CHAPTER 37" his confession and strange feeling "

2.1K 38 0
                                    

KEIA POV

Papunta ako ngayon sa rooftop kung saan nandun si cous, tinawagan kasi ako ni tita sharmane na isabay ko si cous pauwi.

Ooh sila Rowen yun aah

"ROWEN!!" Sabay takbo ko palapit sakanilang apat.

"Nasa rooftop pa ba si cous?" Tanong ko pagkalapit sakanila.

"Di ko alam eh, nasa basketball court kami kanina kulang kasi sila, buti pa sama ka na lang samin baka nandun pa sya, dun din naman ang punta namin eh" sabi ni Rowen habang nakangiti ang cute nya talaga kahit puro sila pawis hehehe.

***

Nasa rooftop na kami nasabi nila sakin na dito pala ang HQ nila at kaclub nila si cous, -3- ang daya sana dito na lang din ako sumali na club (-.-)

Edi sana kaclub ko pa yung mga fafa na kasama ko ngayon hehe swerte naman ni cous.

Pagbukas ko ng pinto ako na kasi ang nauna miss ko na agad yung cous ko eh.

"Wow ang laki ng HQ nyo, at ang linis pa" totoo naman kaso parang ang init ata, tyaka parang wala si cous.

"Wow" sabay na sabi nila Justine, Tom at Rowen.

"Parang ngayon lang kayo nakapunta sa HQ nyo aah, kung makapagreact kayo" takang sabi ko.

"Di naman sa ganun keia, ngayon lang naging ganito to kalinis, ang galing pala ni Resha maglinis" sabi ni Tommy na patingin tingin pa sa paligid.

"Si cous ang naglinis?" sabay na tango nilang tatlo sakin, T^T kawawa naman ang cous ko ginawa nilang yaya.

"Umupo na kaya tayo" sabi ni Haru sabay lakad papunta sa sofa.

"Pero nasaan na kaya si cous?" naglakad ako kaso napahinto kaming apat kasi nakatayo lang si Haru sa likod ng sofa nakatalikod kasi ang sofa sa pinto eh.

Paglapit ko...

0.0 Me, Rowen, Jus, Tom

-__-" Haru

"Hala kawawa naman si cous pawis na pawis at nakatulog na" nakita namin na nakatango si cous sa center table habang yung kanang kamay nya may hawak pang basahan tapos yung kaliwa inuunanan nya.

Nagsiupo na sila Jus sa sofa pero dahan dahan lang nahihiya siguro sila na magising si Cous, pero si Haru padabog pang humiga sa sofa ang sama pala ng ugali nito.

Ako nilapitan ko si cous na mahimbing pa rin ang tulog, nilabas ko ang bimpo ko sa bag para punasan sya pero unti unti syang dumilat.

"Cous ok ka lang ba?"

Tumango lang sya tapos ini angat nya ang ulo nya tapos nagunat ng mga braso habang nakapikit.

"Pasensya ka na Resha napagod ka ba?" Tanong ni Justine.

"Obviously" sabi ni cous sabay tingin kay Justine.

"Buti pa ititimpla na lang kita ng juice, my loves" sabi ni Tommy na inilapit pa ang mukha kay cous sabay taas baba ng kilay nya.

Tiningnan sya ni cous na mapangakit na tingin sabay buka ng bibig na sabi na No-thanks pero wala tunog sabay kindat pa ni cous.

0////0 mukha ni Tommy

Yan kasi mamaya sya pa ang mabiktima ni cous.

Napasandal na lang si Tommy sa sofa tapos lingon lingon kung saan.

*Ehem*ehem* si Haru yan.

Lumingon si cous pero naka poker face lang.

"Alis na tayo kei" yaya ni cous sakin sabay tayo nya at akmang kukunin na ni cous yung bag nya ng biglang lumapit si Justine sakanya.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon