CHAPTER 78 " who died?"

1.8K 33 0
                                    

HARU POV

Napasok na namin ang barkong gamit ni james napakaraming kwarto halos nasa benteng kwarto na ata ang binuksan ko pero wala si tart doon.

Tart nasaan ka na ba?

"Aaahh!!" Nakarinig ako ng isang sigaw ng nasaktan si tart yun di ako nagkakamali.

Binilisan ko ang pagbukas sa bawat pinto malapit na sya sakin.

"TART!!" Sigaw ko.

"HARU HELP ME PLEASE!!" di ako nagkakamali ang boses nasa tabi ko nang kwarto nakalock ito, piston na lang ang gamit ko pero kailangan na ako ni tart.

Pagbukas ko ng pinto may mga nagpapuntok ng baril.

"James tama na! Bitawan mo ako!" Nanlaki ang mata ko sa naririnig ko.

"P-please let go of me" Nanghihinang sabi ni tart.

"WALANG HIYA KA JAMES!!!" Sigaw ko sabay sugod nagpaputok ako ng baril tinamaan ko ang dalawang maid.

"HAYOP KA JAMES!! BITAWAN MO SYA!!" Nakapatong sya kay tart at si tart wala nang malay may mga luha sya umiiyak si tart.

I clinched my jaw sa galit sumugod ako kay james at sinipa sya ng sobrang lakas na ikinatulpit nya.

Halos maiyak ako dahil kay tart punit punit ang damit nya at may pasa sya sa bandang ibaba ng labi nya at umiiyak sya pero wala na syang malay nilapitan ko sya.

"Tart gising nandito na ako, nandito na si Haru, tart?" Dumilat ng kaunti si tart.

"H-haru? , y-you came" Napangiti sya ng nakita ako pero nawalan din sya ng malay, inihiga ko muna sya unti unti at tumingin ako kay james.

"Haru glory, hayaan mo na kaming dalawa ni Resha, mas una ko syang nakilala bata pa lang kami mahal ko na sya, yung maynt na yun ang t*nga nya halos araw araw na nya kasama si queen pero di pa rin ito napasakanya, hahahahaha, dapat lang na mamatay sya hahahaha"

"Yung taong tinutukoy mong t*nga, nangako ako sakanya na poprotektahan ko ang taong mahal na mahal nya yung taong NIRERESPETO NYA BUONG BUHAY NYA!! DI SYA KATULAD MO JAMES MAKASARILI KA, SAKIM, AT HIGIT SA LAHAT NABABALIW KA NA!!"

"HINDI AKO BALIW, AKIN LANG SI QUEEN AKIN LANG SI RESHA UMALIS KA DYAN!!" pinaputukan nya ako ng baril pero sinugod ko pa rin sya pagbabayarin ko sya sa pagpapaiyak nya sa babaeng mahal ko.

Sinipa ko ang baril na hawak nya, hinawakan ko sya sa kuwelyo nya.

"Pagbabayaran mo ang pagpapaiyak sa babaeng pinakamamahal ko!".

" Hahahahahhaaha sige lang maningil ka kung gusto mo!,,,, hahahha pero ang barkong ito, mawawala na parang bula, hahaha samasama tayong mamatay!!" Sinapak ko sya ng sobrang lakas kaya nakatulog sya.

"Scarlet we need to retreat, may bomba sa barkong ito" Naka earpiece kami para sa command, at alam kong si scarlet ang namamahala dito.

" Ok haru bilisan nyo umalis na din kayo dyan" Pagakasabi nun ni scarlet lumapit agad ako kay tart.

"Tart kailangan na natin umalis" Nagising sya pero laking gulat ko ng bigla syang yumakap sakin at umiyak.

"N-natakot ako haru" Nanginginig sya habang sinasabi iyon sakin.

Niyakap ko sya at hinamas ang kanyang ulo para gumaan ang pakiramdam nya.

"Don't worry tart ko, di ko na hahayaang mangyari ito ulit, pangako" Bumitaw sya sa yakap at tumingin sakin."kailangan na nating umalis dito tart anumang oras sasabog na itong barko.

Nung nakita ko ang suot nya hinubad ko ang t-shirt ko at ipinasuot sakanya.

"Tara na tart" Hinawakan ko ang kamay nya at tumakbo na kami palabas may mangilan ngilan pa ang nagbabarilan pero diretso lang kami sa pagtakbo nung nakalabas na kami may papalapit nang helicopter para kunin kami.

*bang* bang*bang*

Halos pinaulanan ng bala ang helicopter kaya tuluyan na itong bumaksak sa dagat, umuulan na din kaya halos basa na kami paglingon ko sa likod para makita kung sino ang bumaril itinago ko agad sa likod ko si tart.

"H-haru" Narinig ko ang pagaalalang tono ng pananalita ni tart.

"Wag kang magalala basta dito ka lang sa likod ko"

"AKIN NA SYA!!, IBIGAY MO SYA SAKIN KONG AYAW MONG PASABUGIN KO YANG ULO MO!!" Nakatutok ang baril nya samin ni tart.

"Ikaw ang sumuko na james!, napapalibutan nanamin itong barko mo, hindi ka na makakatakas kaya sumuko ka na lang!!" I said.

"HAHAHAHA, AKO SUSUKO!? MAMAMATAY AKO PERO HINDING HINDI AKO SUSUKO, KAYA AKIN NA SI RESHA!!" Pinaputukan nya ako ng baril pero naiiwas ko agad si tart pero tinamaan ako sa balikat, napaluhod ako sa sahig.

"Haru ako na ang bahala umalis ka na" Pagkasabi nun ni tart nasa harap ko sya at pilit pinapapapunta sa likod ko nakakaramdam nadin ako ng pagod.

"D-di ba.... Ang sabi ko... Dito ka lang sa likuran ko.."

RESHA POV

"D-di ba.... Ang sabi ko... Dito ka lang sa likuran ko.." Hinang hina na si Haru habang sinasabi iyon.

"RESHA MAY QUEEN LUMAPIT KA SA AKIN!!" Biglang may tatlong lalaking may mga hawak na baril ang dumating sa likuran ni james tinutukan din kami ng baril.

Napatingin ako kay haru umiiling sya na wag akong lalapit.

Bumitaw ako kay haru at tumayo.

"Tart wag kang makikinig sakanya.... Aaaaahhh!!" Napatingin ako kay james dahil nagpaputok ulit sya ng baril at tumama iyon sa binti ni Haru.

"isusunod ko na ang pagpapaulan ng bala sakanya kapag di ka pa lumapit queen!"

Napapikit ako at napayuko, kelan ka ba titigil james?, pagdilat ko naglakad na ako papunta kay james, sa akin naman itinutok ni james ang baril.

"Tart!!" Di ko nilingon si Haru para mabantayan ko maigi si james baka barilin nya ulit si haru.

Pagkalapit ko ibinaba na nila ang baril, pero nung nauna na kami sa paglalakad may ibinulong si james.

"Makakasigurado lang ako na hindi sya na sya manggugulo kung mawawala na sya, PATAYIN NYO NA SYA!!!

" NO!!" Itinulak ko agad si james palayo sa akin tapos tumakbo ako papunta kay haru.

"Haru?" Napangiti ako nung nakita kong nakatumba na ang mga tauhan ni james may mga nakabaon sa noo nitong mga dagger nakita ko ang tatak at alam kong kay scarlet iyon galing.

Tumakbo ako papalapit kala haru at scarlet ng biglang napatingin sila sa likod ko sabay ng dagger na ibinato ni scar sa paglingon ko sa likod.

"Unnie!!"

"Tart!!"

Napatingin ako sa dib dib ko puno na ito ng dugo, napahawak ako dito at napaluhod ako,napaubo ng dugo.

"Sabay tayong mamamatay queen ko" Napatingin ako kay james nung sinabi nya iyon nakahiga na sya sa sahig at may dagger na sa gitna ng kanyang dibdib.

Bumaksak na ako sa sahig.

Bago ako mapapikit nakita ko ang mukha ni haru na umiiyak.

"Haru sor..ry"

_________________________________________

Please don't forget to

Vote

And

Comment

Thank you very much 😘

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon