Chapter 3

8K 167 1
                                        

MY HANDSOME ASUNGOT

written by:Jinky Tomas 

“Neil, hindi ka ba nahihirapan anak. Halos hindi ka na nagpapahinga.”

“Inay, mahal ko ang trabaho ko. Alam niyong kahit bata pa ako ay gusto ko ng makatulong upang mabuwag ang mga sindikatong sumisira sa mga mamamayan.” Hinigop nito ang kapeng inabot sa kanya ng ina. 

“At mahal mo rin si Lane kaya tinanggap mo ang trabahong ito, Neil.” Tuwirang binanggit ni Aling Gina sa anak.

Tumango ang binata. Hindi habang panahon ay kaya niyang sarilinin ang kanyang tunay na nararamdaman para sa dalaga. Kahit pa sabihing bantay-salakay siya ay hindi niya iyun papansinin.

“Hindi ba tayo alangan sa kanila?”

“Noon iyun, Inay. Kung gusto niyo lang tanggapin ang inaalok ko, hindi tayo magiging alangan pa sa kanila. May malaki na tayong bahay sa bayan, Inay. Malaki na ang ipon ko sa bangko. May malawak na akong lupain, iba lang ang animal farm natin.”

“Hindi pa sa ngayon Neil. Alam mong bata pa kami ng iyong Itay ay dito na kami. Napamahal na ang pamilya Assistin sa amin anak. Malaki ang utang na loob natin sa kanila.

“Alam ko Inay. Ang sa akin lang sana ay gusto kong makaranas naman kayo ng kaginhawaan. Ayaw kong magtrabaho pa kayo ng Itay. Kayo nating mabuhay ng maayos kahit wala kayong hanapbuhay.”

“Alam ko anak. Darating din naman ang panahon para diyan. Hindi nga lang sa ngayon.”

Ngumiti ang kanyang ina. Tumingala siya sa kalangitan. Malabo na rin siguro talagang mangyari ang kanyang pangarap. Hanggang pamamasyal na lamang ang gagawin nila. Sabagay totoo namang malaki ang utang na loob nila. Kung hindi siya tinulungan ni Don Manny sa kanyang mga pangarap ay hindi rin nya maabot ang mga ito sa ngayon.

“Hindi ko kayo masisisi, Inay. Dito na kayo lumaki ni Itay. Ang sa akin lang, gusto ko naman na makaranas kayo ng konting kaginhawaan.”

“Masaya na kami ng ama mo kung anong natatamasa namin ngayon, Neil. Ikaw nga itong iniisip ko, aba’t hindi ka na bumabata. Kailan mo ba balak mag-asawa. Wala ka man lang yatang kasintahan?”

Umiling ang binata. Ngumiti ito sa ina. Totoo naman kasing hindi pa siya nagkakaroon ng seryosong kasintahan. Kumbaga ay palipasan niya lamang ito ng oras. Maraming mga babae ang lumalapit sa kanya, pero pagkakaibigan lamang ang relasyon niya sa mga ito. Maraming mga babae sa kanyang paligid. Lima na rin ang kanyang naging nobya. Hindi niya iyun makuhang ipakilala sa mga magulang dahil hindi naman siya seryoso. Una pa amn ay sinabi na rin niya sa mga nakarelasyon niya na binibigyan lang niya ng pagkakataon ang sarili kung matutunan ba niyang mahalin ang mga ito. Kahit na siguro pwedeng turuan ang puso, peronaiwan ang kanyang puso sa lugar na ito. Namamahay sa mismong mansiyon.

Tiningnan niya ang kanyang ina. Gumanti rin ito ng ngiti sa binata. Hindi na niya kailangang magsalita. Batid naman ng ina ang lahat. Kung sino talaga ang pangarap niya at gustong makasama. Si Lane lang.

But she is sttill nineteen. Bata pa para ligawan niya. At isa pa ay ayaw niyang sirain ang pangako niya sa ama nito. Na kung talagang gusto niyang makamit ang pag-ibig ng dalaga ay hayaan niya munang mahinog ng husto ang kanyang anak.

Bago pa man niya sinimulan ang trabaho nito ay inamin na niya sa ginoo ang tunay na nararamdaman nito para sa kanyangn anak. Ayaw niyang salakayin ang kanyang binabantayan. Mabuti na lamang atn hindi tumutol ang ama ni Lane. Malaki ang tiwala nito sa kanya. Malaki ang paniniwalang aalagaan nito ang kanyang anak.

Balak tuksuhin ni Gina ang anak ng makitang papalapit si Lane. Tinatanguan siya nito. Alam niyang may kailangan ang dalaga sa kanya. Nagtatakang sinundan ni Neil kung saan patungo ang ina. Bigla na lamang ito tumayo. Hindi pa niya nagawang magpaalam kung saan ito pupunta.

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon