MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
Pinanlamigan ang dalaga sa kanyang narinig. Bumuka ang kanyang bibig pero wala salitang lumabas doon. She was totally in shock. Si Neil na nagmahal sa kanya ng labis ay wala na. He is gone forever. Napasulyap siya sa kanyang relo. A remembrance of Neil.
Nasa loob ng mansiyon ang mga labi ni Neil. Kung hindi siya inalalayan ng kanyang ama ay tiyak niyang hindi niya kakayaning lumapit sa kabaong ng binata. Yes, he is Neil. Guwapo ang mukha kahit wala ng buhay. Ang mga kilay na hindi kakapalan pero maitim na maitim katulad ng kanyang buhok na maitim at medyo kulutin. And the necklace he is wearing. Nanlamig ang dalaga. Sa kanya galing ang kuwintas na iyun. Before and after his death ay nakasuot iyun sa binata.
Lalong nabalot ng luha ang kanyang mga mata. Mahal na mahal nga niya ito. Ngayon niya lubos na napatunayan how he loves her. Napakapit siya sa braso ng ama. pakiramdam niya ay talagang napakasama niya. Na maldita siya. Hindi man lang siya nakahingi ng tawad bago ito namatay. Paano niya ito dadalhin sa kanyang kunsensiya.
‘Oh, Neil…’ she whispered and she finally fell in her father’s arm.
Kanina pa siya gising mula sa pagkawala ng kanyang malay. But she can’t. Ayaw niya. Gusto niya na ring manirahan sa madilim. Ilang taong naghirap ang kanyang kalooban. Nag-aabang sa muling pagbabalik ng binata. Bagamat nagbalik ito ay isa ng malamig na bangkay. Hindi na niya maipapadama ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi na niya mayayakap at mahahagkan ang binata na may kalakip na pagmamahal. Kahit kailan ay hindi na.
Iniwan siya ni Neil sa mga sandaling mahal na mahal na niya ito. Nakaganti na si Neil sa kanya. Sobra sobra pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon. She is forever a loser. Si Neil ay hindi na mararamdaman ang sakit na idinulot niya. Samantalang siya ay nag-uumpisa pa lamang sa mas masakit na bahagi ng buhay niya.
Muli siyang napahagulhol. Lunmakas ang kanyang pag-iyak pero ayaw niyang dumilat. Gusto niyang ikulong ang sarili sa karimlan.
“Lane! Lane, hija!” niyugyug siya ng ama.
Dumilat siya at mabilis na yumakap ito sa ama. Sasabihin niya kung ano ang totoo. Magagalit na sa kanya ang ama, wala na siyang pakialam pa. Manhid na siya. Gusto lamang niyang maibsan ang sobrang bigat ng kalooban niya. Pakiramdam niya kapag mag-isa lamang niyang daldalhin ito ay lalo siyang mawawalan ng ganang mabuhay.
“Tahan na, hija. Neil is gone at kailangan ng tanggapin iyun.”
“It’s too early, Papa. Ang sama sama ko. I’m brat. Napakalaking kasalanan ang nagawa ko kay Neil. Hindi man lang ako humingi ng tawad bago siya namatay.”
“What do you mean, hija?’
Sa pagitan ng kanyang pag-iyak ay sinabi niya ang lahat sa ama. Ang lahat ng nangyari sa pagitan nila. Pati ang labis niyang pagmamahal sa ngayon kay Neil ay sinabi niya. Maiintindihan na ng kanyang ama kung bakit hindi siya nag-eentertain ng manliligaw. Sinasabi nitong commited na siya sa mga lalakeng gustong mag-akyat sa kanya ng ligaw. Kapag hindi naniniwala ang mga ito ay ipinapakita niya ang kanyang relo. Ang ibibigay na alaala sa kanya ni Neil. Na hanggang ngayo ay si Neil pa rin ang kanyang kasintahan.
And their relationship ended fronm the moment na patay na si Neil. But not the love for him. Mahal na mahal pa rin niya ang binata at ayaw niyang pati ang pagmamahal niya dito ay mawala rin sa kanya.
“Lane, hija. I’m sorry anak, hindi ko alam na napakasakit pala talaga sa iyo ang pagkawala ni Neil.” Pinunasan ng kanyang ama ang luha niya.
“Papa, ang laki ng kasalanan ko kay Neil.”
“He loves you anak. Sinabi niya sa akin before he left. And I’m sure na kahit nasaan man siya ngayon ay mapapatawad ka niya.”
“I’ts hard Papa. Parang namatay na rin ako.”
“Don’t let it anak. Move on. Move on, Lane.”
Naging laman si Neil sa lahat ng balita sa pahayagan at sa telebisyon. Hindi niya alam na napakataas na pala ang narating ni Neil. Mataas siyang opisyal sa NBi at mismong dumalo pa ang Presidente ng Pilipinas para magbigay pugay sa kabayanihan ni Neil. Pero ano pang silbi ang mga iyun kung wala na si Neil? Hindi na niya makikita ang mga taong nagmamahal sa kanya.
At sa loob ng siyam na araw na paglalamay kay Neil ay nananatili lamang ang dalaga sa tabi nito. Para na ring asawa siya nito kung tutuusin. Hindi siya kumakain o natutulog man lang. Palagi lamang niyang pinagmamasdan ang binatang nakahimlay sa kanyang tabi.
“Lane, tinatawag na po tayo ni Sir Manny.”
“Susunod na po ako Inay Gina.”
Noong nalaman ng mag-asawa ang lahat ay niyakap siya ng mahigpit ng mag-asawa. Naniniwala sila sa kanya na nagsasabi siya ng totoo. Gusto lamang sirain ni Jean ang relasyon nila. Sila pa ang humiling na kung maaari sana ay Inay at Itay ang itawag sa kanila. Para na rin daw siyang anak ng mga ito. Lalo pa at wala na si Neil. Pinagbigyan niya ang mga ito at hindi naman tumutol ang kanyang papa. Alam naman ng ginoo na makakatulong ito sa paglimot ng kanyang anak sa sinapit ni Neil kung mapapalapit siya sa mga magulang ng binata.
“Lane anak, alam kong ayaw mo ang gagawin ko. Pero I’m so worried.”
“What is it Papa?”
“Hija, kumuha kasi ako ng driver-bodyguard mo sa agency.”
“Thank you, Papa.”
“You’re not angry?”
“Not at all, Papa. Sa tingin ko kailangan ko rin talaga. Marami akong ginagawang trabaho. Nakakapagod din kung ako pa ang magmamaneho. Lalo pa ngayong madalas na ang pakikipag-deal ko sa mga suki natin. Mahirap kung ako lang.” Matamlay na sagot ng dalaga.
“Tama ka anak. Bukas ay magrereport na si Lester Rosqueta.”
![](https://img.wattpad.com/cover/15536909-288-k572687.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomansaItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...