MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
Panay ang pasasalamat ng binata sa kanyang pag-aalaga dito. Tatlong araw din nagkasakit si lester at kahit nasa opisina siya ay kinukumusta pa rin ang lagay ng binata. Kapag nasa bahay na siya ay pinupuntahan niya ito.
Iyun naman ang totoo niyang pagkatao. Magiliw siya sa mga taong nagpapakita ng pag-aalala sa kanya. Hindi lang napapansin ng karamihan dahil hinuhusgahan siya agad. Hindi nila paniniwalaan ang mayamang dalaga ay mababa rin ang kalooban at marunong magmalasakit sa kapwa. Ganoon yata kapag nanaig ang insecurity, mas pinagtutuunan ng pansin ang mga nakikitang kamalian kaysa bigyang-pansin ang mabubuting ginagawa ng isang nilalang.
“Baka ma-inlove ka niyan sa akin, Lane.” Biro nito nmg magaling na ang binata.
Hinampas naman ni Lane ang braso ng binata.
“Huwag kang magbiro ng ganyan Lester. Multuhin ka sana ni Neil!” at tumawa ng tumawa ang dalaga.
“Mas guwapo naman siguro ako sa kanya?” muling banat ni Lester. Palibhasa magaling na kasi, kaya naman marunong na ulit mambuska sa dalaga.
“Sa mata ko, mas guwapo ka nga sa kanya, but in my heart, he is the most handsome man.”
“Whew! Okay, Lane, talo na naman ako.”
Muling tumawa ang dalaga. Ngumiti rin si Lester dala ng kanyang kasiyahan. Ilang araw nalang at matatapos na ang pinakahuling misyong hawak niya. Kailangan niyang mag-ingat ng husto para sa katabing dalaga. Sa nalalapit na panahon ay makakamtam na rin nito ang saya. Maiibsan na ng tuluyan ang pangungulila niya sa kanya. Iba man ngayona ng mukha niya, si Neil pa rin siya. Siya pa rin ang lalakeng nagmamahal kay Lane. At walang ibang pwedeng pumalit sa pwesto ng dalaga. Lalo pa at sukdulan ang pagmamahal ni Lane sa kanya.
Wala talagang ipinagkaiba si Lester kay Neil. Biglang nainis ang dalaga. Bakit ba kung sino pa ang mga alam niyang mababait ay sila naman ang basta na lamang nang-iiwan sa kanya? Hindi nagpaalam sa kanya noon si Neil noong umalis ito. Bumalik nga ito pero malamig ng bangkay. Ngayon naman si Lester basta na lamang ito umalis at sa kanyang Papa lamang ito nagpaalam. At sa mag-asawa. Palibhasa naging magaan ang loob ng mga ito sa kanya. ang suwerte nga ni Lester dahil mabilis siyang natanggap ng mga ito. Nakita niya kung gaano nila kamahal noon ang kanilang anak ay yun din ang nakikita niyang trato nila sa kanya. Parang anak na rin siya ng mag-asawang Gina at Marlon.
Nakita niya kung paanon nalungkot ang mga ito sa paglisan ni Lester. Parang may kinakatakutan ang mga ito. People come and go, ika nga. Kaya nga kapag may bagong kakilala, make sure na magiging mabait ka sa kanya, para mapalayo man ito o mawala na ng tuluyan, walang panghihinayang na mararamdaman. Hindi mahalaga kung gaano kaikli o katagal na nakasama ang isang tao. Higit pa man, ang importante naging parte siya ng buhay at may natutunan sa bawat isa. That is life. Just try to move on. Patuloy lamang ang takbo ng buhay, mahirap man ito o madali.
Bumalik ang dating takbo ng buhay niya.
“Lane, pwede bang kunin mo iyung blue bag sa bahay nina Gina. Nakalimutan ko hija. Kaalis kasi ng mga katulong, wala akong mautusan. May kakausapin lang ako sa telepono.”
“It’s okay, Papa.”
“Hindi pa rin kita nakakalimutan, Neil. Mahal na mahal kita.” At inamoy amoy niya ang isa sa mga sando ni Neil na nakakalat sa kama nito. Pakiramdam niya ay ang mismong katawan ni Neil ang naamoy niya. Ng maibigay niya sa ama ang ipinakuha nito ay muli siyang nagbalik sa loob ng bahay. Gusto niyang makipagkwentuhan sa mag-asawa pero wala pa ang mga ito.
Tumayo ang dalaga. Lahat ng mga gamit ni Neil ay hinaplos haplos niya. Muli siyang umupo sa kama ng binata habang nakayakap sa sando nito. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya habang walang pagsidlan sa katuwaan ang isang taong kanina pa nakamasid sa kanya ng lihim.
Sumungaw ang luha ng dalaga ng pagmulat niya ay si Neil ang nakita niya, katabi niya sa kama at nakangiting nakatunghay sa kanya. Para itong buhay na buhay. Mula sa kanyang buhok, ang kanyang biloy, mga matang palaging nakangiti. Nakaharap si Neil, sa kanya.
“Lane, sweetie…” hinaplos ni Neil ang kanyang buhok at hinalikan nito ang kanyang noo.
Napapikit ang dalaga t impit na umiyak. Hinigpitan ang pagkakayakap nito sa damit ni Neil na yakap yakap niya.
“Neil…I’m dreaming again. Kahit paano Neil, kasama kita. I hate to wake up without you by my side.”
Palagi niyang nakikita ang binata sa kanyang balintataw. Pero sandali lang. Hind tulad ngayon na matagal. Hinalikan pa siya nito. It was the most wonderful dream she had.
“Of course you’re not dreaming. Sige na Lane, imulat mo ang mga mata mo. Look at me. I miss you.”
“Ayaw ko munang magising Neil. Gusto kitang makasama ng matagal. Matagal na matagal. Mahal kita.”
“I know, naririnig ko ang lahat. You love me so much at mahal na mahal kita, Lane.”
Biglang napadilat ang dalaga. Nasa tabi pa rin niya si Neil. Patuloy lamang ang paghaplos ng binata sa kanyang buhok. Baliw na nga yata talaga siya. Kung anu anong nakikita niya sa paligid. Pero may gustong patunayan ang dalaga kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya ngayon.
“Neil, I can’t believe if this is really happening.”
“Tell me what to do, sweetie para mapatunayan kong buhay na buhay ako at gising ka?”
“Angkinin mo ako, Neil. I want to feel you.”
“Are you sure you want? Sobrang sabik ako sa iyo Lane, pinipigilan ko lang. But God knows how I wanted you now, right now.”
“Then do it, Neil.”
Naramdaman niya ang pagdikit ni Neil sa kanyang katawan. Sinimulan nitong haplusin ang kanyang pisngi. Hinalikan siya ng binata at tinugon niya iyun. Sinabayan niya ang bawat galaw na ginagawa ng kaniig.
And when Neil is in top of her, she feel the pain inside her as Neil continue going deep to her skin. Pero sandali lang ang kirot na iyun, and a sudden joy immersed her whole being.
Dumilat si Lane mula sa pagkakatulog nito. Sinulyapan niya ang relo. Alas tres na ng hapon. Napakatagal na pala niya sa loob ng kuwartong iyun at nakatulog pa siya ng matagal.
Sabi nga ba niya at panaginip lamang ang lahat. Napabuntung hininga ang dalaga. Akala niya ay toto na dahil ramdam na ramdam niya ang bawat halik at yakap sa kanya ni Neil. Pati ang matinding kirot ay dama ng buo niyang katawan. But Neil is not beside her. Nag-iisa lamang siya sa kama ng binata.
Bumangon siya, pero masakit ang buong katawan at masama ang kanyang pakiramdam and she is naked! Nalito ang dalaga. Umupo siya sa headboard at iniisip pa rin ang mga naganap. And the bloodstain. Nasa bedsheet din.
Is this mean that…?
“Gising na pala ang mahal ko?”
Hindi niya namalayang bumukas ang pintuan at tumambad doon ang lalakeng hinahanap niya. Ang matagal na niyang gustong makasama. Ang suot nitong t-shirt, prehong pareho ng binili nila ni Neil! And the necklace…
“Neil?”
Lumapit sa kanya ang binata. Mahigpit niyang niyakap si Lane.
“Neil, how come? Buhay ka!”
“Buhay na buhay ako, Lane Marie. I just left and I’m back again.”
“ But…I saw you in the coffin.” Nanlaki ang mga mata ng dalaga.
“Mamayang gabi ay malalaman mo ang buong katotohanan Lane. Magiging laman ng balita si Neil Daquigan at Lester Rosqueta na iisa lamang sila.”
Lalong nanlaki ang mga mata ng dalaga. Kahit kailan pala ay hindi siya nito iniwan. At si Lester man ang bumalik sa kanya ay siya pa rin si Neil. Kasya pala tuwing kasama niya ito ay masaya siya. kung nakikita niyang tahimik si Lester ay hindis rin siya mapalagay. Iyun pala dahil iisang puso ang nagmamay-ari dito. At kahit noong basta na lamang umalis si Lester ay nakaramdam din siya ng kalungkutan.
“Oh, Neil. Napakasaya ko. It’s just that parang hindi ako makapaniwala na buhay ka.”
“Do I need to prove it to you for the second round?” pilyo ang ngiti nito at saka bumulong sa dalaga.
“Heh! Bastos!”
