CHAPTER 75 " rowen confession and my new sibling?"

1.6K 31 0
                                    

ROWEN POV

"Keia, simula ngayon liligawan na kita araw araw, dahil mahal kita, kahit gaano katagal magaantay ako sayo" Nakatitig lang ako kay my loves di pa sya sumasagot nakatitig lang din sya sakin at halata sa mukha nya ang pagkagulat.

"Ano kasi Row....."

"HAAAAYST SOBRANG INIT SA LABAS!!" Biglang dating ni Tommy at sumigaw pa bwisit di tuloy naituloy ni my loves ang sasabihin nya.

"Pwede ba Tommy wag kang sumigaw!" Inis kong sabi.

"Ooh nandito pala kayo, teka kayo lang dalawa?, kayo aah anong ginagawa nyo ha?" Pangaasar ni Tommy.

Biglang bumukas ang pinto at dumating si Resha.

"Nandito din ako, umalis lang ako sandali" Pairap na sabi ni Resha, ibig bang sabihin kasabay nyang dumating si my loves?

"Aah hehehe nakakagulat ka naman queen" Kabadong sabi ni Tommy.

"I said stop calling me queen" Masamang tumingin si Resha kay tommy, bakit ganun parang nakakakilabot pa rin si Resha pag ganyan ang awra nya T^T.

"So so sor...." Ayan na utal na si tommy.

"What?!" Medyo pasigaw ni resha kay tommy.

Bigla ulit bumukas ang pinto at si master at justine ang pumasok.

"Master!" Sigaw ni tom sabay tago sa likod ni master.

"S-si que.. Este si Resha nagagalit sakin" Sumbong nya kay master psh parang bata lang.

Teka nagkapalit na ba sila ng katauhan ni Justine.

"Ano ka ba tommy para kang si justine dyan sa ginagawa mo" Pang aasar ni master hahaha sabi ko na eh.

"Master naman" Justine hahaha.

"Bakit ka ba nagagalit tart ko?" Maamong sabi ni master kay resha.

"Tsk!" Sabay alis ni Resha at umupo sa sofa.

Ano naman yun -___- parang may nangyaring di maganda aah.

HARU POV

"Tsk!" Teka galit ba sya sakin? Dahil ba sa ginawa ko sakanya kagabi?

"At ikaw tommy ano bang ginawa mo at nagalit sya sayo ha?" Nakakainis naman.

"Eh kasi natawag ko syang... Queen" Pabulong nang sabi ni tom yung queen.

"Tsk.. Sa susunod iiwasan nyo nang tawagin syang queen naiintindihan nyo maski ikaw justine iwasan mo na" Maotoridad kong bulong sakanila.

Bigla naman lumabas ng HQ si tart.

"T-tart!" Pero di nya ako pinansin at sinara lang ang pinto.

Bigla naman lumapit si keia sa pinto at sumilip sa labas tapos sinara ang pinto at nilock.

"Alam nyo ba kung anong araw na ngayon?." Bigla nyang tanong.

"Feb 12, malapit na pala ang valentine's day" Ngiting sabi ni justine.

"Yun lang ba my loves wag kang magalala may balak na ako sa valentine natin." Sabi naman ni rowen excited naman nyang paliwanag.

"0////0 hindi yun ang ibig kong sabihin, kaw haru wala ka bang naalala?"- keia.

" Ano ba yun keia?, sabihin mo na lang at wag na akong pagisipin pa -__-" Haay pinahahaba pa ang usapan eh.

"Feb 14 ang birthday ni cous" Birtday ni tart?, T^T bakit di ko alam?

MAFIA's PRINCESS AND THE GANGSTER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon