Chapter 12

5.6K 129 0
                                        

MY HANDSOME ASUNGOT

written by: Jinky Tomas

“Lane!”

Hindi na nagawang magpaalam si Lane kay Lester. Binilin naman na niya kanina na kapag nandito na ang kanyang sundo ay pwede na rin siyang umalis. Sinugod niya ng yakap si Joshua. Sobrang namiss niya rin ito. Hindi naman bato ang kanyang puso upang hindi ito magpatawad. Masaya na ang binata sa kasintahan nito kaya dapat maging masaya na rin siya para sa kanya. Hindi naging successful ang relationship nila ni Jean, kaya ibinaling na lamang niya ang pagtingin sa anak ng kanilang labandera, and they are very happy with each other. Kilala na niya si Mila.

Noon pa man ay napapansin niyang may gusto ito kay Joshua noong magkasintahan pa sila nito. Halata niya iyun. Siya nga mismo ang nagsabi kay Joshua sa napapansin niya dito. Kahit hindi galing sa mayamang angkan ang dalaga ay hindi naman ito mahahalata. Likas itong maganda at mahusay makisama kaya naman madaling nahulog ang loob ni Joshua dito. Ikakasal na rin sila isang buwan mula ngayon.

Bigla siyang nakaramdam ng inggit. Ang mga ka klase niya ay may mga asawa na. Sa kanilang batch dalawa silang walang asawa. Iyung isa accepted dahil pumasok ito sa pagmamadre. Kaya malinaw na nag-iisa na lamang siyang single. May mga anak na rin ang karamihan sa mga ito. Siya na lamang daw ang huli sa biyahe. Bakit naman kailangan niyang maghmadali? She’s only twenty seven. Bata pa siya at wala naman siyang napupusuan. Hanggang ngayon daw kasi ay umiibig siya sa patay. And she is proud about it. Napaptunayan niyang dalisay ang pagmamahal niya kay Neil. Hindi man niya ito asawa, itinali na niya ang puso niya dito.

Minsan ay naiisip niyang sana anak na lamng ang iniwan sa kanya ni Neil at hindi alahas. Kahit sana wala na ito ay may anak siyang pagbabalingan ng atensiyon at pagmamahal at hindi sa nakaraan.

Hinalikan siya ni Joshua sa pisngi at hinagod nito ng tingin ang dalaga.

“Maganda ka talaga, Lane. Sayang lamang at walang nakakapansin.” Biro niya sa dalaga.

“Kasi naman hindi mo ako napagtiyagaan.” Ganting biro nito sa kanya.

“Nagbigay daan lang ako, Lane. You deserve somebody else. More than me.” 

Hinawakan nito ang palad ng dating katipan. Alam niya how she suffered a lot sa pagkawala ni Neil sa buhay niya. Silang dalawa ni Mila ang hingan niya ng sama ng loob. Napaluha ang dalaga san huling sinabi ni Joshua. Siya itong hindi nakapansin agad na si Neil ang nararapat sa kanya. Nalaman man niya pero huli na ang lahat. Tapos na at kahit na kailan hindi na maibabalik pa ang nakaraan.

Nakita ni Joshua ang paglandas ng luha ng dalaga. Pinunasan niya ang mga luhang iyun at muling niyakap ang dalaga.

“Enough, Lane. Kailangan mong matutunang lumimot. Sa pagkawala niya marahil ay mas may karapat dapat para sa iyo. Bata ka pa Lane. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan.”

“Salamat, Joshua. Hindi ko alam kung kailan ko makakalimutan ang lahat ng ito.”

“Be patient to wait, Lane. Alam kong magiging masaya ka rin someday.”

Naghiwalay ang mga ito sa kanilangm pagkakayakap. Baka bored na daw si Mila sa paghihintay sa kanila sa isang mamahaling restaurant malapit sa opisina. Inakbayan siya ni Joshua habang patungo ang mga ito san kanyang nakaparadang sasakyan. Nakalimutan na niya ang isang taong nakamasid lamang sa kilos nilang dalawa.

Napilitang sumakay na lamang ang binata. Gusto sana niyang sundan ang dalawa pero kabastusan naman yata kung gagawin niya. Bakit nga ba hindi? Huwag lamang siyang pahuhuli.

Lahat na yata ng sama ng loob ay lumukob na sa katawan ng binata ng makita kung saan tumigil ang sasakyan ni Joshua. Isang five star hotel. Nagtatawanan pa ang mga ito habang papasok sa naturang establisyemento. Pati kaya ang paglabas ni Lane kasama ni Joshua sa ganitong klase ng lugar ay alam din ng kanyang ama? 

Nahampas bigla ni Lester ang manibela. Sinabi na nga kasing hindi niya dapat sundan pero nadaig pa rin siya sa isip kaya anong napala niya? Lalong nadagdagan ang galit niya sa dalaga.

Nakangiting tumayo si Mila habang papalapit ang kasintahan at si Lane sa kinauupuan niya. Katatapos nilang naaayos ang ilang mahahalagang detalye ng kanilang reception sa mismong hotel na ito. Naisipan nilang imbitahin na lamang si Lane para sabay na silang kakain ng dinner.

Gumanti rin si Lane ng ngiti sa magiging asawa ni Joshua. Mabilis niya itong nilapitan at ginawaran ng halik. Hinimas din nito ang tiyan ni Mila na mag-aapat na buwan na. Para namang nagising ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan dahil naramdaman ni Lane ang pagtadyak nito.

“Oo na, baby. Ang pinakamgandang Ninang Lane mo ito.”

“Kaya naman siya ang magbabayad sa kakainin natin ngayon anak.” Sabad naman ni Joshua.

“Order na lang tayo ng mineral water.” Biro nito sa dalawa.

Nagkatinginan ang dalawa at nagtawanan ang mga ito. Parang ayaw na nilang matapos ang kanilang pagkukwentuhan. Naisip niyang matulog na lamang sila sa hotel. Alas-diyes naman ang business meeting niya bukas. Hindi na lamang niya aagahan ang pagpunta sa opisina. 

Madaling araw na ng magpasiya silang matulog.kahit papaano ay nagiging masaya si Lane kapag kasama niya ang mag-asawa. Pati siya ay nasasabik na rin na masaksihan ang pag-iisang dibdib ng mga ito.

Biglang nanibago si Lane sa mgha kilos ni Lester. Parang mas lalong sambakol ang mukha niya ngayon. Gusto sana niyang tanungin kung may mabigat ba siyang problema pero nag-aalangan siya. Binati na niya ito kanina pero hindi man lang ngumiti o nagsalita kahit mababang ‘hi’ man lang.

Siya itong amo at siya na rin ang nagpakumbaba pero hindi pa rin siya pinansin. Kanina pa gustong sumbatan ni Lester ang kanyang katabi. Tuwing naaalala niya ang masayang sandali nila ni Joshua kanina ay gusto niyang magtanong sa dalaga kung bakit. Mabuti na lamang at naisip niyang wala rin naman siyang karapatan para pigilan angh anaunmang gustuhin ng dalaga. Trabaho niya na bantayan siya at hindi pakialaman ang mga personal niyang buhay. 

“Lester, may problema ba?” tanong ng dalaga sa kanya. 

Kahit nasanay na siyang palaging tahimik ang binata. Hindi tulad ng araw na ito na nag-aayuno yata. Extreme silence. Kahit palaging sambakol ang mukha niya ay hindi niya nakakalimutang batiin siya. Kung kumusta nag kanyang trabaho. Nakakanibago lang kasi ang ikinikilos niya ngayon.

“Wala, ma’am Lane.”

“Lane na lamang ang itawag mo sa akin Lester. Hindi naman kita tauhan sa kompanya.”

“Kung iyan ang gusto mo, Lane.”

Patlang. Balik sa dating nakakabinging katahimikan.

Kahit sa pag-uwi nila ay walang nagbago sa reaksiyon ng binata. Pagkatapos niyang bumaba ay diretso na rin ito agad sa bahay ng mag-asawang Gina at Marlon. May sarili siyang kuwarto na ibinigay ng kanyang Papa sa kanya sa loob mismo ng kanilang tahanan. Pero mas pinili niya sa bahay sa likuran. Tuwang tuwa ang mag-asawa dahil muli silang nagkaroon ng anak dahil kay Lester. Tsaka palagi lamang sa loob ng bahay ang binata kapag wala siyang pasok. Saka lamang ito nakikita ni Lane sa holiday kapag may lakad siya na kailangan niya ng kasama. 

Hindi na siya bata para palaging may alalay. Kapag kaya naman niya ang kanyang pupuntahan ay siya na lamang ang nagmamaneho. Ayaw niyang abusuhin ang kanyang mga tauhan. Kuntento naman siya sa trabaho ni Lesterl at iyun ang mahalaga.

Masyado lamang itong masikreto. Hindi siya palakwento sa kanyang buhay. Parang palaging may malalim na iniisip. Palaging pagbabasa ng pahayagan ang libangan. Minsan hindi maiwasan ni Lane ang mahiwagaan sa kanyang bagonmg driver-bodyguard. Mabait naman ito kaya hinahayaan na lamanng dalaga. Maaaring may malalim na dahilan kung bakit hindi siya nagkukwento sa kanyang buhay.

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon