CHAPTER 63 " the white mask boy"

1.6K 30 0
                                    

HARU POV

Napakawalang puso nya, pano nya nagagawang patayin ng ganun ganon na lang ang isang tao.

Naikuyom ko ang kamao ko, kailangan naming magingat wala sa tamang pagiisip ang taong haharapin namin ngayon.

"Mr. Glory, pagpasok nila sa may tatlong palapag na villa, maghintay lang tayo ng ilang minuto sabi ni kapitan susugot na daw sila mula sa labas para doon mapunta ang atensyon ng lahat tyaka tayo papasok" tumango ako sa sinabi ng kasama namin.

Isang malakas na pagsabog ang narinig namin sa malayo mukhang nagsisimula na sila, natatarantang ipinasok na sa loob ng villa si Resha ng lalaking nakamaskarang puti ang lalaking gustong gusto ko na gulpihin kanina pa.

"PUNTAHAN NYO ANG PAGSABOG NA IYON WAG NYO SILANG HAHAYAAN NA MAKALAPIT DITO BILISAN NYO!!" - sigaw ng nakamaskara.

Pumasok na sila sa loob halos wala na ngang natirang tauhan sa labas ng villa, kaya gamit ang pader aakyatin na namin iyon patungo sa pangatlong palapag.

"Sa pinaka dulong kwarto sya!" Sabi ko sa mga kasama ko ng makapasok kami pero ang daming humarang samin halos paulanan na kami ng bala.

Nakipagbarilan kami pero mas lalo silang dumadami.

"Mr. Glory mauna na kayo ang grupo na namin ang bahala dito" pagkasabi nya nun tumakbo na kami nila Rowen papunta sa pinaka dulong kwarto.

"Sh*t di ba sila nauubos!" Sigaw ni Rowen.

"Master kami na dito ni Jus mga wala namang kwenta ang mga ito eh"- tommy

"Oo nga master, mauna na kayo ni Rowen makakasunod kami agad" - justine.

"Sige bilisan nyo ha!" Sabi ko na maotoridad ang tono.

"YES MASTER!" Sabay nilang sabi.

"Let's go Rowen" sabay takbo namin napakahaba pala ng daan na ito, halos sampung minuto na kaming tumatakbo at nakikipaglaban.

"Haru gising na si Resha" - scarlet

Pinapanood nya sakin ang nakikita ni Resha naikuyom ko ang kamao ko at nasuntok ko ng malakas ang sumugod sakin, tinutulak ni Resha palayo sakanya ang lalaking nakamaskara dahil pinagtatangkaan sya nito.

"Scarlet malakas si Resha bakit di nya kayang protektahan ang sarili nya?!" Pagaalala kong sabi habang nakikipagsuntukan sa mga dumadating pang tauhan ng whitefang.

"Haru yun ang kahinaan ng microbots nagshashutdown yun pagdating sa ganitong sitwasyon"- Scarlet

"Anong ibig mong sabihin?" Nagaalala kong tanong.

"Without a microbots Resha is weak, she can't protect her self, kaya pagnagshutdown ang microbots wala syang lakas kaya Haru please hurry, Resha needs you!" Napasigaw na si Scarlet sa pagaalala.

Mas binilisan ko na ang pagtakbo, may biglang humarang sakin pero sinipa ko yun ng malakas sa sikmura, nakikita ko pa rin ang pagpupumiglas na ginagawa ni Resha sa sunglass ko.

Nang makarating ako sa pinaka pinto ng kwarto may dalawang napakalaking lalaki na nagbabantay dito.

"Master!" Tawag sakin ni Rowen nung nakahabol na sya.

"Umalis kayo sa dadaan ko!" Inis kong sabi.

"Walang pwedeng mangistorbo sa boss namin bata" sabi nung lalaking nakaitim.

"Umuwi na lang kayo at magtago sa ilalim ng palda ng mga nanay nyo hahahaha" sabi naman nung nakaputi.

Sinugod ko agad ang nakaitim si Rowen naman sa nakaputi.

Malalakas sila pero ano pa't naging #1 ang rank namin bilang gangster di ba.

Pero matatag ang dalawa at di pa tumutumba, kailangan ko nang makapasok at baka kung ano na ang nagawa ng walang hiyang yun sa pinakamamahal ko.

"Master kaya ko na ito, haharangin ko sila tapos pumasok ka na" bulong ni Rowen.

Biglang tumakbo si Rowen palapit sa pinto kaya humarang ang dalawa, pagkakataon ko naman na iyon tumakbo ako ng mabilis at umapak sa likod ni Rowen sa sobrang taas ng talon ko nalagpasan ko ang dalawa sabay pumwesto na ako ng pasipa sa pinaka pinto bago ako bumaksak.

Bumakas na ang pinto at kita ko ang pagpupumilit ng lalaking nakamaskara kay Resha kaya tumakbo ako agad palapit at pumaikot ako ng sipa sa mukha nya.

"H-haru?" Nanginginig na sabi ni Resha.

Niyakap ko sya agad.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko nung bumitaw ako ng yakap dahil tumatayo na din ang lalaking nakamaskara.

"Yeah im ok" sabi ni Resha ng nakangiti.

"Aaaaahh!!!" Sigaw ni Rowen ng tumulpit sya sa gilid namin ni Resha.

Bumangon sya dahan dahan napasandal pa sya sa pader sabay punas ng tumulong dugo galing sa pumutok nyang labi.

"Master nadulas lang ako" napangisi kami ni Resha sa sinabi ni Rowen.

"Aaaish i hate this gown" narinig kong bulong ni Resha kaya napangiti ako.

Tumayo si Resha at pinagpupunit nya ang suot nya napasipol pa nga si Rowen dahil halos kita na ang binti ni Resha.

"Don't show it to them tart, its mine" pangaasar kong sabi.

"In your dreams" - Resha.

I really love this girl.

RESHA POV

Buti na lang at nakarecover ako agad nakakainis itong microbots na ito at yun pa ang naging kahinaan.

Bumaba ako agad ng kama at nagunat unat ng mga braso ko kanina pa ako naiinis at lagi akong pinapatulog ng lalaking nakamaskara na ito at higit sa lahat naiinis ako sa panglolokong ginawa nya sa akin dahil wala pala sa lugar na pinapuntahan nya sakin si daddy.

"You want some fun ha?!" Inis kong sabi sa nakamaskara habang tinutulungan sya ng dalawang mukhang bouncer ng club sa laki ng katawan.

"Your mine Queen!" Aba't iniis talaga ako nito aah.

"Sugurin nyo sila!" Sumugod naman ang dalawang bouncer pero humarang sila Haru at Rowen, silang dalawa ang nakipaglaban dun, nakita ko naman na tumakbo na palabas ang nakamaskara kaya hinabol ko ito narinig ko pang tinawag ako ni Haru pero gusto ko talaga makaganti sa taong ito at di ko na papalampasin ang pagkakataon na ito.

"You can't run from me White mask boy!" Sigaw ko sabay sipa sana sa likod nya pero bigla syang humarap at pinaekis ang mga braso nya at pinansalag sa sipa ko.

Tumalon ako paatras, bilang paghahanda kung sakaling sumugod sya.

"Who are you!?" Sigaw ko

Tinanggal nya ang maskara nya habang tumatawa.

"James Whiteberk?" Pagtataka kong sabi.

Nakangisi lang sya pagkasabi ko nun.

"May gusto na ako sayo simula pa nung middle school Resha, kaya naiinis ako sa maynt na yun kapag pinagtatanggol mo sya sa akin, kaya dapat lang na mamatay sya!"

Masamang tingin lang ang iginanti ko sakanya.

"Pero napatay ko nga si maynt, may bago ka naman ngayon ha! Bakit di na lang ako ang piliin mo Resha my queen!, Ano bang meron sila na wala ako Resha!?,KUNG DI KA LANG DIN MAPAPASAKIN MABUTI PANG MAGSAMA NA LANG TAYO SA IMPYERNO!!"

"Sh*t"-me

**BAAAANNGG**

_________________________________________

Edited

Please

Vote

And

Comment

Thank you 😘😍

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon