CHAPTER 21 "movie marathon"

2.5K 50 0
                                    

HARU POV

Kasalukyang nanonood pa rin kami si Keia halos mapayakap na kay Resha sa takot dahil sa pinapanood namin, at sa dahil di ko din naman napapanood ang palabas na to kahit papano napapanood din ako pero si Resha halos tatlong beses ko na ata sya nakikitang humuhikab inaantok na sya pero nakaindian seat pa rin sya tapos kain lang ng kain.

Halos sya na ata ang umubos ng popcorn -__-.

"Ano bayan tapos na ang pinapanood natin" sabi ni jus.

"Nood pa tayo ng isa" sabi naman nitong si Tommy na pataas taas pa ang kamay at dalawang lokong to nakaupo pa sa carpet may sofa naman.

"Pwede ba wag naman horror di ako makapagenjoy eh" sabi ni Keia na nakapout pa yung lips natawa naman si Rowen kaya hinampas nya to sa braso at sinamaan ng tingin nagpeace sign naman si Rowen at ngumiti.

Napatingin naman ako kay Resha parang wala sakanya yung kaingayan nang mga kasama namin at kumakain pa rin sya ng popcorn, takaw pala nito.

"Bumili muna tayo ng food trip natin" sabi ni Rowen lokong to di manlang tinanong si Resha kung pede pa kaming manood mukhang bagot na bagot pa naman na to.

"Tara sama ako" sabi naman ni Keia.

"Ako din"prisinta naman ni jus na akmang tatayo na,natawa na lang ako sa isip ko yung mukha kasi ni Rowen ganito sa sinabi ni Jus😒.

"Cous bili lang kami aah" sabi ni Keia kay Resha at tumango ito umalis na yung tatlo kami na lang nila Tom ang naiwan.

"Ito na muna panoorin natin habang nagaantay sakanila"sabay pakita nya ng gusto nyang panoorin mukhang comedy action yun aah.

"Wait kuha lang ako ng drink sa baba" tumango lang ako kay Tom at umalis na sya ayos yun aah feel at home lang.

Nagwide na lang ako ng braso ko sa sandalan ng sofa, napatingin naman ako kay Resha humikab nanaman at sumandal sa sofa inaantok pa rin sya napaka antokin talaga kahit kelan 😑.

Napapasarap naman papanood ko ng bigla na lang-

Si Resha sumandal sa balikat ko 😓

Pagtingin ko nakatulog na pala sya hindi ko alam basta kumilos na lang bigla ang kamay ko at inayos ang pagkakasandal nya sa balikat ko at dumikit sakanya ng kunti.

Tinititigan ko lang sya, ganito ba talaga to kung saansaan na lang datnan ng antok matutulog agad nung una sa abandoned building sa school tapos sa school tuwing may klase,nilihis ko na lang ang tingin ko nung napalingon ako sa di naman dapat tingnan at ramdam ko na naginit ang mukha ko, napatingin kasi ako sa ano... Basta nakasando kasi sya syempre lalaki pa rin ako di ba 😣, kaya mas tinuon ko na lang ang mata ko sa pinapanood kong movie.

Gusto ko na palitan yung pinapanood ko napakaboring una lang pala maganda pero panu nakasandal pa rin si Resha sakin😣, di ko na talaga mapigilan sinandal ko na lang ang ulo ko sa ulo ni Resha at pumikit inaantok na din pala ako.

***

TOMMMY POV

Pagkakuha ko ng juice nagulat ako sa nakita ko naiwan ko kasing bukas yung pinto kaya kitang kita ko na nakasandal si resha kay master, 😏 at ang nakakatuwa pa hinawakan pa nya ito sa ulo at dumikit pa haha si master duma da moves hahaha.

"Iho?" 😨Nagulat ako at napatingin sa likod nako po yung yaya nila Resha sa pagkakatanda ko tinawag nya tong nanay vi, nilapitan ko sya at para di mabrulilyaso ang da moves ni master.

"Ahm manang pede nyo po ako samahan sa kusina ubos na po kasi yung popcorn, hehe" tumango lang sya pero tumingin sya sa isang pitcher na juice na hawak ko.

"Ahm kasi po di po malasa to dadagdagan ko po sana hehe" tumango na lang sya at dumiretso na din sa baba.

Pagbalik ko dahan dahan akong lumapit sa dalawa nakita ko kasi na nakasandal na din si master sa ulo ni Resha pagtingin ko ang cute nila hehe,naka akbay pa si master habang nakasandal pa rin sakanya si Resha hehe i have a good idea, nilabas ko yung phone ko at chineck ko talaga kung nakapatay yung sound nito at flash at kinuhanan ko sila ng litrato pinipigilan ko ang matawa baka magising sila.

"Nakakainis naman natagalan tuloy tayo dahil sa mga lalaking yun" nainis naman ako kasi si Jus ang ingay kaya napatayo ako at nagsign sakanila na wag maingay sabay turo ko kala master gamit ang nguso ko.

Napatahimik naman sila at dahan dahan na lumapit sakin at tiningnan din nila sila master.

Nasingitian din naman ang mga loko hahaha.

"Ito na po yung popcorn nyo!" si nanay vi patay nagising na sila master kaya nagsilapitan na lang kami kay nanay vi, para kunwari kakarating lang ni Rowen tapos ako kunwari kakaakyat lang, paglapit ko nagkakamot pa ng mata si Resha, si master naman hinihimas himas pa ang batok nya nangalay ata.

"Cous nanood na kayo di nyo man lang kami inantay" nakapout pang sabi ni Keia

"Si Tom yan" sabi ni master.

"Kaw Tom di ka talaga makapagantay" sabi naman ni Jus, wow palakpakan ang galing galing nilang umarte.

"Cous ok ka lang" tumango lang si Resha at humikab at pumikit pikit halatang antok pa ang cute nya hahaha,at mukhang di lang ako ang nacute tan kay Resha kunirot kasi ni Keia ang magkabilang pisngi ni Resha kaya pagkatanggal napahimas na lang ito sa pisngi nya.

"Hahahaha mukhang antok na antok kayo sa nilagay kong cd aah" tawa ko na lang di ko naman alam na boring pala yung nilagay ko.

"Tara horror na lang ulit hahaha" sabi ni Rowen kaya sinamaan nanaman sya ng tingin ni Keia.

Nagsiupo na lang kami at nanood na ulit.

At sorry Keia kasi gusto rin ni Resha ang horror hahahaha ^__^

_________________________________________

Edited

Please

Vote

And

Comment

Thank you 😘😍

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon