MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
Maliban sa kanyang nararamdamang kasiyahan sa muling pag-apak niya sa malaking bahay na ito ay hindi na matukoy ng binata ang pangalawa. Tiningnan niya ang buong paligid. Dito sa lugar na ito siya ipinanganak. Luntian pa rin ang paligid. Wala pa ring ipinagbago angambience nito. Mala- kastila pa rin ang estilo ng tatlong palapag na bahay.
Yari ang bahay sa bricks at napakaganda ng bawat detalye na naturang bahay. Mula sa bakod hanggang sa bawat sulok ng naturang mansiyon ay mabusisi ang pagkakayari. Bawat nagagawing bisita sa bahay ay walang patid ang mga maririnig na papuri galing sa mga ito. Kamangha-manghang tahanan.
Matagal na taon ding hindi niya nakita ang nakatayong istrakturang ito. Pero kabisado niya ang mga bawat sulok nito. Pati na rin ang mga taong nakatira sa mansiyon na ito.
“Anak!”
Natigil ang matikas at matangkad na binata sa pagmamasid nito sa paligid ng marinig ang tawag ng kanyang ina. Humahangos ito papalapit sa kanya. Hindi na rin niya nagawang tanggaling ang apron nito.
Sabik niyang sinalubong ang kanyang ina at niyakap. Siya namang pagdating ng ama. Tuwang tuwa sila at sa wakas ay pinaunlakan din ng kanilang binata na pumasyal sa bahay na ito. Kung siya lamang ang tatanungin kahit sa kanyang sariling unit na lamang siya maglagi ay kampante na siya.
Pero tama ang kanyang ama at ina. Matagal na rin siyang hindi nakakalanghap ng sariwang hangin ng bayang sinilangan. Kailangan din niyang mapasalamaatan ang butihing don sa patuloy nitong pagtulong sa kanya kahit hindi na siya sakop ng kanyang bahay. At humingi na rin ng dispensa dahil hindi na siya nakadalaw sa pagpanaw ng kanyang asawa. Nagkataong marami siyang kailangang asikasuhin at hindi siya dapat mawala kahit na sandaling oras lamang sa trabaho.
Batid naman niyang maiintindihan ito ng ginoo. Alam niyang maselan ang kanyang trabaho. Pero mas nakakabuting makapag-usap sila ng personal. May isa ring taong kinasasabikan niyang makita, kahit pa hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya.
Lihim niyang nahiling na sana sa tagal ng panahon ay nagabgo rin ang ugali nito. Sana sa paglipas ng panahon ay mabait na ito at hindi na maldita. She must be a lady now.Nagtuloy sila sa loob ng malaking bahay. Bahagyang natigilan si Neil ng may iba itong napansin.
“Bago yata ang mga katulong ng mansiyon Inay?” pansin ng binata.
Ang kanyang ina ay kasambahay ng pamilya at sa tagal ng kanyang sebisyo ay mayordoma na siya sa ngayon. May lima pang ibang katulong at kilala niya ang mga iyun noong bata pa siya. Pero iba ang mga kasama sa bahay ngayon.
“Oo, Neil. Kami na lamang ng Itay mo ang nagtatagal dito. Iniiwan ang bahay kapag nakahanap na sila ng mas magandang trabaho.”
“Kayo Inay, naisip niyo na ba ang alok ko sa inyo?” naalalang ungkatin ito ng binata.
“Anak, kumain na tayo bago lumamig ang pagkain,” pag-iiwas ng ama.
Itinigil na ni Neil ang pagsasalita. Alam niyang kapag umiiwas ang kanyang mga magulang ay ayaw nilang pag-usapan ang bagay na ito. Hihintayin na lamang niya kung kailan sila makakapagdesisyon. At kung kailan ang araw na iyun ay hindi batid ng binata. Noon pa man ay alam niyang bahagi na ng buhay ng mga magulang bahay na ito at ang pamilyang Assistin.
Kapwa mga kasambahay ang mga mamgulang ng kanyang ama at ina. Matalik na magkaibigan ang ina ni aling Gina at mang Marlon. Dito na rin sa bahay na ito sila namatay. At ng mga magulang niya ang nagpakasala y hindi na umalis sa mansiyon na ito. Itinuloy ang paninilbihan sa pamilya hanggang isinilang siya. Ang maganda lamang ay hindi siya pinigilan ng mga ito kung anong gusto niyang gawin sa kanyang buhay. May pangarap siya at papayag din siyang manirahan sa mansiyon na ito kung matutupad ang matagal na niyang hinahangad sa buhay. Napakaimposible nga lamang yatang mangyari ang bagay na iyun.

BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomanceItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...