Chapter 11

5.4K 133 2
                                    

MY HANDSOME ASUNGOT

written by: Jinky Tomas

Nakatalikod ang sinasabi ng ama na si Lester. Hinagod ng dalaga ang likod nito. Biglang pumasok sa isipan niya si Neil. Mas payat lamang ng kaunti ang lalakeng ito kaysa sa binatang iniibig niya. Sa tantiya niya ay pareho sila ng height. Nakapamulsa ito.

Tumikhim ang dalaga. Lumingon si Lester sa kanya.

Bagamat nagulat ang dalaga ay hindi niya ito ipinahalata sa binata. Mas mukha kasi itong ramp model at hindi kagaya ng inaplayan niyang trabaho sa kanya. Napaka guwapo nito. Kung tutuusin ay mas guwapo ito kaysa kay Neil. Pero wala ang dating ng binata sa kanya. Mas gusto pa rin niya ang kakisigan ni Neil. Habang tumatagal na tinititigan ay lalo itong naging mapang-akit sa paningin. At ang lalakeng kaharap njya ngayon ay wala pa yatang isang minutong pagmasdan ay nakakasuya na. Parang buhay na maniquin.

Napansin niya agad ang malaki nilang kaibahan ni Neil. Si Neil kasi kahit seryoso ang mukha niya ay nakangiti pa rin ang mga mata. Samantalang itong si Lester pati mga mata ay nakasimangot. Sayang lang ang kaguwapuhang taglay nito dahil hindi man lang yata marunong ngumiti.

“Lester, right?”

Tumango ang kausap ay hindi man lang siya ngumiti. Nadismaya agad ang dalaga. Hindi man lang yata ito marunong sumagot. Pero ang nakakaasiwa lamang ay hindi naaalis ang tingin sa kanya.

Naglakad siya upang iparating sa binata na gusto na niyang umalis sila. Binuksan nito ang driver’s seat. Pero tumanggi ang dalaga. Mas pinili niyang sa backseat maupo. Baka mas mapapanis ang kanyang laway. At isa pa kay Neil lamang siya tumatabi sa harapan. Si Neil na naman. 

‘Hanggang kailan ba kita makakalimutan, Neil?’

“Lester, stop the car.” Biglang utos niya sa binata. Nilingon siya nito.

“Bakit Ma’am Lane?”

Hay salamat may salita ring lumabas sa kanyang bibig. Maganda naman pala ang boses at baritono pa.

“I forgot something. Balik muna tayo sa bahay.”

Napasinghap ang dalaga. For the first time ay nakalimutan niya ang kanyang relo. Hindi niya ugaling tanggalin iyun kahit na naliligo siya o natutulog. Kahit sandali ay ayaw niyang malayo dito. Napilitan lamang siyang hubarin ito dahil sumabit ito sa kanyang buhok habang nag-aayos siya. Hindi na niya agad ito naisuot dahil sa pagmamadali. 

Halos takbuhin ng dalaga ang kanyang kuwarto. Parang takot na may ibang makahawak ang bagay na iniingatan niya ng lubos.

Hindi naman mapigilan ni Lester ang matawa sa kanyag boss. Napakaganda talaga niya. Pero biglang nagdilim ang anyo ng binata ng may sumagi ito sa kanyang isipan. Walang silbi ang kagandahan ng isang babae dahil nagtatago doon ang pagiging demonyo. Nagmahal na siya noon, napakagandang babae rin. Halos sinamba sa pagmamahal ang dalaga. Pero ibayong sakit ng kalooban ang iginanti niya dito. Kaya kahit pa siguro si Lane ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi niya ito hahangaan. Hindi na maloloko pa ang isang Lester Rosqueta. 

Mabilis ding nagbalik ang dalaga at wala sasariling doon na umupo sa tabi ni Lester. Bago pa man niya napagtanto ay umusad na ang sasakyan. Kung ipapatigil niya at saka muling babalikm sa dating upuan ay magiging insulto ang dating sa binata.

Napangiti ang dalaga. Itinaas pa niya ang kanyang long sleeve at saka niya hinaplos ang naiwang alahas. Napadako naman ang tingin doon ni Lester. Nakita ng dalaga ang labis na pagtataka nito ng makita ang bagay na nasa bisig niya.

“Something wrong, Lester?”

Ito pa ang isang pag-uugaling ipinagmamalaki niya. Kahit na sinong tao ang kanyang kaharap ay hindi siya natitinag. Iisang tao lang siguro tiyak ang pagbabaan niya ng tingin o hindi makakasalubong ng tingin. Pero siya man ay wala na rin.

“W-Wala Ma’am.” Pero hindi pa rin nawawala ang tingin nito sa bisig ng dalaga. Habang abala sa pagmamaneho ang binata ay nagagawang sulyapan pa rin ang suot ng dalaga.

Bahagyang binuksan ni Lane ang katapat na bintana. Inayos niya muna ang kanyang seatbelt bago ibinaling ang tingin sa labas. Malapit na sila sa opisina ng nag ring ang kanyang telepono.

“Yes? J-Joshua? Oo. Pwede ba after work na lang? Uhm, sure! Bye!”

Maikli lamang ang pag-uusap na iyun. Sapat na para muling magdilim ang mukha ni Lester.

“Lester? Pagkatapos ng office hours, pwede kang umuwi kung sunduin ako ni Joshua.”

“Ma’am Lane, kabilin bilinan po kasi ni Sir Manny na kung nasaan kayo ay dapat na nakamsid ako.” Pinilit nitong magseryoso. Hindi siya tumingin sa dalaga. Nakatutok lamang ang mata sa daan.

“Ako na lang ang bahalang magsabi kay Papa. Unang araw mo pa lang mapupuyat ka na. At isa pa kilala ni Papa ang kasama ko. Hindi iyun mag-aalala. Safe ako kay Joshua.”

“Bahala po kayo.”

Pakiramdam ng dalaga ay biglang bumilis ang pagpapatakbo ni Lester sa sasakyan. Hindi niya alam kung nagalit ba ito dahil may nasabi siyang hindi niya nagustuhan. O talaga lamang nagmamadali upang hindi siya mahuli sa opisina. Naantala kasi ang mga ito dahil sa relo niya.

Tiningnan na lamang niya ang binata. Seryoso pa rin ang mga mata nito. Parang isang opisyan ng sundalo kung makatingin. Naisip niya kung ganito pa rin siya kapag kasama ang kasintahan nito o asawa kaya? Ayaw niyang alamin ang mga personal nitong buhay. Sapat na sa kanya na maayos ang kanyang trabaho. Hindi niya pakikialaman kahit pa maraming itong babae o kabit.

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon