CHAPTER 26" the spade model"

2.3K 45 0
                                    

JUSTINE POV

Yun oh may pov na din ako hehe thank you miss.

Back to the story, nandito na kami sa school sa may rooftop.

"Dude bakit parang di kayo nagpapansinan ni Keia?"tanung ko kay Rowen kasi kadalasan sya pa nangungulit samin na yayain yung magpinsan na yun, tyaka namimiss ko na kagandahan ni Resha eh hehehe.

"Tsk wala" inis na sagot nito ano yun LQ eh di pa nga sila eh LQ na agad.

"Pano kasi pinopormahan ng kuya nya si Keia kaya badtrip yan" sabi ni Tommy na nakatingin lang sa men's magazine na hawak nya teka bakit may ganung magazine dito bawal yun aah.

"Aah selos lang pala" sabat ko pa hehe sarap mangasar ng badtrip paminsan minsan.

"Kung wala kayong magawa pwede ba wag ako ang pagtripan nyo!" Sigaw ni Rowen hahaha pikon agad haha.

"Bakit ka kasi nagpapaapekto dyan sa kuya mo, bahala ka pagnaunahan ka nun ikaw din kawawa." Sabi ni Tommy na nilapag na yung men's magazine nya tapos kumuha ulit ng bago yung magazine naman ng spade magazine.

"Tsk!" Reaksyon lang ni Rowen na pikon sabay alis,hahaha baka dada moves na haha

"Uy teka bagong magazine ba yan may bago bang labas na big bike?" Tanong ko kay Tommy Spade kasi ang pinaka sikat na company ng sasakyan na binibilan namin syempre #1 yun worldwide kaya dun kami kumukuha ng sasakyan.

"Ang hot nya dito grabe" nagtaka naman ako sa sinabi ni Tommy.

"Sino?" Sabay tabi ko sakanya at tiningnan ko kung sino wow 0.0 si Resha ang hot nya nakaupo sya sa Big Bike tapos nakafitted sya na black na nakabukas ang zipper hanggang pusod nya, at ang seductive ng expression ng face nya nakakapanglaway talaga.

"Sigurado ako kalat na to sa school" sabi pa ni Tommy na titig na titig sa picture ni Resha.

"Napaka sexy naman ng mga pose ni Resha dyan" nasabi ko na lang nung pagkalipat ni Tommy sa sport's wear na page, nakaswim suite kasi si Resha kahit naman di ganun kasexy yung damit nadala nya ito ng maayos sa pose nya.

"Itigil nyo nga yan" bigla naman nagsalita si master kaya napasara si Tommy sa magazine na hawak nya.

"Eh master ilalabas natong magazine nato kaya dapat makita namin" sabi ni Tommy.

"Nailabas na ba yan dito sa RU?" Tanong ni master samin.

"Di pa master,pero kalat na sa RU na nasa magazine nato ang anak ng may ari ng Spade kaya alam ko alam na nila na si Resha yun"pagmamayabang pa ni Tommy.

"Tsk" walang reaksyong tumayo lang si master sabay umalis.

"Anong problema nun?" Tanong sakin ni Tommy nagkibit balikat na lang ako bilang sagot.

"Buti pa puntahan natin si Resha tyaka si Keia" pag aaya ko naman na bigla syang napangiti hehe.

"Good idea dude, makikita ko nanaman yung pinapantasya ko hehe"

Loko to aah, agawan ba ako.

***

TOMMY POV

"Nasaan na kaya sila dude?" Pagmamaktol na sabi sakin ni Jus,kanina pa kasi kami naglalakad sa kakahanap.

"Ewan ano ba yan gusto ko sya makita" sabi ko na lang habang tinitingnan ang magazine na hawak ko, naglalakad na kasi kami papuntang caf baka nandun kasi sila.

Pagdating namin sa caf ang daming lalaki nakaharang sa pinto.

"Ehem(fake cough)" ako.

Agad naman nagsi alisan ang mga kumag na yun,pagpasok namin si Resha pala ang tinitingnan nila nasa pila ito kasama si Keia, pero syempre pagpasok namin nagsitilian ang mga babae, napatingin si Keia pero si Resha na crush ko di man lang lumingon samin T^T.

"Oh kayo pala Jus" sabi ni Keia na nakangiti pa.

"Kamusta Keia, hi Resha" nagpacute naman tong lokong justine na to kay Resha tumingin naman si Resha pero tumango lang.

"Ah buti pa Keia maupo na kayo kami na ni Jus ang pipila dito, ano bang bibilin nyo?" Pagalok ko naman para dagdag pogi points.

"Hindi ok lang dalawa na lang naman kami na ang bibili kayo ano sa inyo isasabay nanamin."ang bait talaga nitong si Keia, kaya sinabi na lang namin.

Makalipas ang tatlong minuto kami na ang bibili ang binili ni Resha fresh fruit lang na strawberry tyaka yogurt na juice, nung bubuhatin na nya.

"Ako na Resha" sabay na sabi namin ni Jus >.><.< Ano bang problema ng lalaking to, ako nasa kanan si jus nasa kaliwa parehas namin hawak yung tray kung saan nakalagay yung binili ni Resha, kinuha lang ni Resha yung yogurt drink tyaka strawberry nya sabay tumalikod saming dalawa at sumunod na kay Keia.

Nagkasamaan naman kami ng tingin ni Jus.

"Cous bakit di ka gumamit ng tray mo?" Pagkaupo namin narinig namin yung tanong ni Keia kay Resha.

Kainis kasi tong justine na ito eh

"Naubusan ako" tipid na sagot naman ni Resha ko, hahaha inangkin agad noh syempre papatalo ba ako dito sa katabi ko na si Jus.

"Ha? Panu yun eh ang dami dami naman dun" tinaas lang ni Resha ang dalawang balikat nya sabay inom sa yogurt nya.

Nung kakainin na nya yung strawberry parang nag slow motion ang lahat nakatingin lang ako sa bibig nya di ko maalis yung tingin ko parang dahan dahan syang sumusubo ng strawberry.

KEIA POV

Kasalukuyan akong di makapaniwala sa nakikita ko, pano kasi yung dalawang lalaki sa harap ko halos nakanganga nang nakatingin sa cous ko si cous naman nagccp habang kumakain kaya siguro di nya napapansin, nakakaloko yung tingin nila kay cous parang ewan.

"Tom? Ano yang hawak mong magazine?"pambabasag ko naman sa pagtutulala nila baka kasi tumulo na ang laway nila eh agad naman silang nagsitinginan sakin.

"Ha?" Sabay pang tanong nila, itinuro ko naman ang magazine sakanila.

"Aah ito ba hehe Spade Magazine to" tama ba yung sinabi ni Tommy Spade?, Eh company nila cous yun aah.

"Pwede pahiram?" Inabot naman nila agad sakin yun, at pagbuklat ko ang gaganda ng kotse tyaka mga motor nagulat ako nandito si Cous napaka seductive ng mga pose nya dito at may mga piling pic din na sexy ang mga suot nya, kaya napatingin ako kay cous.

"Bakit?" Tanong nya sakin kaya pinakita ko sakanya yung part ng magazine na nakasakay sya sa big bike, parang wala lang sakanya.

"Di pa nailalabas yan aah saan ka nakakuha ng copy?" Tanong lang nya sakin di naman yun yong ikinagulat ko eh.

"Pinadala lang yan ni Dad sakin mahilig kasi ako sa big bike baka may magustuhan daw ako nasa US kasi sya ngayon" tumango lang si cous sa sinabi ni Tommy.

Di naman yun yon eh, ang point ko panu nya to nagawa sa edad nyang 16 pa lang huhuhu... Panu sya naging ganun kasexy huhuhu...T^T nakakainggit talaga tong si cous nagmomodel din naman ako pero pang teens wear pa lang huhu..

_________________________________________

Edited

Please

Vote

And

Comment

Thank you 😘😍

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon