CHAPTER 20" unexpected cute side"

2.7K 49 0
                                    

RESHA POV

Pagkagising ko 9:37am na at Saturday ngayon kaya wala kaming pasok sa school, bumangon ako at pumunta sa bathroom para maligo binuksan ko na ang shower maya maya may bigla akong nakita.

"F*ck!" kinuha ko agad ang tuwalya ko at tumakbo palabas ng bathroom bumaba ako ng hagdan narinig ko may tao sa dinning area kaya dumiretso ako dun.

"NANAY VI there something in my--" 0///0  di ko natuloy ang sinabi ko.

"Wow" sabi ni Tommy, sabay sabay naman silang nagsitinginan sakin lahat.

"My god Resha magbihis ka nga muna anak" parang natauhan ako sa sinabi ni mommy tiningnan ko naman ang sarili ko my ghad naka tuwalya lang pala ako, tinaasan ko lang sila ng kilay at huminga ako ng malalim at nagpamewang pa ako kaya parang nagulat sila.

"There is a cockroach in my bathroom mom" sabay cross arms at nakataas pa rin ang kilay ko.

"Mommy not mom baby" Pag ko correct ni mommy sakin.

Hayst wag naman ngayon mommy.

"Ok iha halika na ako na bahala dun" hinawakan naman ako ni nanay vi sa balikat at itinalikod sakanilang lahat at pinalakad papuntang hagdan, "ikaw talagang bata ka ni hindi ka man lang nahiya"

"Why naman nanay? di ko naman alam na nandun sila, it means na di ko kasalanan yun, sila ang may kasalanan tinitigan nila ako, di na lang sila umiwas ng tingin" bulong ko kay nanay habang paakyat kami ng hagdan.

Totoo naman eh, sila ang di nahiya at hindi ako.

"Di ko naman sinabi na may kasalanan ka, ang sabi ko di ka man lang nahiya may mga lalaki dun" sabay pasok ni nanay sa bathroom.

Paglabas ni nanay nakita kong hawak na nya yung cockroach sungay at patay na.

"Yuck nanay, bakit mo yan hinahawakan sa sungay nya" pandidiri kong sabi kaya napatakbo ako sa kama.

"Hahahaha ikaw talagang bata ka napakamatatakutin mo sa mga insekto hahaha" nakakainis si nanay tinatawanan pa ako >.<

"Ano ba yan cous yan lang pala kinakatakutan mo hahahaha" napatingin naman ako sa pinto si Kei tyaka si mommy nasa pinto na pala.

"Whatever" sabi ko sabay irap sakanya, lumabas naman na si nanay itatapon na nya siguro yung cockroach na yun iiwwiee talaga nakakadiri kinikilabutan talaga ako. >.<

"Tara na baby bumaba na tayo para makapagalmusal ka na din" nakangiting sabi ni mommy si Keia naman walang tigil sa pagtawa, lumapit naman ako agad sakanila.

"Can you just stop  laughing you look like crazy" sabay irap ko nauna na akong bumaba ng hagdan nakakainis kasi tong si Kei.

" Sorry na cous di ko mapigilan eh" hinabol naman ako ni Kei sa pagbaba ng hagdan si mommy naman pailing iling habang nakangiti, di ko na lang pinansin si Kei nakakainis kasi umupo na lang ako sa upuan sa may dinning table.

"Sorry na cous" umupo si Kei sa tabi ko, tiningnan ko lang sya ng walang emosyon sabay irap sakanya, naiinis kasi ako paginaasar ako about sa kinakatakutan ko lalo na sa mga insects na yan tsk nakakainis.

"Hahahaha ang cute naman pala mainis ni Resha" napatingin naman ako sa nagsalita si Tommy pala nawala na sa isip ko na nandito pala itong apat nato, tinaasan ko lang sya ng kilay at kumain na lang ako ng macaroni salad ni mommy.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon