Chapter 8

5.2K 135 1
                                    

MY HANDSOME ASUNGOT

written by: Jinky Tomas

Kinausap niya ng masinsi9nan si Neil. Sinabi nitong ilihim muna nila ang kanilang relasyon. Napagkasunduan nilang ipapaalam ito sa kanyang Papa at sa mga magulang ng binata kapag nakatapos na siya. Agad namang pumayag si Neil lalo na at nangako ito sa ama ng dalaga na hihintayin niya ang tamang panahon para sa pag-ibig.

Masayang masaya si Neil. Hindi niya akalaing mamahalin din siya ng dalaga. Sa mga sumunod na mga araw ay naging kapansin pansin ang kanyang kasiyahan. Madalas na ring tanungin ng kanyang magulang kung anong dahilan at palaging maaliwalas ang kanyang mukha. Palagi na lamang niyang dahilan na may accomplishments siya sa kanyang trabaho. Hindi na rinna lingid kay Don manny ang kasiyahan ng binata. Napapaniwala naman niya ito agad na tungkol sa trabaho ang lahat.

Kahit hindi siya madalas kausapin ni Lane kapag nasa bahay na sila ay ayos lamang iyun para sa kanya. Maghapon naman silang magkasama nito sa school. At bago sila umuwi ay naglalaan muna sila ng oras para sa kanilang dalawa. Pupunta muna sa park o kaya ay kakain sa labas. Masayang-masaya siya kapag kasama niya ang dalaga.

Napapansin nga lamang niyang hindi masyadong sweet ito. Marahil ayaw niya talagang may makaalam na iba sa kanilang relasyon. Nag-iingat lamang ito. Kuntento na siya na sa loob lamang ng sasakyang nagagawang maglambing sa kanya ang nobya.

“Neil…” tawag ng dalaga sa kanya. Pauwi ang mga ito.

Nilingon siya ng binata at ngumiti ito. Lumitaw ang hindi kalalimang biloy niya sa kaliwang pisngi.

“Sa labas na lang kayo tayo mag dinner? Tumawag kasi si Papa kanina. May dinner meeting sila.”

“Sure.”

Kumain sila sa labas. Biglang nanibago ang binata sa mga ikinikilos ng kasintahan. Gusto sana niya itong tanungin kung anong problema nito. Pero halatang tahimik din ito. Hindi umiimik. Kapag nahuhuli siya ni Lane na nakatitig sa kanya ay bahagya lamang itong ngumingiti sa kanya. Hindi tulad ng mga nagdaang araw bna panay ang daldal nito. Hindi nauubusan ng sasabihin, kaya naman nawiwili rin ang binata sa pakikinig. Maaaring npagod lang ito. Katatapos ng finals at naghahanda na ang mga ito para sa graduation. Kapag nagkataon ay malapit na rin nilang ipagtapat ang lihim nilang relasyon ng dalaga.

Tiyak na masisiyahan ang kanyang mga magulang. Batid niya ring magugulat ang don pero matutuwa pa rin ito. Alam naman niya ang talagang nararamdaman ni Neil kay Lane. Boto siya sa kanya, walang problema. Ipinagtapat na rin ng matandang ginoo na talagang plano niyang paglapitin silang muli ng kanyang anak.

Pauwi na sila ng mapansin ni Neil ang isang cd na nakalagay sa kanyang harapan. May nakasulat pang Neil doon. Luminga linga siya sa paligid. Bigla siyang kinabahan, baka may bago ng lead sa inaasikaso nilang kaso ngayon. Agad niyang itinago ang cd. Panonoorin niya mamaya pag nasa kuwarto na siya. Baka masyado itong delikado at ayaw niyang malaman ni Lane ang lahat tungkol sa kanya. Masyado pang maaga. Ayaw niyang mag-alala ang kasintahan at higit sa lahat ay ayaw niyang mapahamak ito dahil sa klase ng kanyang hanapbuhay.

Galit na galit si Neil pagkatapos niyang napanood ang cd. Ang laki laki niyang gago! Agad siyang nagpaniwala sa mga palabas ni Lane. Bagamat lalake siya ay hindi niya itinago ang sobrang sama ng loob. Tinungga niya ang hindi na niya mabilang kung pang-ilang bote ng redhorse. Isinusumpa niyang pagbabayaran ni Lane ang lahat ng sakit ng kalooban na ibinibigay nito sa kanya ngayon.

Kanina pa hindi mapakali ang dalaga. Hindi siya makatulog ng maayos. Pagkatapos ng pag-uusap nila kanina ni Jean ay bigla na lamng siyang kinabahan. Hindi niya maisip ng lubusan kung bakit sinabi sa kanya ng dating kaibigan na mararanasan din niya ang pagiging talunan. 

Akalain ba namn niyang nagtanim ito ng malalim na sama ng loob sa kanyang sinabing makitid ang utak ni Joshua kaya nababagay din ito sa makitid ang utak. Of course she don’t know na magkasintahan na pala ang mga ito. Ang tapang tapang niyang manghamon, masyado namang sensitive.

Marami rin palang itinatagong masamang pag-uugali ng dati niyang bestfriend. Traydor na, hindi pa matanggap na mas nauna siyang naging kasintahan ang matagal na niyang crush. Who cares kahit isaksak pa niya sa baga niya ang lalakeng iyun, wala na ang pain. Naka move on na siya.

Nagtaka ang dalaga. May lakad sila ngayon nin Neil. Alas nuebe na pero hindi pa rin nagpapakita sa kanya ang binata. Hinagilap niya sina Aling Gina at Mang Marlon pero wala rin yata ang mga ito sa kanilang bahay. Sampung minuto pa siyang naghintay pero wala pa rin talaga. Humakbang siya upang tunguhin na lamang ang bahay nila Neil sa likod ng mansiyon.

Nakasalubong niyang palabas naman ang ginang. 

“Magandang umaga po.”

“Lane, ikaw pala. Ipinabibigay pala ito ni Neil bago siya umalis.” At inabot sa kanya ang maliit na bag.

“U-Umalis si Neil?”

“Oo, Lane. May aasikasuhin daw na importante. Nagpaalam na rin kay Sir Manny. Tulog ka pa siguro kanina kaya hindi na siya nakapagpaalam sa iyo.”

Nangunot ang noo ng dalaga sa sinabi ng ginang. Paanong tulog pa siya samantalang ang aga niyang gumsising at isa pa ay wala namang binabanggit kanina ang kanyang Papa tungkol sa pag-alis nito. At kagabi ay masaya silang nagkukwentuhan, bakit hindi na nagpaalam ang binata kung ganoon. Pwede naman siyang tawagan ng kanyang boyfriend.

Boyfriend? Muling nakaramdam ito ng sundot ng kunsensiya. Kailangan nga ba niya ipinadama sa binata na kasintahan siya nito? 

Mabibigat ang mga paa niyang umalis sa bahay bitbit ang bag na iniabot sa kanya. Sinilip niya iyun. Isang maliit na kahon, isang sobre at cd? Nangunot ang noo ng dalaga. Bakit naman may cd at isa pa wala man lang case. Napansin lang niyang may nakasulat doon na pangalan ng binata.

Balot man siya ng pagtataka ay muli siyang umakyat sa kanyang kuwarto. Siguro hindi naman magtatagal ang binata. Bakit ganoon bigla na lamang yata siya nakaramdam ng kasabikan na muling makita ito? Hindi kaya lumalalim na ang nararamdaman niya para dito?

Matagal na rin siyang nakakaramdam ng pagkalito. Masaya siya tuwing kasama ang binata, limitado nga lamang ang bawat galaw niya dahil ayaw malamang ng lahat ang relasyon nila. Pag-iibigang binuo niya. Hindi siya nito niligawan at hindi rin niya sinagot ang binata. Ng marinig niya ang lahat ang mga sinabi ni Jean ay bigla na lamang siya nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin. Naging kasintahan niya ang binata ng wala sa oras.

Alam niyang mahal na mahal siya ni Neil. Hindi lang dahil madalas nitong banggitin sa kanya kundi mismong nararamdaman niya tuwing kasama nito ang binata. At siya ay naguguluhan kung ano nga ba ag nararamdamann niya para dito. Kumbaga hindi niya mahagilap ang kanyang damdamin. Basta ang alam niya masaya siya kapag kasama niya si Neil. Nawawala ang pagkabagot niya kapag makita niya itong nag-aabang sa kanya. Natuto na rin siyang maglagay ng seatbelt. Pero minsan ay hinahayan lamang niya ang binata na maglagay nun at saka siya nanakawan ng halik sa pisngi at smack sa labi.

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon