Chapter 13

5.8K 141 0
                                    

MY HANDSOME ASUNGOT

written by: Jinky Tomas



Sinamyo ni Lane ang halimuyak ng mga bulaklak sa kanyang harapan. Marami na palang namumulaklak sa mga tanim nila. Mula noong nag-umpisa siyang magtrabaho sa kanilang pag-aaring kompanya ay hindi na niya maharap na ikutina ng kanilang malawak na bakuran. Ito ang paborito niyang puntahan. Maraming mga bulaklak at natutuwa siyang pagmasdan ang mga ito. Kumuha siya ng isa at inilagay iyun sa kanyang tainga.

“Nandito pala ang pinakamaganda kong anak.” Ang kanyang Papa. Nakangiti ito habang papalapit sa kanya.

“Hi. Pa!” sinalubong niya ang ama at humalik ito sa kanya.

“Kumusta na ang anak ko?”

“Maayos naman Papa. Maraming trabaho sa opisina. Pero nag-eenjoy naman ako sa pressure nito.”

“Lane, hija…I’m asking how are you, not your work or anything else.”

Bumuntung hininga lamang ang dalaga. Alam ng Papa niya ang kanyang pinagdaanan. She don’t need to speak out. Inakbayan siya ng ama at nahulaan niyang tiyak ang bigla niyang pagkalungkot. Niyaya siya nitong masgmeryenda.

Sa tabi ng swimming pool sila umupo. Kararating lamang din ni Lester na nagbakasyon daw sa kanilang bayan. Kinawayan siya ng ama upang makisalo sa kanilang dalawa. Napatingin si Lane sa gawi ng ama. Hindi pa rin nagbabago ang ugali nito. Likas pa rin ang kanyang kabaitan kaya naman iginagalang siya ng lahat.

May inabot ito sa mag-ama. Nanlaki ang mga mata ni Lane ng makita ang laman ng paper bag. Dried mangoes! Tuwang-tuwa ito at parang bata itong yumakap sa bag.

"Favorite! How do you know?"

“Nagkataon lang Lane. Sir Manny? Pwede ba tayong mag-usap sandali?”

Lumayo ng dalawa sa kanyang kinaroroonan. Base sa mga mukha ng dalawa ay seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Madalas ng mapansin ng dalaga na palaging nag-uusap ang ama at si Lester at kapag papalapit siya ay biglang titigil ang mga ito at magtitinginan sa mata. Tapos iiwan na sila ni Lester. Kapag nagtatanong naman siya sa kanyang ama, isasagot lang niya palagi na men’s talk daw.

“Kumusta ang naging lakad mo?”

“Malapit ng matapos ang lahat. Sa susunod na linggo ay gusto ko po sanang magpaalam sa inyo. May kailangan lang po talagang akong gawin.”

“Sure, hijo. Basta mag-iingat ka palagi.”

“Salamat po.”

Ngumiti ang ginoo sa kanya at tinapik nito ang kanyang balikat.

“Inay, pwede bang dito ako kumain?” sumilip siya sa kusina ng mag-asawa. 
Biglang gusto niyang magsisi sa basta na lamang pagpasok doon. Nasa hapag kainan ang mga-asawa at masayang kasalo si Lester. Pati yata si Lester ay nagulat din sa bigla niyang pagsulpot.

“Lane, halika! Nagluto ang Inay mo ng paksiw na bangus. May pritong tilapya pa.” Kinawayan siya ng Mang Marlon. Biglang nakaramdam ng pagkatakam ang dalaga ng marinig ang ulam. Paborito niya kasi talaga ang mga iyun.

Nagmamadali siyang kumuha ng plato. Hinanap niya agad sa mesa kung may sariwang kamatis. Lalong natakam ito ng makitang may alamang pa. Mabilis siyang umupo at agad na kumuha ng pagkain. Hindi naman napoigilan ng mag-asawa na tumawa.

Tuwing kumakain si Lane sa kanilang bahay ay hindi nahihiyang ipakita na matakaw ito lalo na kapag mga paborito niya ang nakahain sa mesa. Nanatiling nakamasid lamang si Lester sa dalaga habang puno ng pagtatanong ang kanyang isip.

Sa mahigit dalawang linggo pa lamang na paninilbihan niya sa dalaga ay maraming nakapagtatakang ugali ang napansin niya dito. Ngayon lamang din niya narinig na Inay at Itay pala ang tawag niya sa mag-asawa. Parang hindi siya anak ng mayaman. Marunong pala siyang bumababa sa lupa kong minsan.

Bago pa man makasubo si Lane ay napansin na niya agad na nakatingin sa kanya si Lester. Hindi naiya mabasa kung anong reaksiyon nito sa kanya. Nakatingin lamang ito. Hindi man lang siya binati kanina. Sabagay siya rin naman parang hangin lamang na yindi niya kanina napansin.

“Why are you staring at me, Lester?” itinaas niya ang isang kilay pero nakangiti ito.

“Wala. Naninibago lang ako sa iyo Lane.”

“Masanay ka na diyan kay Lane. Akala mo lang na mataray iyan, pero napakabait na niya ngayon.” Pansin ni Aling Gina.

Ngayon? Ibig sabihin ba na sa nakaraan ay talagang stupid siya? Pero hindi na niya iyun pinansin. Mature na siya ngayon. Hindi na niya kailang halungkatin ang mga dahilan kung may mga salitang nagdudulot sa kanya ng pagtataka.

“Ang sarap talaga nito, Inay. Kapag ganito ulit ang ulam. Tawagin niyo ako.” Humalik siya sa pisngi ng ginang at tinungo ang lababo. Naghugas siya ng kamay.

“Tapos ka na?” tanong sa kanya ng ginoo.

“Hindi pa Itay. Mas masarap kasing magkamay kapag pritong tilapya ang ulam.” At agad na sumubo ang dalaga gamit ang kanyang palad.

“Dahan dahan, Lane. Baka mabilaukan ka diyan, anak.”

“Inay alam niyo namang ito ang major ko, ang sunod sunod na pagsubo.” Sambit ng dalaga kahit ngumunguya pa ito.

Napangiti ang binata sa ayos ni Lane habang kumakain. Sino ang mag-aakalang ang anak ng presidente ng kilalang kompanya ay marunong magkamay at hindi itinatago ang katakawan? For sure si Lane lamang iyun.

Pabiro pa si Lane na iniliyad ang tiyan. Medyo umumbok iyun sa dami ng kanyang kinain. Napatawa tuloy ang mag-asawa. Kahit papaano ay masaya sila tuwing nakikitang masaya ito. Mula noong nawala sa kanya ang kanilang anak ay nasaksihan nila kung gaano ang pagdurusa nito. Pati rin naman silang mag-asawa. Hanggang ngayon ay sobrang miss ang kanilang anak. Nag-iisa lamang ito kaya naman napakahirap upang hindi nila palaging naalala. Mabuti na lamang at dumating din si Lester sa buhay nila. Para silang nabuhayan ng anak sa pamamagitan niya. Magiliw ang binata sa kanila. 

Hindi ito pala kuwento sa kanyang buhay. Ang alam lang nilang mag-asawa tungkol kay Lester ay sa probinsiya siya lumaki. Pero ang kabaitan nito sa kanila ay sapat na para ituring na rin itong anak. Marahil ulila na rin ito at nag-iisa lamang sa buhay kaya naman hindi na niya ikinukwento ang buong buhay niya sa kanila. Iginagalang nila iyun. Kung kailan magiging handa ito para sabihin ang buong buhay niya ay iyun ang hihintayin nila.

Napnsin ni Lane na nagtatawanan ang mag-asawa. Nasa isang tabi lamang din si Lester. Nagbabasa ng pahayagan. Sumimangot siya at pumagitna sa mag-asawa. Humilig siya sa ginang. Parang batang nagsusumbong.

“Inay, tinatawanan ako ng Itay, oh.” Kunwari ay nakasimangot pa rin ito at umirap sa katabing ginoo.

Pabiro namang binatukan ni Gina ang asawa at pinagalitan ito na huwag pagtawanan ang dalaga. Si Lane naman ang biglang napahalakhak ng magbirong naglulupasay ang matanda sa sofa.

Nabaling ang pansin ni Lester sa tatlo. Lalo na kay Lane. Nagkamali yata siya sa panghuhusga dito. Sa nakikita niya ngayon ay napakalapit nilang tatlo. Parang iisang pamilya ang mga ito. Walang halong pagkukunwari ang lahat ng nakikita niya ngayon kay Lane. Pero imposible! Baka naman may dinadala lamang ito sa kanyang kunsensiya. Guilt. Kaya maaaring sa mag-asawa bumabawi. Muli niyang itinuon ang atensiyon sa binabasang headline sa pahayagan. Tumalim ang kanyang mga titig at nakuyom niya ang palad.

“Lane, hindi sa nakikialam ako. Tatanungin ko lang kung bakit Inay at Itay ang tawag mo sa mag-asawa?”

“As simple as asawa ko ang anak nila.” Seryoso ang dalaga.

“A-Anak?”

“Si Neil.”

Napansin ni Lane na biglang nag-iba ang reaksiyon ni Lester. Nangunot pa ang noo nito. Sa nakitang reaksiyon ni Lester ay napahagikhik ang dalaga. Siniko nito ang binata.

“Nagbibiro lang ako, ilusyon ko lang ang mga sinabi ko, okay?”

At nakangiting tumayo ang dalaga. Saglit itong sumilip sa kusina. Naroon ang mag-asawa at humihigop ng kape. Inalok siya ng mga ito pero mas minabuti na niyang umuwi. Gusto muna niyang magpahinga. Kahit nakaupo maghapon sa harap ng mga tambak niyang papeles., pakiramdam niya ay mabigat ang katawan dahil sa pagod.

Naiwan si Lester na malalim pa rin ang kanyang iniisip. Bakit kailangan ni Lane na mag-ilusyon na asawa niya si Neil? Ano nga ba talaga ang tunay na pagkatao ng dalaga? Para kasing iba ang kinikilos niya sa ngayon kaysa sa nakaraan. Parang hindi na niya makilala kung sino talaga siu Lane Assistin.

“Dadalo tayo sa kasal ni Joshua, bukas.”

Nangunot ang noo ni Lester sa narinig. Ng tinanong ng binata kung hindi sila ang magkasintahan ay mabilis ang naging sagot ng daaga na noon iyun. Pero tapos na ang lahat sa kanila ngayon.

“L-Lane?”

“Jean! Hi, kumusta ka na?” walang kaplastikan ang ngiting iginawad ni Lane sa kanya.

Dumalo rin pala ito sa kasal ni Joshua at kasama niya ang kanyang asawa at anak. 
“Hindi ka galit sa akin, Lane?”

“Tapos na ang lahat Jean. You know me, hindi naman ako ganoon kasama para hindi marunong magpatawad, hindi ba?”

Tumango ang dalaga. Niyakap siya ni Jean at tumingin ito sa gawi ni Lester na nakatayo.

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon