Chapter 7

5K 153 0
                                        

MY HANDSOME ASUNGOT

written by: JinkyTomas

Halos magkakapitbahay lang pala sila. Apat lamang ang pagitan. Niyaya niya si Neil na umupo muna sa bench na naroon malapit sa tapat nina Jean.

Gusto niyang matawa sa naging reaksiyon ni Neil ng tumabi siya sa kanya imbes na umupo sa bakanteng upuan.

“Neil, bakit ba parang may sakit akong nakakahawa?” pabiro nito. Manaka naka ay sinusulyapan niya ang kinaroroonan nina Jean bago niya simulan ang kanyang plano. 

“Hindi naman.” At umiwas ito ng tingin sa kanya.

Bumaba ang tingin ni Lane sa mga labi ng binata. Naalala niya ang mga halik niya sa kanya. Gusto niya ang mga halik na iyun. Nakagat niya ang pang-ibaba nitong labi.

Dumako ang tingin ni Lane sa katapat na cottage. May nakatanaw sa kanila. Isa sa mga barkada. Nginitian niya ito. Ng makilala siya ay kumaway ito sa kanya at nawala na. Iisa ang ibig sabihin nito. Ipapaalam kay Jean na nandito rin siya.

Naging mabilis ang kilos niya. Kailangang may masaksihan na si Jean bago pa man siya makita nito.

Tinawag niya ang binata. Ng nilingon siya ay sinamantala niya iyun. Siya na ang kusang naglapat ng kanyang mga labi sa labi ng binata. 

“Lane, what are you doing?”

“Neil, just kiss me, please…”

“Lane…”

“Kiss me.”

Naging sunud sunuran naman ang binata sa sinabi niya. Masuyo siya nitong hinalikan. Kumapit siya sa mga batok ni Neil. At kahit abala siya sa pakikipaghalikan sa binata ay nagagawa pa rin niyang mag-isip sa mga susunod na hakbang. Natigil lamang ang halik nilang iyun ng may nagpalakpakan sa kanilang likuran. Naghiyawan pa ang mga iba. Parang nakalibre sa panonood ng shooting.

Si Neil ang parang nag-alala para sa dalaga. Alam niyang pag-uusapan nila ang nakita. Alam niyang estudyante rin ito ng university na pinapasukan ni Lane. Lalo na at nakita pa niya si Jean na kasama ng mga ito. Napatayo silang dalawa. Agad na kumapit ang dalaga sa bisig ni Neil.

“Sabi na nga ba at may pagtingin ka rin sa bodyguard mo Lane,” kantiyaw ng isa.

“The more you hate, the more you love, ika nga.”

“Lane. Ipakilala mo naman ng pormal iyang boyfriend mo.”

“Okay guys si Neil, ang boyfriend ko. Yang mga nagpapantasya kay Neil, back off.”

Nagtawanan ang mga ito. Nakita niyang nagkulay suka ang mukha ni Jean. Pahiya siya ngayon. Hindi niya kasi pinipili ang binabangga niya.

Gusto niya pang makipagwentuhan sa mga ito. Pero niyaya siya ni Neil na maligo. Bago pa man sila nakalayo ay naririnig pa rin niya ang mga kantiyawan ng mga ito. Hindi man lang nakapagsalita si Jean at iyun ang ipinagbubunyi ngayon ng dalaga.

“Akala ko ba maliligo tayo. Bakit ka umupo diyan?” Namaywang ito. Hindi siya tiningnan ni Neil. Napilitang tabihan ito ni Lane.

Tiningnan niya ang binata. Para itong may malalim na iniisip.

“Neil?”

“Bakit mo ito ginawa Lane?”

“Dahil gusto ko.”

“You wanted? Iyung totoo Lane, iyung totoo. Hindi na ito laro. At isa pa ayaw ko sa ganitong uri ng katuwaan mo.”

“M-Mahal kita Neil.”

Nakita niya ang pag-awang ng mga labi nito sa kanyang narinig. Yumuko ang dalaga. Napakalaking kasinungalingan ang kanyang ginagawa. Siguro attracted siya sa kanya o dahil hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya kay Joshua. Na challenge siya sa kanyang mga narinig sa itinuring niyang kaibigan. Talagang gulung-gulo ang isip niya sa ngayon. Hindi niya alam kung ano nga ba ang totoong nararmdaman niya sa mga sandaling iyun.

“Are you sure?” seryoso pa rin ang binata habang nakatingin ito sa kanya.

Bahala na, bulong ni Lane. 

Hindi na niya kayang salubungin pa ng tingin ito. Tiyak na mabubuko siyang nagsisinungaling. Niyakap na lamang niya ang binata. Pumikit siya. Naramdaman rin nito ang pagganti ng yakap ng binata sa kanya. Lalong nadagdagan ang sundot ng kanyang kunsensiya ng inamin ni Neil na mahal siya nito. Na walang ibang babae siyang minahal kundi siya lamang.

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon