CHAPTER 41 " knowing her secret "

1.9K 35 0
                                    

RESHA POV

Pagmulat ko ng mata ko ng dahan dahan, feeling ko nasa langit na ako nasa isang puting malaking kwarto ako nasa sahig lang ako.

"Teka nasaan si kei" bigla ako kinabahan nung wala si kei sa tabi ko.

Nilibot ko ang buong kwarto may nakita akong isang malaking pinto pero nakalock ito.

May nakikita din akong mga CCTV sa paligid ng kwarto kaya tinitigan ko ito.

Napatingin ako sa malaking pinto dahil bumukas ito.

"F*ck" ito na lang ang nasabi ko ng pumasok ang halos di ko mabilang na kalalakihan na puro nakagloves at di lang ito gloves metal gloves.

Papatayin ba nila ako sa bugbog, at nasaan na ba si cous?.

"Where is my cousin?" Cold kong tanong sakanila.

"Sabihin na natin na kailangan matalo mo muna kami bago mo sya makita, bawat wave impormasyon ng pinsan mo ang kapalit."

Wave?

"Deal" sabay ngisi ko.

Kailangan bawat atake ko ay siguradong mapupuruhan sila na di na sila makakagalaw, kaya nung may umatake sakin pinatumba ko agad at kinuha ang metal gloves nito, di naman pala ito ganun kakapal.

Suntok dito sipa dun, sinisugarado ko talaga na babagsak sila sa bawat atake ko, nung halos nasa sampu na lang sila bigla bumukas ang pinto halos nanlaki ang mata ko dahil katulad nung una ganun din sila kadami.

"Nasa kabilang kwarto ang pinsan mo!"

Pagkasabi nila nun nainis ako kaya ako ang unang sumugod, kapag may nangyaring masama kay kei di ko mapapatawad ang sarili ko.

Halos tinatamaan na din ako ng iba nilang atake, medjo nabawasan na ang bilis ko sa dami nila.

"Pagod ka na ba ha?!, Hahahaha" napatingin ako sa speaker dahil dun nanggaling ang boses.

"What do you want!" Sigaw ko habang umiiwas sa atake sa kin at habang sumusuntok.

"Walang iba kundi ang maghirap ka ang malungkot ka at maging magisa, ang tangi kong kasiyahanan ay ang kalungkutan mo" napatingin ako sa sinabi ng lalaki mula sa speaker kaya di ko naiwasan ang isang malakas na suntok sa sikmura ko.

"Aaaahh!!" Napadaing ako at napahawak sa sikmura ko.

"Aaaaah!!! Sh*t" may biglang naghampas ng kung ano sa likod ko, sabay may sumuntok sa mukha mula sa kaliwa napabuga na ako ng dugo.

Napaluhod ako napahawak sa bibig ko pagtingin ko sa kamay ko.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko,

THIRD PERSON POV

Biglang napahinto ang mga kalalakihan na susugod dapat kay Resha dahil narinig nila itong tumatawa ng mahina at may binubulong.

"Blood blood blood" tapos dahan dahang tumayo si Resha at tumingala habang nakapikit.

"Nababaliw na ata sya sa takot pre"

"H-Hindi pre ito y-yun, ganyan sya n-nung marami syang na-na-napatay sa BG" sabi nung lalaki habang dahan dahan umatras.

Tumakbo ang karamihan sakanila sa pinto at pinipilit itong buksan.

"BUKSAN NYO ANG PINTO TULONG!!!"

"AYAW PA NAMIN MAMATAY!!"

"BUKSAN NYO!! PARANG AWA NYO NA!"

"Where do you think your going?!" Pasigaw na sabi ni Resha kaya napatingin ang lahat sa kanya nanginginig ang mga ito sa takot, ang mga mata ni Resha halos nanlilisik at nakangiti ito ng nakaktakot.

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon