CHAPTER 19" i wanna know the reason"

2.7K 52 0
                                    

SHARMANE POV

Nasa saksakyan na ako kakauwi ko lang galing london kasama ko ang kapatid kong si Kate ang mother ni Keia nandun kami sa london para sa isang business trip,pero nung nalaman namin na may nangyari sa mga anak namin umuwi kami agad.

"Sis tumawag si Keia sakin kanina nasa bahay nyo na daw si yaya vilma" sabi ni ate Kate na nakatingin sa phone nya.

" Yah i know nanay called me and kumain na din daw sila sabi wala naman daw grabeng nangyari" but still nagaalala pa rin ako kahit sabi na magnanakaw talaga ang nagtangkang pumasok sa bahay.

"Buti di napano sila Keia, ang lalakas naman ng mga magnanakaw na yun napatumba nila lahat ng bodyguards ni Resha, siguro mag aassigned na rin ako ng sariling bodyguard ni Keia" tumingin naman na may pagaalala si ate Kate sakin." At di lang yun di rin nahuli ang mga nangloob sa inyo Shar" dagdag pa nya kaya mas lalo ako nakaramdam ng kaba." Sa tingin mo babalikan nila kayo ulit?" Tanung nya sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Kung magnanakaw talaga sila di na sila magpapakita ulit" nagtaka naman sya sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?, May iba pa bang nagtatangka sa buhay nyo magina kaya todo bantay ka kay Resha?" Nagtatakang tanung nya.

"Yes at kaya dali dali akong umuwi ngayon sa pinas feeling ko pati dito sinundan kami"inis kong sabi kaya napahawak na lang ako sa sintido ko.

"Ano ba talagang nangyari Shar?" Pagaalalang tanong ni ate.

"Its a very long story, paguwi na lang siguro natin ikukuwento ko sayo lahat ate" tumango lang sya bilang sagot sa akin.

' this is all your fault Rey kundi dahil sa gawain mo di mapapahamak ang buhay naming magina'

Inis na sabi ko na lang sa isip ko.

***

Nandito na ako sa sala at kausap si nanay vi, si ate dumiretso muna sa bahay nya sa tapat dahil sabi ni Keia dun na daw sya pinatulog ni Resha.

"Nanay kamusta po si Resha?" Tanung ko sabay humigop ako sa tinimplang kape ni nanay vi.

"Ok naman sya natutulog na sya sa kwarto nya sayang at di mo sya naabutang gising"nanay vi said.

"Titingnan ko lang po sya saglit sa kwarto nya nanay" tumayo naman ako at tumango lang si nanay vi sakin.

Pagpasok ko sa kwarto ni Resha mahimbing na ang tulog nya nilapitan ko sya nakasando sya kaya kitang kita ang benda nya sa kaliwang braso nya at iba pa nyang galos at pasa. Naiyak na lang ako kasi wala ako sa tabi nya ng mga oras na yun.

"ang gusto ko lang naman ang normal na buhay para sayo anak "

Hinalikan ko sya sa noo nya at hinimas ang buhok nya,"im sorry baby wala si mommy nung time na yun para protektahan ka, i love you baby" mahina kong sabi at tumayo na ako at lumabas na sa kwarto nya.

RESHA POV

Im still awake nung pumasok si mommy sa kwarto, masyado siguro syang nagalala sakin, sa tingin ko sinisisi nanaman nya ang sarili nya dahil sa nangyari.

' wala kang kasalanan mommy ako ang may kagagawan kaya nangyari sakin ito, i hate when i see my mom crying it gives me so much pain na hindi ko mapigilan umiyak pag nakikita syang ganun'

When i first saw mom crying because of dad nagalit ako ng sobra but i really love my dad to, that's why naguluhan ako nung pinapili ako ni mommy kung kanino ako sasama but dad told me na kay mommy na lang di alam ni mommy na sinabi yun ni dad sakin.

' baby kay mommy ka na lang sumama, promise me na poprotektahan mo ang mommy mo para sa akin lagi kayong magiingat, at lagi mong tatandaan mahal na mahal ko kayong dalawa ng mommy mo' yan ang sinabi ni dad sakin pagkatapos iniwan nya kami at nagpakalayo layo sya.

Pero may contact pa ako kay dad after nun kaso nung nalaman ni mommy nagalit sya sakin at naging dahilan yun ng pagaaway namin kaya si dad di na talaga ako kinontak ayaw daw nya magkakasamaan kami ng loob ni mommy, but till now di ko pa rin alam ang reason kung bakit sila naghiwalay ni mommy, i have to many question pero di yun masagot kasi nagagalit si mommy tuwing inoopen ko ang topic about dad.

' kung di sasabihin sakin ni mommy ako ang kikilos para malaman ko ang lahat '

________________________________________

Edited

Please

Vote

And

Comment

Thank you 😘😍

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon