MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
“Sorry, Jean. You don’t need to give me gifts always.”
At nakangiti ang dalaga na humawak sa braso ng binata. Naiwang natigilan si Jean sa kanyang nakita. Labis talaga ang kanyang pagtataka sa ikinikilos ng kaibigan. Alam niyang galit ito kay Neil, pero sa nakikita niya ngayon ay magkasundong magkasundo sila.
Sigaw ng sigaw si Lane habang nanonood ito at sinasadya pa niyang yakap yakapin si Neil kapag napapansin niyang nakamasid sa kanila sina Pia at Jean. Ngumingiti lamang siya kapag nahuhuli nitong nagbubulungan ang dalawa. Halos hindi na yata makahinga si Neil sa higpit ng yakap ni Lane sa kanya ng manalo ang manok nito sa laban.
Nagtagumpay si Lane sa mga sandaling iyun. Pati si Joshua, kitang kita niyang nakatingin iton sa kanya. ang gagong lalakeng iyun at kasama pa niya ang nababalitang kasintahan niya. Pero wala na siyang magagwa pa. Ang sa kanya na lamang ngayon ay pagbayarin ang mga salarin at tapos na ang lahat.
Hindi pa rin dalawin ng antok si Neil. Paulit ulit na bumabalik sa kanyang isip ang mga naganap kanina. Maganda ang pakikitungo sa kanya ni Lane maghapon. Tuwing napapayakap sa kanya ang dalaga ay gusto rin niyang tugunin ito pero pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang samantalahina ng pagkakataon.
At si Lane sa mga sandaling iyun, naguguluhan ang dalaga. Bakit biglang naging gusto niyang palaging kasama si Neil. Masaya siya kapag nagkukwentuhan silang dalawa. Baka naman umiibig na siya dito?
Hindi, suway ng dalaga sa sarili. Plano lamang niya ang lahat. Kailangan lang niya kasing pagtagumpayan ito kaya kailangan din niyang mapaniwala ang sarili na may pagtingin siya sa binata, pero sinisiguro niyang wala. Galit siya kay Neil. Galit na galit.
“Karisa, nagpaliwanag na ako sa iyo, hindi ba? Dadalawin kita sa Sabado.” Naririnig ni Lane si Neil. May kausap ito sa selpon nito. Maaaring nobya niya ang babae.
Pilya ang mga ngiti ng dalagang lumapit sa kinaroroonan ni Neil. Sa mismong harap pa siya ng binata tumayo. Nagulat si Neil sa kanyang pagsulpot. Tumalikod ito sa kanya. Naglakad lakad, pero patuloy lamang siyang sinunsundan ni Lane. Sinenyasan na siya nit na lumayo, pero hindi iyun pinakinggan ni Lane. Type niya lang talagang asarin ang binata.
“Alam mo namang birthday ngayon ni Daddy. Ano na lamang ang sasabihin niya if you’re not here?” galit na ang tono ni Karisa.
“Karisa, please…ayaw kong pag-awayan ang bagay na ito. Kapag dadalaw ako, hihingi ako ng paumanhin. Hindi lang talaga pwede ngayon.”
“Baka naman may ibang babae kang pinagkakaabalahan kaya ka hindi makapunta!”lalong liumakas ang boses ni Karisa.
Hindi na muling nagsalita si Neil. Pinatay nito ang kanyang mobile at inilagay iyun sa bulsa. Wala pa yatang limang segundo ay nag ring ulit ito. Hindi iyun pinansin ni Neil. Kaya si Lane na lamang ang kumuha ng selpon nito. Siya ang sasagot.
“Lane don’t answer her.” Alam ni Neil na lalong uusok sa galit si Karisa. Kaya lately ay nawawala na ang gana niya para dito. Kailangang lahat ng kilos niya ay manduhan siya. ayaw niyang may masabi ang Daddy niya sa kanya. Matagal na siyang nasasakal siya sa sitwasyon.
Pero bingi si Lane sa mga sandaling iyun. Mabilis siyang nag hello.
“Hey! Don’t shout at me. You don’t deserve Neil! Ang sama ng ugali mo!”
“And who the hell are you!”
“It’s Lane. Girlfriend niya.”
“Liar! Give his phone I want to talk to him!”
“No! he is in the shower room. Nandito kasi kaming dalawa sa kuwarto ko. Stop calling him dahil akin na siya!”
“Bitch!”
“You are more bitch!”
Pinatay na ni Lane ang selpon ng binata at tawa ito ng tawa. Tinanong siya ni Neil kung bakit niya sinabi ang mga iyun. Pero hindi niya napansing galit ang binata. Marahil nagsasawa na rin sa ugali ng kanyang naging girlfriend. Ngumiti lamang siya kay Neil. Huwag daw siyang magalit sa kanya. At isa pa sinabi nitong hindi nababagay ang babaeng iyun sa kanya.
Wala sa sariling hinawakan ni Lane ang kamay ni Neil.
“Huwag mo ng isipin ang nangyari. Alam mo iangkas mo ako sa motorsiklo ni Papa. Pasyal tayo sa parke.”
Kinamot na lamang ni Neil ang kanyang batok. Kahit pala maldita si Lane ay may naitutulong din siya sa kanya paminsan minsan. Gusto na rin talaga niyang hiwalayan si Karisa. Masyado itong demanding. Gusto niya palaging may pogi points siya sa kanyang ama. Atleast ngayon kahit papaano ay hindi na siya mahihirapang wakasan ang relasyon nila. Siya nga lamang ang lumalabas na nagkasala. Hindi bale kung si Lane ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya ay walang problema iyun sa kanya.
“Anong gagawin natin dito?” nagtataka si Neil. Sinabi ng dalaga na sa beach resort sila mag stay for three days. Hindi naman siya pwedeng humindi. Natatakot siya sa anumang mangyari dito.
“Rest and have fun. Nakakapagod din ang school.”
Two points. Narinig lang naman niya sa mga ibang barkada ni Jean na pupunta sila sa resort na ito. Masyadong mabagal ang bet ng kaibigan kaya siya na ang gagawa ng unang hakbang. Tingnan lang niya kung hindi lumaki ang mga butas ng ilong nito sa inggit kapag madatnan niya sila ni Neil at ipapangakong bago sila bumalik ng bahay, Neil is hers. Hindi siya patatalo sa mga traydor.
Kumuha sila ng cottage. Iisa man pero dalawa naman ang kuwarto. Kahit magkasama sa iisang bubong ay may privacy pa rin sila. And she knows Neil, hindi siya mapagsamantala kaya kampante siya itong makasama.
Inayos na muna nila ang mga dala nilang pagkain at mga gagamitin. Sumilip siya sa bintana. Alam niyang sasakyan iyun nina Jean. Sila na ang dumating.
The play begins.
Mabilis siyang nagpalit. Nagsuot siya ng one piece bikini. Halos lumuwa na yata ang mga mata ng binata ng makita siya sa ganoong ayos. Kumuha siya ng scarf. Ayaw naman niyang pagpiyestahan ang kanyang katawan.
Sabagay, siya rin naman. Parang ayaw niyang alisin ang mga titig nito sa katawan ni Neil. Naka swimming trunks din kasi ito at bakat na bakat na sando ang kanyang suot. Guwapo rin naman talaga si Neil. Matangkad at bagamat moreno ang kanyang kulay ay bumagay naman ito sa kanyang pangangatawan.
Bago sila lumabas ay sinundan muna niya kung saang cottage ang okupado nina Jean. Doon sila mismo tatapat ni Neil. Kilala siya ng mga barkada nito. Hindi man mismong si Jean ang unang makakakita sa kanya ay tiyak niyang makakarating agad ito sa kanya.

BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomantizmItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...