CHAPTER 45" MICROBOTS?"

1.8K 40 0
                                    

RESHA POV

Antidote?

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

"Microbots" tipid na sagot ni Scarlet sakin.

"Can you just explain everything!" Nakakainis na kasi.

Napabuntong hininga sya.

"Nung araw na pumunta kayo ng US ng family mo, you and your father have an car accident that's why wala kang maalala sa childhood day mo"

Nagulat si keia sa narinig nya.

"Cous?" Tumingin lang ako sakanya at tumango.

"Continue" naparolled eye lang si scarlet pero di ko na lang pinansin.

"Dahil dun na comatose ka for almost 2 months at sa 2 months na yun your father tried his best to cure you, that's why he invented the microbots, pero nabuo lang yun sa pagkakamali nya, kaya ayaw nyang gamitin yun sayo, pero maraming nakaalam about sa microbots, dahil sa magagandang maibibigay nito sa katawan once na nailagay nato"

"What is microbots?" Tanong ko naguguluhan na talaga ako.

"Microbots can cure you faster than med and operations, di mo ba napapansin ang mga sugat mo ang pasa mo na natamo mo sa laban mo nung Saturday?" Pagkasabi nya nun napatingin ako sa katawan ko maliban sa saksak na natamo ko wala na akong ibang nararamdaman at nakikitang sugat.

"Isa yun sa dahilan kaya maraming naghahanap sa daddy mo, at dahil sa takot nya na mamatay sya at di ka mapagaling, mas pinili na lang nya ang ilagay sa dugo mo ang microbots kahit na walang kasiguraduhan sa buong epekto nito maliban sa paggagamot nito, at para na din di mapunta ito sa masamang kamay"

Halos nanghina ako at maiyak iyak sa narinig ko, masyado sigurong nasaktan si daddy sa nangyari.

"Hanggang ngayon marami pa rin naghahanap sa dad mo, ang alam kasi nila nasakanya pa rin ang microbots ang di nila alam nasa katawan mona, ang ikinababahala ng dad mo ang mga epekto ng microbots sa katawan mo"

"Ano yun?" Tipid kong tanong.

"Na magiging uhaw ka sa dugo, sa madaling salita, pagnakikita mo ang sarili mong dugo, di mapakali ang microbots sa katawan mo, dahil ang alam ng microbots ay nasa panganip ka, kaya di mo mapigilan ang sarili mong pumatay kahit anong oras o kahit saang lugar."

"Kung ganun, bakit di na lang ninyo tanggalin sa katawan ko ang microbots?"

"Pag ginawa nya yun.... It turns to your death" nanlaki ang mata ko, napatingin ako kay cous nung hinawakan nya ulit ang kamay ko.

"Pero ginagawan na ng paraan ng daddy mo, yun lang ang nalalaman ko my lady" pagsabi nya nun aalis na sya pero pinigilan ko sya.

"May isa pang epekto scarlet" napahinto sya sa pag alis at napatingin ulit sakin.

Napapikit pikit ako at napabuntong hininga.

"Tuwing may taong nagtatangkang... Aaish.." di ko alam kong dapat ko ba itong sabihin eh.

" Ano po yun my lady?"

"Aah never mind" yun na lang ang nasabi ko.

"Matutulungan kita kong sasabihin mo my lady" bigla syang lumapit sakin.

Namula ako dahil nahihiya akong sabihin kaya napayuko ako, tiningnan naman ako ni kei sa pagkakayuko ko.

"Cous bakit nagba blush ka?" Napaatras ako sa tanong ni kei at umiling iling.

"H-hindi aah *pout*" sabay lingon ko sa malayo.

"Mukhang nahihiya ka my lady sabihin kung ano yun, its ok tayo tayo lang makakaalam" sabi ni scarlet kaya napatingin ako sakanya.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon