CHAPTER 46" swimming team "

2K 37 3
                                    

RESHA POV

"haru sorry na, kung gusto mo lilinisin na lang namin ulit itong HQ, wag lang yun!"

Maka 'namin' si kei aah, sa pagkakatanda ko ako lang ang naglinis nun.

Kasalukuyang nagbabangayan yang dalawa, dahil sa di namin pagsipot sa meeting nung monday ngayon nga lang ako ulit nakapasok ganito pa dadadnan ko. Haaay buhay nga naman.

"Di kayo pwedeng pumili o magprisinta ng punishment nyo" nakakainis tong President na to, bawat sinasabi ni kei yan lang ang sagot nya siguro mga tatlong beses na nyang sinasabi yan habang nakatingin lang sa magazine nya.

"Cous sorry dapat umattend na lang ako nun, di ka sana masasama sa swimming team sa sports festival, ok na ba yung sugat mo?" Bulong ni kei sakin kaya tumango lang ako.

"Woosh! Buti naman" kunwaring punas pa nya ng pawis sa noo kahit wala naman,sabay ngumiti si kei sakin.

"Ikaw ok ka lang ba sa badminton?"

"Oo naman, medyo naglalaro din tayo nun dati, mas magaling ka nga lang sakin" ngumisi na lang ako sa sinabi nya.

"Wag ka nga ngumisi, nakakatakot kaya" pagkasabi nya nun ginawa kong blanko ang facial expression ko.

"Kyaaah!!!, Mas ayoko nyan!" Kaya ngumiti na lang ako at napailing sa ginawa nya.

"Wow ang sweet nyo talagang magpinsan" si rowen yan

"Ingit ka naman dude!" -Tom

"Di aah!, May sweet din kaya akong pinsan, master pa kiss" sabay sugod nya kay Haru na nakanguso.

"F*ck Rowen stop it" sabi ni Haru na parang nandidiri na itunutulak ang mukha ni Rowen.

"Hahahaha" tawa nila tom, kei at jus.

"Andamot naman" nagpout pa si Rowen.

"Sige na pumunta na kayo kung saan ang assigned place nyo, nang makapagpractice na kayo, remember 1 week from now, start na ng sports festival, specially you keia, badminton ang unang laban." Mahabang sermon ni mr.president.

"Opo!" Sabi nilang lahat maliban sakin.

"How about you ms. Valentine?" Napatingin silang lahat sakin pagkasabi nun ni Haru.

Kaya tumayo lang ako at aalis.

"Saan ka pupunta?" Si President yan.

"Saan pa edi sa swimming club" sabi ko sabay rolled eye tapos sara ng pinto.

Tsk! Bakit dun pa, nakakatamad yun, sana sa taekwondo na lang o kaya sa boxing, basta lahat na mapagpapawisan ako, di yung sa swimming, mababasa lang ako, ang tigas pa naman sa buhok ng tubig ng pool.

Pagkapasok ko sa girls locker kung nasaan ang mga girls swimming team, pinagtinginan nila ako agad.

"Ano pong kailangan nyo?" Tanong na parang pinaka bata sakanila.

"Im here for the festival" sabi ko lang sabay upo sa bakanteng upuan, hayst kailangan ko pang magtanong tanong kung saan nandun tong team na to, nakakapagod.

"Ikaw ba yung substitute sa kateam namin?" Nakataas na kilay na sabi ng babaeng to, wala akong ganang patulan sya sa pagtataray nya.

"Yeah~" walang gana kong sagot.

"Ahm kukuha ka lang namin ng uniform" sabi ulit nung pinaka bata sakanya.

"Sandali sarah!, Hindi pa nga tayo sigurado kung magaling tong ipinalit sa ka team natin!" Tsk ang ingay naman ng babaeng to.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon