CHAPTER 44" Knowing Scarlet"

1.9K 30 0
                                    

KEIA POV

Nagmamadali ako nagmaneho papunta sa kung saan yung mansyon ni cous, kanina pa kasi ako nagaalala sakanya simula kasi umuwi kami dun, di pa sya gumigising.

Makalipas ang isa't kalahating oras nandito na ako sa mansyon, hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa nakikita ko.

Pagpasok ko sa loob nakita ko si scarlet na nakaupo sa upuan malapit sa higaan ni cous.

"Nagising na ba sya kanina?" Tanong ko, umiling lang si scarlet ibig sabihin di pa sya nagigising.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya sakin.

"Di pa, pero ok lang ako"

"Magluluto ako, ikaw na muna bahala sakanya" sabay tayo at labas ng kwarto ni cous.

Yung batang yun, kala mo mas matanda pa kung makapagsalita sakin, napagalaman ko kasi na 14 pa lang sya, nakakatakot nga sya kung iisipin simulang nakarating kami dito.

***Flash back***

"Im scarlet ms. Keia, the hired butler of mr.valentine" sabay bow nya.

"M-mr. Valentine!?" Napatakip sya ng tenga sa sinabi ko.

"Yeah?" Sabi lang nya na di pa rin inaalis ang kamay sa tenga nya.

"Yung father ni cous?"

"Yup" walang gana nyang sagot, magsasalita pa sana ako ulit kaso nagring yung phone nya at sinagot ito kaya umupo na lang ako ulit sa sofa.

"Hello sir"

"Yes she's safe now"

"Sorry sir but there is something i want to tell you" sabay tingin nya sakin.

"Her cousin is with her sir"

"Are you sure about this sir?"

"Ok, as you wish"

Nakatingin lang ako sakanya habang may kausap sya sa phone.

"Pwede mo nang puntahan si my lady sa taas." Tapos umalis sya pagkasabi nun kaya umakyat na lang ako.

Pagtingin ko puro benda si cous at mahimbing na natutulog, kung titignan mo halos parang magaling na doctor ang nang gamot sakanya napakalinis na kasi ni cous.

Biglang bumukas ang pinto.

"Ito ang mga damit may bathroom dyan, maligo ka na" sabi nya teka parang ang sungit naman ng batang to, ang bata pa nya talaga kasi tingnan.

-__- nakakailang ulit ko na bang sinabi na ang bata nya.

Kinuha ko lang ang damit napansin ko nakaligo na pala sya.

Pagkatapos ko maligo at magbihis paglabas ko nakita ko syang nakaupo sa  upuan sa tabi cous.

"Ahm scarlet, pwede ko bang malaman kung ilan taon ka na?, Para kasing ang bata mo pa eh" pagkasabi ko nun umupo ako sa kabilang side ng kama ni cous, may upuan din kasi.

"12"

0.0

"12? Ang bata mo pa nagtatrabaho ka na?" Nakakagulat sa edad nyang yan nagtatrabaho na sya at bilang butler pa.

"Yeah"- scarlet

-__- susungalngalin ko tong bata na to, eh malala pa to kay cous eh.

"May alam ka ba sa nangyari samin ni cous kanina?"

"Grupo ng whitefang ang may gawa nun, pero di ko pa alam ang pinaka motibo nila" walang alinlangang sagot nya habang nakatingin kay cous.

"Matagal ka na bang butler ni tito?" Napatingin sya sa tanong ko kaya napa pout na lang ako.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon