CHAPTER 13 "i miss my cous"

3.5K 68 0
                                    

KEIA POV

***at the caf***

"Ako naman si Kei at ang kasama ko nama... Cous anung---" nanlaki ang mata ko dahil hinubad ni Cous yung fitted jacket nya, pagkatapos nya hubarin yun nilapag lang nya sa binti may kinuha sya sa bulsa nya ipit ata para sa buhok nya pagkatpos inipitan nya ang buhok nya.

"Cous pawis na pawis ka na ooh!" Habang nagiipit sya ng buhok nya napatingin ako kala Tommy nakatulala ito kay Cous napatingin din ako sa paligid halos lahat ata ng lalaki nakatingin maski babae.

Tiningnan ko ulit si cous (-_-") kaya pala basa sya ng pawis at dahil wala yung blazer nya bakat na bakat ang katawan nya. Nakatitig ako sakanya kaya lumingon sya sakin.

Grabe para syang binuhusan ng tubig.

"Cous may panyo ka ba?" Malamig lang nyang tanung sakin.

(-_-")- me

"Tara cous dun tayo sa locker" sabay pinatong ko ulit sakanya yung fitted jacket nya pero di nya sinuot nakapatong lang sa likod nya tumayo ako at pinilit ko namang tumayo sya buti sumunod naman. Tinulak ko sya palabas ng caf at pinagtitinginan pa rin kami panu ba naman kasi nakacross arms sya habang tinutulak ko sya sa likod edi ba bakat yung hot body nya.

***
Nasa locker room na kami umupo lang sya sa mahabang upuan sa tapat ng locker ko wala lang syang imik nakacross arms lang sya at pati legs din.

Wala ba sya pakealam na pinagtitinginan sya? Akala ko ba ayaw nya ng atensyon? -____-

"Cous di ka ba nagsasando sa loob ng uniform mo ha?" Tanong ko habang kumukuha ako ng isa pang pares ng uniform ko sa locker ko.

"Nope, mainit kasi" cold nyang sagot

"Ooh ito magpalit ka ng uniform mo tingnan mo ooh kita na yang kaluluwa mo dahil sa pawis mo" sabi ko habang inaabot ko yung uniform ko sakanya.

Tumayo sya at pumunta sya kung saan kami nagpapalit kapag p.e. class na. Paglabas nya di pa rin nya suot yung blazer.

"Cous bakit di mo sinuot yung blazer mapapagalitan ka nyan eh" di ko kinuha yung inaabot nyang blazer sakin.

"Ayoko mainit" sabi lang ni cous sabay labas sa locker.

Ay oo nga pala naiinitan sya,shunga lang keia kakasabi lang nya kanina eh.

"Saan ka pupuntha?" Tanung ko sakanya nagmadali na lang ako ilagay lahat ng gamit ko sa locker ko tapos hinabol sya.

"Sa caf, naiwan ko yung bag ko" naglalakad sya habang nagpipipindot sa iphone nya.

(-_-) oo nga pala naiwan namin yung gamit namin dun di na rin tuloy ako nakapagpaalam ng maayos kanina kala Rowen. (".) Nandun pa kaya sila.

***
Pagdating namin sa caf nakita ko nandun pa sila Rowen at mukhang nagkakatuwaan pa sila kaya nilapitan ko agad.

"Guys kamusta? buti di pa kayo umaalis sorry pala di ako nakapagpaalam kanina ito kasi si cous eh." napatingin naman silang apat samin, si cous naman umupo na. Kaya umupo na rin ako

"Wala yun hehe" sabi ni Rowen.

"Ano nga ba ulit pangalan ng pinsan mo Keia?" Tanong ni Tommy sakin sabay tingin kay Cous mukhang type pa ata nito ang cous ko. -_-* no way ayoko sa playboy.

"Aah siya pala si Resha" sabay tingin ko kay cous pero nasa phone pa rin ang tingin niya habang iniinom yung frappe nya.

*Kriiing kriiing*

Bigla naman nagbell na kaya nagsitayo na kami. Kung tutuusin totoo naman yung sabi ni Cous mainit talaga sa caf pero dito sa classroom hindi kasi malakas naman ang ac dito pati sa hallway.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon