip ko, eh mukhang model yan eh." Naiirita na ako lalo na sa nagsalitang ito sya kasi pinakapanget sakanilang walo. Nagpipigil ako na patulan sila dahil di ako pedeng makita ni Kei na makipaglaban dito, naguguluhan ako kung anong gagawin ko may baril pa yung dalawa sakanila.

Resha magisip ka...

Bwisit ngayon pa namemental black ang utak ko. D*mmit!

"Ako ang unang lalaban sakanya" sabi nung tinatawag nilang boss unti unti itong lumalapit, ako naman umaatras papalayo sa kama para di nila marinig kung sakaling gumawa ng ingay si Kei sa ilalim ng kama.

"Bakit natatakot ka ba?, di ito ang expectation ko sayo" mapangasar na tuno ng pananalita nya. Agad naman nya akong sisipain sa mukha pero naiharang ko ang dalawa kong braso sa mukha ko,pero dahil sa sobrang lakas napaatras ako at tumama ang likod ko sa may pader, bigla naman nya akong sinakal.

"Aaaa-ahh" unti unti nya akong inaangat habang sinasakal nya ako, bigla nya ako hinagis sa kama pero nahulog din ako napalingon ako kay Kei pagkahulog ko si Kei umiiyak sya at nanginginig na sa takot habang nakatingin sakin hawak pa nya ang kanyang bibig, inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya nung maramdaman ko na may papalapit na sa akin.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon