MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
Malakas ang tawanan ang pumuno sa loob ng classroom. Ibinida ni lane kung paano niya naalis ang kanyang bodyguard.
Nag-aaral siya sa isang sikat na unibersidad. Karamihan ay galing sa mga mayayamang angkan ang mga nagsisipag-aral dito. May mga kabilang din sa middle class at mga ordinaryong mamamayan. Mga kabataang salat man sa yaman pero mayaman sa karunungan. Sila ang mga scholar ng bansa.
Kabilang siya sa mga tinitingalang estudyante. Sikat siya sa university. Siya agad ang panalo kung magkaroon ng popularity contest. She is Lane Marie Assistin. Mayaman, sopistikada at malayang gawin kahit na anong gusto niya. Higit sa lahat mayaman na maganda pa at hindi rin siya pahuhuli sa klase. Hindi katulad ng mga iba niyang classmates na full in beauty but brain is empthy.
Kaya ang mga insecure sa kanya, puro pamimintas ang ginagawa sa kanya. Palibhasa hindi siya matalbugan kaya aloof ang karamihan sa kanya. Pero care ba niya? Ang mahalaga nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto sa ngayon. For five months ay malayang malaya siya. Nakakabuwisit ang may nakikitang araw-araw na nakasunod kahit bibili lang ice cream. Ang sarap ilublob ang mukha sa putik.
“Hay naku Lane, alam kong hindi titigil ang ama mo para bigyan ka ulit!” kantiyaw ng isa nilang kaklase.
Umingos lamang ang dalaga. Tingnan lang niya kung hindi mapagod ang ama sa palaging paghahanap ng asungot niya. She gave a dolphin smile. Magpapasikat pa sana siya sa klase ng matanawan nila ang papalapit nilang Word Power professor.
“Asungot na naman Papa?” nakasimangot si Lane.
Ang bilis namang magdilang-anghel ang kantiyaw ni Jovenal kanina. Wala pang biente-kuwatro oras ay nandito na ang mensahe. Talaga yatang sinusubukan siyanng kanyang ama. Sabagay hindi siya mauubusan ng tricks to get rid of all those men na gustong panghimasukan ang bawat galaw niya. Pagsisisihan nilang tanggapin ang trabahong siya ang babantayan.
Tumango ang kanyang Papa. Galing siya sa school and now the good news ay may inaalok ang kanyang ama na magiging personal guard niya. Tumanggi na daw ito pero alam niyang papayag din sa huli. Well, nagkamali ang kanyang Papa. Titiyakin niyang mismong sa gabing ito ay tuluyan ng maglalaho ang anino ng lalakeng iyun. Having a stubborn head sometimes is a plus.
Tumawa ang don ng makipagpustahan pa ang dalaga sa kanya. Sinabi ni Lane na isang milyon ang pusta niya, and her bet is matatakot ang sinumang damuhong lalakeng iyun sa kanya. Sinabi pa ng ama na ihanda na daw niya ang isang milyon niya dahil sa larong ito, siya ang talo.
Kumandong ang dalaga sa kanyang ama. She gave a damn smile. Umikot-ikot ang kanyang eyeballs. Napatalsik niya ang mga anim ng naging guwardiya noong high school siya, idagdag pa ang hindi na yata mabilang sa daliri sa kamay at paa noong nasa unang antas pa lamang siya ng kolehiyo na siya. Ngayon pa kayang graduating na siya sa college? Muling naglaro ang malditang ngiti sa kanyang labi.
“I see that, hija. Kung mapapayag ko tonight ang sinasabi ko, magtatagal siya.” Kampante ang kanyang ama.
“Tingnan ko lang Papa. Baka nga wala pang isang linggo ay hindi na rin magrerepoprt sa iyo.”
“Well, I don’t think so, Lane. Just give me the million, hija.”
“I’ll win.”
“Nope! Mamayang dinner makikilala mo siya?”
“What? Who is that damn guy para kasalo pa sa hapunan? Amazing, huh!” lumabi si Lane.
“Just meet him tonight. Sige na magpahinga ka na sa kuwarto mo at kakausapin ko si Gina kung anong mga ihahanda ngayong gabi.”
“Hindi pa man nagbigay ng oo ay spoiled na yata sa inyo. Pati pagkain kailangan pang maasikaso ng husto.”
“Of course, this is a bienvenida party for him. Tonight is a momentous night.”
Pasipol sipol pa ang ama bago siya iniwan. Gusto pa niyang maglambing sa ama. Iniwan na lamang siya basta in favor of that stupid asungot! Hindi pa man nag-uumpisa ay gusto na siya agad agawan ng panahon sa kanyang ama. Ang kapal talaga ng mukha!
Pakiramdam ni Lane ay lalong naningkit ang kanyang mga mata. Wow naman at may nalalaman pa ang papa niya kung anong ihahanda mamaya. Sino ba ang tinutukoy niyang maglalakas loob na maging asungot sa napakaikling sandali. Hmpt! Sana nga hindi pumayag. Tiyak niyang kakantiyawan na naman siya sa university.
Sa mga nakaraang buwan ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pagtawanan ang mga nakikita niyang may guwardiya. Tama na sana na nasa labas sila ng paaralan. Pero kahit sa loob ng campuus ay nakatambay ang mga ito. Para silang mga paslit na nagsisipag-aral at nasa guardian’s house ang mga yaya nila.
Halos iisa ang dahilan ng mga magulang bakit pinapabantay ang kanilang mga anak. natatakot ang mga itong may masamang mangyari, lalo na kapag makidnap ang mga ito. Hindi ba nila naisip na mas lalong nagiging halata may kaya sila sa buhay kung may mga sarili silang tagabantay?
Ayaw niya yatang makatanggap ng kantiyaw sa loob ng klase. She never learn to accept failure. Kahit na anong mangyari ay kailangang puro siya ang bida.
Tatlong silang matalik na magkakaibigan. May kanya kanya din namang guwardiya sina Pia at Jean, pero pinapabayaan kung anong gusto nilang gawin. Samantalang siya kahit pupunta para sa party kasama ang mga kaibigan ay may chaperone siya. Napaka-protective sa kanya ang Papa niya. Nagmumukha tuloy siyang lampa. Kaya naman niyang alagaan ang kanyang sarili.
At lalong pang ipinagpuputok ng butse niya ay ayaw ng kanyang Papa sa boyfriend niya. Sabi ng kanyang ama ay masyadong bata ito for her. Magkaedad kasi sila. Ang ipinapaunawa sa kanya ay mas magandang magmahal siya ng mas mature sa kanya. At sinong papatulan niya? Ang kanilang Math teacher na natatakpan ang pisara kapag nagtuturo? O ang Science professor nila na ang paboritong topic ay ang galaxy kahit hindi naman sakop ng kanyang lesson plan?
Pabagsak siyang naupo sa kama. Pati ang kanyang school bag ay ibinato niya sa sahig dahil sa hindi maalis-alis na inis. Tumunog ang kanyang telepono.
“Pass na muna ako, Pia. Hindi ako lalabas ngayong gabi.”
“What! Girl, alam mo namang may bonfire party tayo, mamayang alas-otso na iyun. susunduin ka namin.”
Dismayado si Pia. Sinabi niya kasing hindi siya makakadalo dahil makikilala niya ang kinausap ng ama para maging bago niyang asungot. Tutol man siya pero mas maganda na ito. Kailangan niyang kilatisin kung sino ang lalakeng iyun. Kung sakaling papayag siya ay sisiguraduhin niyang alamin ang kahinaan nito. Tingnan lang niya kung hindi ito aatras sa kanya.
“Kailangang dito ako kakain ng dinner sa bahay. Makikilala ko daw ngayon ang bago kong kabalyero.” Sa kabila ng kanyang pangingitngit ay nagawa pa rin niyang magbiro.
Tulad ng inaasahan ay tumawa si Pia. Inaasahan na niya iyun. Ganito naman sila palagi sa kanya. Mga kaibigan niya sila, pero sila ang unang-unang tatawa sa kanya. Kung kaharap lamang niya ang kaibigang ito ay kanina pa niya kinalbo.
“Sige pagtawanan mo ako. I assure you na mapaplayas ko rin ang lalakeng ito.”
“Ows? Kaya pa kaya ng powers mo, Lane? Baka naubusan ka na ng kapilyahan?"
“Wanna bet?”
“Ok fine. Alam ko namang kayang kaya mong pmapalayas kung sino mang anak ni Adan iyan.”
“Of course! Same as the old time, girl!” At nagtawanan muna ang mga ito bago ibinaba ang telepono.
Ngumiti ang dalaga. Siya pa? Kayang kaya naman kahit na sinong gustuhin niyang apihin o pagtawanan. Hindi naman siya masama kung tutuusin. Galit lamang siya sa mga taong hindi kayang protektahan ang sarili o ipaglaban ang karapatan. Kaya tuloy bratenila ang tawag sa kanya dahil sa mga ginagawa niyang kamalditahaan sa loob at labas ng campus. Ilang ulit na siyang napatawag sa office. Maraming beses na rin siyang nagpahinga sa detention cell ng university. Kung hindi lang siguro malaking kawalan ng kanyang Alma Mater ang mga milyong tulong ng kanyang Papa ay matagal na siyang napatalsik sa eskuwelahan.
Napagod na rin siguro ang kanyang ama kaya naman ipinagpilitan nitong kailangan niyang magkaroon ng bodyguard. Umingos lamang siya. Pakiramdam niya ay bilanggo siya sa labas. Malaya nga pero may limitasyon ang bawat galaw. Dapat nga prefect of discipline ang kailangang hanapin ng ama at hindi asungot.
Panandalian niyang nakalimutan ang pinag-usapang hapunan. Hindi pa man siya nakapagpapalit ng kanyang pambahay ay humiga na ito. Hindi na rin niya namalayang nakatulog ito.
“Hijo, hindi na ba magbabago ang desisyon mo?” nasa harapan na sila ng pagkain.
Wala pa ang kanyang anak. Hindi pa ito bumababa. Sinabi ng katulong na nakatulog daw ito. Inutos niyang gisingin sandali para makakain.
“Pinag-iisipan ko po, Tito.”
Tulad ng sinabi ng kanyang Itay. Hindi niya yata kayang mapariwara ang buhay nito. At kung mag-umpisa na itong magtrabaho sa kanilang kompanya ay tiyak niyang manganganib din ang buhay nito. Maganda na ay mayaman pa. Hindi ito palalampasin ng mga masasamang-loob.
Kanina pa siya nakakaramdam ng hindi niya maipaliwanag. Pakiramdam niya ay matataranta siya kapag muli silang magkaharap ng dalaga pagkatapos ng mahabang panahon. Kahit katabi niya ang kanyang mga magulang na sumabay din sa mesa ay hindi iyun nakabawas sa kaba niya.
Kilabot ang tawag sa kanya ng mga kasamahan dahil walang inuurungang laban. Samantalang isang babae lang ay nanghihina nan yata ang kanyang tuhod. Matikas siya sa tindig, pero pagdating kay Lane ay parang gusto niyang himatayin. Excited din naman siya kung tutuusin. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag makita na siya? Siya, na dating tinatawag na bamboo stick ng dalaga ay isa na ngayong matipuno at matikas na lalake. Aba kahit yata si Phocus na Greek god na kilala dahil sa katikasan nito ay mapapahiya sa kanyang broad shoulders and abs.
“Sir, pababa na si Senyorita.” Balita ni Miding sa ginoo.
“Salamat naman at nagugutom na ako.” Biro nito sa tatlo.
Habang umuusad ang oras ay nagiging excited na si Neil. Wala na ang nararmdaman niyang kaba kanina. Nababalot na siya ng labis na pagkasabik na makita ito. Saglit siyang nagpaalam. Gusto niyang sipatin muli ang mukha at ayos. Ayaw din naman niyang mapahiya dito kung sakali.
Nakaukit sa mga labi ng dalaga ang ngiti ng bumaba ito. Agad niyang tinungo ang malaking dining room. Hindi na siya nagulat noong nakita niya ang mag-asawa. Dati naman nilang kasalo ang mga ito kahit noong nabubuhay pa ang kanyang Mama. Para silang iisang pamilya.
Humalik siya sa pisngi ng ama. at nilapitan ang mag-asawa at nagmano siya sa mga ito. Ito ang pinakahuling sikreto ng dalaga. Kahit pa anak siya ng isa sa pinakamayaman ng banmsa ay marunong naman siyang gumalang. Maldita lamang naman siya sa iba. At sa tingin ng ama ay brat din siya. But he still loves her so much.
Wala namang estrangherong lalake sa mesa. Baka naman talagang panalo siya sa pustahan. Hindi pa man siya nakikilala ay nabahag na ang buntot at tumakbo na para umuwi. Umuwi at nagtago sa ilalim ng palda ng may palda. Para tuloy gustong humagikhik ang dalaga sa kanyang naisip.
“Wala pa yata si next asungot?”
Napansin niyang nagakatinginan ang tatlo. Parang nag-usap ang mga mata ng mga ito. Binalingan niya ang ama. Napansin din niyang biglang paglikot ng mga mata ng mag-asawang kaharap. Parang hindi sila mapakali sa kanilang kinauupuan. Isang batalyon ba ng unggoy ang sinasabi ng ama at mas mukha pa yatang tense ang mga ito kaysa sa kanya.
“Nasaan yung sinasabi mo sa akin, Papa?” tumaas ang isang kilay ng dalaga.
Gusto niyang ngayon pa lamang ay makita na niyang mahihirapan siya kapag siya ang makakasama sa bawat sandali ng kanyang buhay. Ang mga iba ngang nagtangkang lumigaw sa kanya noon, isang tigreng titig lang ay nanginginig na at hindi na muling dadalaw pa. She will blackmail this man.
Sa bagay na ito niya napatunayang mahal siya ni Joshua. Aba hindi lang yata basta basta ang naging panliligaw nito sa kanya. Dumaan ito sa napakaliit na butas ng karayom para lamang mapasagot siya. But Joshua still very determine na manligaw sa kanya. Kahit na anong mga masasakit na salitang binitawan niya dito ay hindi man lang niya napasuko ang binata. Kaya naman mahal na mahal niya ang kanyang kasintahan.
“Pumunta sandali sa banyo, Lane.” At sinulyapan nito ang dalawang matamang nakatingin lamang sa dalaga.
“Nice! Feel at home.” May halong insulto iyun. Totoo naman. Kabago bago niya ay agad na naglakas loob na pasukin ang maganda nilang comfort room.
Ilang sandali rin ang itinatagal ng paghihintay. May naririnig na siyang yabag na papalapit. Hindi niya iyun pinansin. Baka sabihin nitong excited siya na nandito siya ngayon. Naamoy din niya ang estrangherong pabango pero hindi iyun nakadagdag sa dalaga para sulyapan din niya ang paparating. Samantalang ang tatlong kasama niya sa mesa ay nakangiti pa ang mga ito habang hinihintay ang paglapit ng lalake.
“Andito na pala siya, Lane.” Tinig iyun ni Mang Marlon.
Tumaas lamang ang kilay nito. Tumango at bahagyang ngumiti sa ginoo. Ipinagpatuloy ang pagsubo sa pagkain. Pagkababa niya kasi ay agad ng naglagay ng pagkain sa plato. Nagugutom na rin kasi siya. Hindi kumain ng breakfast at lunch, dahil alam niyang tsibugan pagsapit ng gabi sa bonfire party nilang magkakaibigan. At dahil nga nanghimasok ang isang hudyo ay kailangan niyang dito sa bahay nila kumain.
Alam niyang nakatayo ito malapit sa kaya. Tumikhim ang bagong dating.
Kulang sa pansin!
“Take your seat, Neil.”
“Thank you, Tito.”
Napatanga ang dalaga. Tama nga ba ang kanyang narinig. Neil? At tinawag na Tito ang kanyang Papa? Maraming siyang kilalang Neil ang pangalan, but they never call her papa na Tito. Iisa lamang ang kilala niyang Neil na maaaring tumawag ng ganoon sa kanyang ama.
Biglang binundol ng malakas na kabog ang dibdib ng dalaga. Hindi niya alam ang unang gagawin sa pagkakataong ito. Itutuloy ba niya ang pagsubo sa pagkain o titingalain muna ang bagong dating?
‘Oh, my God! Is he Neil Daquigan? How could it be?’ Dahan dahan ang ginawang pag-angat niya ng mukha.
“Good evening Lane Marie. How are you?”
And he even completed her name. Pakiramdam ng dalaga ay may bahagi ng kanyang pagkatao ang magtatalon sa tuwa. She knows by this time…he is…
Natigilan ang dalaga ng tumingin siya sa gawi nito. Nakangiti ang binata at kitang kita ang mukha nito dahil magkatapat pa sila ng upuan. She don’t really know what to say. Halos hindi niya ito nakilala. Ang dating payatot ay malaki na ang ipinagbago. Ang bamboo stick ay naging isa ng molave tree. Nilingon niya ang ama. Wala siyang mahagip na salita.
“Hija, hindi mo ba siya matandaan? Si Neil, anak nina Marlon at Gina.”
“Ah..y-yes! I remember him, Papa.”
“Siya sana ang gusto kong magbabantay sa iyo, anak. Kung anong magiging desisyon niya.”
Tumingin siya sa gawi ng binata. Ngumiti ito sa kanya. Bahagya niyang inirapan at muling hinarap ang ama para sa mas mainit na pagtatalo.
“Papa, hindi mo naman siya kailangang kumbinsehin. I’m sure, hindi papayag si Neil.”
“Lane, you need someone like him.”
“Ayaw ko. Papa, look hindi ba mas naging smooth ang takbo na buhay ko kapag wala akong asungot.”
“Kaya ba mas madalas na akong ipatawag ng dean ng unibersidad?”
“Hija, bago tayo magtalo bakit hindi nalang siya tanungin?” at kapwa tumingin ang dalawa sa gawi ng binata. Nakita niya sa mukha ni Lane naparang nagsusumamo ito. Her eyes is telling and pleasing him to say no.
“Yes, Tito.”
Pati ang binata ay nagulat din sa kanyang mabilis na pagtugon sa ginoo. Kaninang nakita niya ang dalaga ay ayaw na niyang pag-isipan ang inaalok sa kanya. Ang gusto lamang niya ay palaging kasama ang dalaga. To protect her…and to love her at the same time.
At sinalubong niya ang mga tingin ni Lane. Parang nagbabaga ang mga titig nito sa kanya. Pero hindi siya natatakot dito tulad noon na isang irap lang ni Lane ay tiklop na siya agad. Panahon na rin para siya ang manalo sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya papairalin ang katigasan ng ulo niya sa kanya.
Kitang-kita niya ang labis na katuwaan sa mukha ng don. Samantalang kung nakakatunaw lamang ang mga galit na titig ng dalaga sa kanya ay kanina pa siya natunaw kasama na ang kanyang mga suot na damit.
Biglang tumayo ang dalaga. Tapos na siyang kumain. Mabuti na lamang at nauna na siya, kung nagkataon ay mararanasan niyang mag abstinence. Damuho kasing lalakeng iyun, bigla na lamang sumulpot pagkatapos ng mahabang panahon.
Well, malaki rin naman ang ipinagbagong napansin niya. Halos hindi talaga niya ito nakilala. Hindi na siya dating payatot, tulad noong bata pa siya. Hindi pumuti o umitim, taglay pa rin niya ang pagiging moreno niya na lalong nagpadagdag sa karisma nito. He is a man now.
Ngumiti ang dalaga, ngunit bigla itong sumimangot. Kanina inis na inis lang siya dito ngayon naman siya ang laman ng kanyang isip. Siyempre pa ipinagtanngol niya ang kanyang sarili. Napakatagal din naman kasi ang panahong hindi sila nagkasama kung tutuusin kaya naman natural lang na pagtiyagaan niya itong isipin.
Naririnig pa niya ang mga tanawan. Naragdagan tuloy ang kanyang inis para sa binata. Paano naman niya maoobserbahan ito ng maayos kung sa mga titig pa lang ni Neil ay hindi na niya ito matagalan.
Pero hindi maari, protesta ng kanyang isip. Mapapahiya lamang siya sa mga kaibigan kapag magtagal itong si Neil. Gusto pa niya yata kasi niyang maging record breaker.
Nilalaro niya ang mga bulaklak ng may nagsalita sa kanyang tagiliran.
“Kumusta ka na, Lane?”
Matalim ang mga titig niyang hinarap ang binata.
“I gave you a sign para hindi mo tanggapin ang alok ni Papa! Bakit kaba pumayag na maging bodyguard ko?”
“You need me.”
“Of course not! I don’t need you o kahit na sinong magmamanman sa lahat ng kilos ko. Hindi ako VIP para magkaroon ng buntot!” hindi na naitago ni Lane ang pagkainis. Ang kapal ng mukhang sabihin niyang kailangan niya ito.
“You never change Lane, kung anong gusto mo, iyun pa rin ang batas para sa sarili mo.”
“You never change, too. Isa ka pa ring bwisit sa buhay ko!”
Nilapitan ng binata si Lane. Medyo napaatras naman ang dalaga dahil sa kanyang huling sinabi. Napakalaking bulto ng katawan ang nasa harapan nioya ngayon. Kung sasaktan siya nito ay wala siyang laban.
“You better shut up your mouth, lady. Baka ang sinasabi mong bwisit ang mahahalin mo in the end…”
“Ang kapal ng mukha mo. Hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo! Bwisit talaga ang buhay na ito, oo.”
“Ulitin mo pa ang magic word mong iyan at makakatikim ka na sa akin.”
“Ng ano? Suntok mo, ganun? Are you gay para patulan ang babaeng tulad ko?”
“Of course not my dear! If you say those word again, I will…kiss you and see you in bed.”
“Bastos! Manyakis! Bwi…”
Pero hindi na itinuloy ng dalaga ang mga salitang iyun. Paano nga ba kung hindi ito nagbibiro at totohaning hahalikan siya? Galit na lamang niyang tinitigan ang binata. Ngumiti naman ito sa kanya. At lalong pang lumapit sa kinatatayuan ng dalaga. Pakiramdam ni Lane ay biglang tumigil ang mundo niya. Paiwas siyang tumingin kay Neil at nagdabog ito.
At pasipol sipol ang binatang tumalikod. Bigla namang namula ang dalaga sa kanyang narinig mula dito. Hindi naman niya magawang sungitan ito ulit.
Mamahalin daw in the end. Huh! Hindi na, oy!
Sa hindi kalayauan ay napapangiti ang matandang don habang nakatanaw sa dalawa. Alam niyang sa pamamagitan ni Neil ay nakahanap na rin ng katapat ang kanyang anak. hindi habang buhay ay masubaybayan niya si lane. Jkasilangan nitong matuto sa reyalidad ng buhay. At higit sa ano pa man, kailangan niya ng lalakeng magiging sandigan niya sa mga haharapin pa niya sa buhay. Neil is the right catch for her0.
Nagdadabog pa rin siya sa pag-akyat. Makikita ng Neil na iyun at pagsisishan niya ang pagtanggap sa alok ng kanyang ama. sisiguraduhin niyang pagsisishan niya ang bawat araw na nakasunod siya dito.
Kanina pa lumilinga ang dalaga sa paligid. Kapag ganitong oras ay dapat nandito na si mang dado para ihatid siya at angkanayng asungot. At saka lamang niya ulit ito makikita kapag uwian na. Part time ng matanda na ihatid sundo siya sa kanyang pinapasukang paaralan. Isa itong sastre at kailangang may karagdagang kita upang m,abuhay ang anim na anak.
“Papa, bakit wala pa si Mang Dado?”
“Binigyan ko siya ng mas magandang trabaho, hija. Tatlo na ang anak niya sa koloehiyo. Hindi niya kakayanin kapag driving lang ang part time niya.”
“At sinong magmamaneho?” tumaas ang kanyang kilay. Marunong naman siyang humawak ng manibela, pero tinatamad lang siya.
“Ako, Lane.” Anang tinig sa aknyang likuran.
Gusto na yata niyang himatayin. Hindi lang pala ito bodyguard. Ginawa pang driver. Kahit namang may nagbabantay na sa kanya ay si Mang Dado pa rin ang naghahatid at sundo sa kanya. Mas magiliw pa nga ang pakikitungo niya dito kaysa sa mga asungot niya. Talaga yatang mauubos ang kanyang pagkamaldita dahil sa damuhong ito. Matatalo yata siya sa pustahan sa kaibigan na hindi ito magtatagal sa kanya.
Isa pa ang kanyang ama. Pakiramdam niya ay sumusunod ito sa lahat ng gusto ni Neil. Alam niya kahit hindi nila sabihin na pakana rin ng binata na talagang lahat ng pupuntahan niya aty updated din siya. Ang kapal talaga ng mukha. Sana ipasementyo na rin niya para mas lalaong kumapal. Sisirain niya ang kanyang poise araw-araw.
“Hija, don’t forget my one million. I need it cash.” Narinig niya ang tawa ng ama pagkatapos nitong ibulong ang mga salitang iyun sa kanya. Nakatingin lang si Neil sa kanila.
“Utang ko na muna, Papa. Mas mayaman ka naman sa akin.” Umirap ang dalaga. Humalik ito sa ama at sumakay na ito sa harapan.
Nakita niyang kinawayan ng ama si Neil. Ilang sandali ring nag-usap ang dalawang lalake. Nakita niya ang pagtapik ng ama sa balikat ng binata. Parang sinasabi nito ang goodluck. Lalong nalukot ang mukha ni Lane, palibhasa kasi ay malapit si Neil sa ama niya
“Ikabit mo yang seatbelt mo.” Pansin sa kanya ni Neil.
“Yaya ka rin ba? Hindi ako sanay na maglagay niyan. Pakialamero!”
Tiningnan siya ng matalim ng binata. Bigla nitong kinabig ang manibela. Halos mapasubsob naman siya. Mabuti na lamang at maagap siya.
“See what you have done!” at muli niyang inayos ang kanyang buhok. Guluhin na ang lahat ng gamit pero never ang kanyang pinakamamahal na buhok. Tuwid na tuwid ang hanggang baywang niyang buhok at maitim nitong kulay. Pagalit niyang kinuha ang suklay at muli nitong inayos ang buhok.
“Put your seatbelt.” Utos ni Neil.
Iniba lang ni Lane ang tingin. Gusto niyang ipakita dito katigasan ng kanyang ulo. Narinig niya ang malalim na paghinga ng binata. Ang akala niya ay papaandarin niya muli ang sasakyan.
Laking pagkagulat niya ng biglang lumapit si Neil sa kanya at siya na mismo ang nag-ayos sa seatbelt nito. Pati yata paghinga niya ay napatigil lao na at napakalapit ang mukha ng binata sa kanya habang inaayos nito ang belt. Amoy na amoy ni Lane ang pabango nito. Ng matapos ang bianta sa ginagawa ay siya naman ang binalingan nito.
“I want you to always put this belt. I always want you to be safe, Lane.”
Napatili pa ang puso niya dahil sa kanyang narinig. How sweet you asungot is Lane. Shut up!
Walang imikan habang nasa daan ang mga ito. Diretso lamang ang tingin ng binata habang nagmamaneho ito. Isang linggo na at si Neil pa rin ang kanyang kasa-kasama. Siyempre pa hindi na rin siya sinugsugan ng mga kaibigan na dispatsahin ito. Paano naman ay halatang malaki ang pagkagusto ng mga ito kay Neil.
Noong unang araw nga nila itong makita ay ipinakita agad ng mga ito ang kalandian. Nagtilian pa ang mga iba ng pababa si Neil. At ang lalakeng naman ay mukhang enjoy na enjoy sa company ng mga babaeng lukaret sa campus.
Never pa niyang nakitang may bakanteng oras ito habang hinihintay siya. Tuwing makikita niya ay may kausap itong iba. Minsan mga kasama niyang may binabantayang tulad niyang anak-mayaman, pero kadalasan mga kolehiyala na ang kausap.
“Mahirap bang mag-aral sa university niyo?”
Thanks God! Kahit papaano ay hindi naman pala niya gustong mapanis ang kanyang laway.
“Ayos lang. Ikaw?”
“How about me?”
“Nine years na wala ka. You know, curious lang ako kung saan ka nagsuot.”
“Sa probinsiya.”
Gusto pa sana nitong itanong kung ano ang mga nangyari sa kanya. Pero bigla rin siyang natahimik. Bakit naman niyan tatanungin tungkol sa kanyang buhay? Ano naman ang pakialam niya?
Ganoon lang ang uasapan nilang dalawa. Hindi nagtatagal sa tatlong minuto. Pakiramdam din kasi niya ay ayaw ding magkwento ang binata tungkol sa buhay niya.
Hindi pa man siya nakabababa ay agad ng nagsilapitan sian Jean at Pia. Napakatamis pa ang mga ngiti nila habang papalapit ang mga ito. Tumaas lang ang isang kilay ng dalaga. Alam naman niyang hindi talaga siya ang gustong salubungin kundi si Neil.
“Good morning, Lane!”
Bagamat pangalan niya ang binanggit ni Jean ay kay asungot naman nag pa cute ng tingin. Halata naman kasi niyang may gusto ang bestfriend nito sa kanya. Ewan lamang niya kay Neil kung type niya rin ito. Kaya nga panay ang tanonmg sa kanya nito kapag ano ang mga paborito ng binata.
Sa totoo lang ay hindi naman niya talaga alam ang mga ito. Kahit noong mga bata pa lamang sila ay likas ng tahimik ito. Kuntento kung anong maibibigay sa kanya. Hindi lanmg niya alam kung may ipinagbago na ito. Ganoon naman kasi siya hanggang ngayon na tahimik. Pero parang palaging may malalim itong iniisip. Minsan kapag gabi ay natatanaw pa niyang bukas ang ilaw sa kanyang kuwarto. Halos katapat lamang niya ang kuwarto ng binata at ang kanyang silid. Minsan ay wala ito sa weekend at madalas na may kausap sa phone.
Hindi kaya ang kasintahan nito ang palagi niyang kinakausap at madalas puntahan kapag wala siya? Kapag wala naman kasi ito sa kanilang bahay ay namimiss niya ang pang-iinis niya dito. It’s like the old time. At kapag napipikon na si Neil sa mga pang-aasar niya ay aalis na lang ito sa harapan niya. Mas matanda nga si Neil, pero siya man ang bata ay siya naman ang bully sa kanilang dalawa.
Tulad ngayon. Wala na naman ito. Sabado ngayon at walang pasok kaya naman may mahalaga lamang daw siyang aayusin. Kagabi pa ito umalis at babalik din mamayang gabi. Hindi niyang kayang itago ang nararamdaman. Kung wala naman kasi ito ay hinahanap niya. Kahit hindi sila masyadong nag-uusap ay sapat na sa kanya na nakikita ito. Alam naman kasi niyang kapag kasama niya ang binata ay ligtas siya. Hindi siya mapapahamak sa piling niya.
Ng marinig niyang tumunog ang telepono ay nagmamadali niyang sinagot iyun. Excited niyang iniangat ang awditibo.
“Hello.” Masigla nitong bati sa kabilang linya.
“Lane, honey. Mabuti naman at ikaw nga agad na sumagot.”
Sumimangot ang dalaga. Akala pa naman niya ay si Neil ang tumawag. Si Joshua naman pala. Tatlong taon na rin silang magkasintahan. First boyfriend niya ito. Pareho niya ay graduating student din ito sa susunod na dalawang buwan. Civil engineering ang kinuha ni Joshua at Business Administration naman ang sa kanya. Galing din ang binata sa elite class ng bansa. Solo ring anak ito.
“Hi, honey ikaw pala. Napatawag ka?”
“Baka kasi nakakalimutan mo ang pagkikita natin today.”
“Ha? Y-Yeah, oo nga pala.”
“Nakalimutan mo na ba?”
“Hindi naman. Sige sunduin mo na ako. Nakabihis na ako.”
“Okay. I love you. See you, Lane.”
“Same here.”
Pumanhik agad sa kuwarto ang dalaga. Hindi pa siya talaga nakabihis. Nakapantulog pa lamang siya. Sabagay madali lang naman sa kanya ang mag-ayos ng kanyang sarili.Maganda naman siya. Mestisahin na minana sa ina at malaki siyang bulas. Kung hindi lamang aninag sa kanyang mukha na bata pa siya ay mapagkakamalan siguro siyang nasa early twenties na rin. Bagay ang anumang estilo ng kasuotang nais niyang gamitin. Litaw na litaw pa rin ang likas niyang ganda kahit na anong isuot niya. Effortless sa kanya ang magpaganda.

BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomansaItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...