Pabirong hinampas ni Lane si Neil ng unan. Kiniliti siya ng kiniliti ni Neil kaya naman tumambad sa harapan ng binata ang kahubdan.
“Beautiful.” Bulong ni Neil at niyakap ang nakangiting kasintahan.
“Akala ko ako na lang ang virgin sa ating dalawa.” Biro ni Neil sa kanya.
“Akal mo lang iyun.” nakataas ang kilay ng dalaga.
Muli siyang niyakap ni Neil at dahil tumambad ang kahubdan ng dalaga ay muli nilang inangkin ang isa’t isa.
“Ang daya mo! Di ibig mong sabihin tinatawanan mo ako ng lihim. Para akong baliw tuwing nasa sementeryo tayo,” umingos ang dalaga.
“No Lane, the more I love you, sweetie. Kahit pa siguro hindi ko nalaman ang totoo, muli pa rin kitang susuyuin hanggang matutunan mio akong mahalin ng tapat. Ayaw ko lang na malagay kayo sa kapahamakan.”
“Oh, Neil. I love you so much. Hindi ako magsasawang sabihin ito sa iyo.”
“Ako rin, Lane.” At muli nitong inangkin ang mga labi ng dalaga.
“Neil, anak! mag-uumpisa na daw ang balita. Tinatawag na kayo ni balae!” boses iyun ng ama ni Neil.
Napansin agad ni Lane ang tawag nito sa kanyang Papa. At gusto niya ang mga salitang iyun.
“Sige Itay,ayaw pa kasi akong pakawalan nitong si Lane.” Ganting sigaw ng binata. Narinig pa nila ang pagtawa ng matanda.
Namula naman ang dalaga. Baka isipin ng mga ito at ang kanyang Papa na totoo ngang ayaw niya munang mawalay sa tabi ng binata. Pero sa pamamagitan ng yakap ni Neil ay wala na siyang pakialam kahit anong kantiyaw at biro pa ang maririnig niya sa mga ito. Ang mahalaga ay buhay si Neil at masayang masaya siya.
Sa pamamagitan ni Neil ay nabuwag na rin sa wakas ang pinakamlaking sindikato ng human trafficking ng bansa. Ginawaran siya ng medalya ng kagitingan at ang mismong ang Pangulo ng Pilipinas ang nagsabit sa kanyang leeg. Iyun pala ang inasikaso nito sa mahigit tatlong buwang pagkawala niya. At sa pag-alis ni Lester ang siya namang pagbabalik ni Neil.
At sa bawat pagdalo ng binata sa mga imbitasyon ng mga malalaking tao ng bansa ay hindi nawala si Lane sa kanyang tabi. Neil is so proud kapag ipinapikilala niyang kasintahan niya ang kasama nito. Wala na ang kinatatakutan ng binata kaya kahit kilala na si Lane na kasintahan niya ay hindi manganganib ang buhay nito. At kung may magtatangka man ay siya ang mismong magtatanggol sa dalaga.
At kung tinatanong siya kung sino si Neil sa kanyang buhay ay iisa lamang ang palaging sinasagot ni Lane sa mga ito.
“Neil is my everything. He is my man now and for always…”
Nagiging makulay ang mga sumunod na araw para sa dalawa. Marami rin ang kinilig ng malaman nila ang kanilang love story. Kinausap na rin sila ng isang batikang direktor na gagawing pelikula ang kanila pag-ibig. Pero pareho silang tumanggi. They want they love story na sa kanila lang dalawa.
Walang sandaling hindi naging masaya ang dalaga sa piling ni Neil. Habang tumatagal ang panahon ay lalo niyang nararamdaman kung gaano siya nito kamahal. Hindi siya nagkamali na si Neil ang itinibok ng kanyang puso. At ngayon pa lamang gusto na niyang isipin na kung sakaling maraming beses man siyang muling mabuhay. Iisa pa rin ang hahanapin niyang maging kabiyak ng kanyang puso. Si Neil lamang at wala ng iba.
“Thank you for loving me, Lane.” Sambit ni Neil sa asawa habang sumasayaw ang mga ito sa malamyos na awitin.
“Because you love me, too Neil.”
“Please promise me you’ll stay forever.”
“I’ll stay with you forever. We will love you forever.”
“We?” nangunot ang noo ang binata.
Tumigil si Lane sa pagsasayaw. Masuyo nitong pinagmasdan ang kabiyak. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at dinala niya sa kanayng tiyan. Nanlaki ang mga mata ni Neil.
His wife didn’t say the words, but he feel there is someone living in her womb.
Sa katuwaan ay niyakap niya ang asawa. Pinupog ito ng halik saka pinangko upang dalhin sa kanilang higaan upang muling pagsaluhan ang tamis na dulot ng kanilang wagas na pagmamahalan.
…Wakas…
BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomanceItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...