CHAPTER 70 " waiting for Scarlet "

1.7K 32 0
                                    

RESHA POV

Nandito kami ngayon ni Haru sa kotse ko iniwan namin si rick sa yate para magbantay, papunta na kami sa isang maliit na resort kung saan huling nakita ni Haru sila lewis.

"Tart ko bakit parang di ka ata mapakali dyan? Sasandal ka tapos uupo ng maayos medyo nakakadistract kasi sa pagdadrive ko"

Bakit kasi kailangan pa nya tumingin sa ginagawa ko?

"Pano ba naman kasi Haru mamaya wala na sila doon, baka wala na tayong maubatan, nakakainis yung mababahong pirata na yun dahil sakanila baka di na natin makita sila lewis" Walang preno kong sagot. Nakakainis talaga!

"Kalma tart, ganyan ka pala pagdi mapakali nakakapagtagalog ng diretso hahaha" Tawanan ba ako! Badtrip!

Napasandal na lang ako habang nakakunot ang noo dahil naiinis ako kay haru, nangasar pa talaga di na nga ako mapakali

"Ooh bakit ganyan ang mukha mo tart ko, sorry na gusto ko lang naman mawala ang pagaalala mo eh, tyaka wag ka magaalala makikita din natin sila" Napatingin ako sakanya nginitian nya ako sabay kindat.

Nangbigla naman nagring ang phone ko nakita ko si grandma pala.

"Hello princess"- grandma

" Mmh." Tanging sagot ko.

"Princess bakit naman napakawalang buhay naman ang sagot mo sa pinakamamahal mong lola?"

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni grandma.

"What is it grandma alam ko importante ang sasabihin dahil di naman ikaw mismo ang tatawag sakin kung hindi importante, so what is it?"

"Haaay sa maikling panahon na nakakausap mo ako nakilala mo agad ang lola mo,, ang totoo di magandang balita apo, hanggang ngayon kasi di pa nakikita ang katawan ni james and we saw sa cctv footage na may speedboat na nakaalis mula doon sa isla pero di namin nakita kung sino dahil nakamask ito ng itim, but we sure its a guy, all i just want is to warn you na mag ingat apo". Medyo may pagaalang tono ng pagsasalita ni grandma.

" Don't worry grandma i can take care of myself " Papatayin ko na sana yung call pero nagsalita ulit si grandma.

"Kasama mo pa rin ba ang mapapangasawa mo apo?"

What?! Mapapangasawa!?

"What!? Who?" Gulat kong tanong kay grandma napatingin ako kay haru tumingin lang sya sakin saglit at tinuon na ang tingin sa daan dahil nagmamaneho sya.

"Si Mr. Haru Glory apo sino pa ba? Meron ka pa bang ibang boyfriend apo maliban kay haru?" Takang tono na tanong ni grandma.

"Grandma he is just my..... Haayst nevermind i need to hang up now bye" Di ko na lang tinuloy ang sasabihin ko na boyfriend ko lang si haru at baka marinig pa niya.

Teka bakit ba ako nagaalala na marinig nya? haay ewan.

Napahawak ako sa sintido ko.

"Bakit tart anong sabi ng lola mo?" Bigla ako napatingin kay haru tinitigan ko lang sya kailangan ko pa bang sabihin yun sakanya?, wag na lang kaya baka madamay nanaman sya sa gulo nato.

Pero....

"All i want is to be with you, gusto ko ako ang poprotekta sayo di ko maintindihan pero ayaw ko may ibang tumititig sayo ayokong may ibang dumidikit sayo gusto ko sakin ka lang kumikindat tulad ng ginawa mo kay justine -.-, makasarili na ko dahil gusto kita ipagdamot sa lahat pero yun ang nararamdaman ko Resha"

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon